I'm so inlove with you. - Drama

24 0 0
                                    

Chapter 5

Ishii's POV

Natapos ang araw ko na puro kapalpakan na gawa ko pero okay lang sanay na rin naman ako hehe pero di naman ako palaging palpak no! Ang ibig kong sabihin sanay na kong ganito palagi natatapos ang araw ko bahay-coffee shop-bahay, para bang daily, weekly at monthly routine ko na.

Naglalakad na ko pauwi, malapit lang naman ang shop sa bahay kaya isa pa to na okay at least libre kain at transpo na, kumpleto pa ang sahod ko na maipambibili ng mga pangagailangan namin.

Nasaan na kaya si Mimi, ano na kayang balita sa pagiging image stylist niya kay EJ Mondragon, teka Mondragon na naman? Bakit ba parang yun ang word of the day ko? Mondragon haha surname pa lang ang lakas na eh ang lakas ng manakot. :D

Makadaan nga sa kanila, pagdating ko sa kanila nakita ko kaagad ang lasenggo nyang tatay na as usual lumalaklak na naman.

"Mang Leandro!, si Mimi po ba nakauwi na?" - ako

"Ay naku hik! Sih Minhandro bah? hik. Walah pah Ishiihh!" - Mang Leandro

"Ah ganun ho ba! Pakisabi na lamang po na dumaan ako. Salamat ho!" - ako

Tumango lang si Mang Leandro, tapos nakipag-inuman na, haist kaya naman si Mimi todo kayod eh di naman kakayanin ng paglalabada ng nanay nya ang pagtataguyod sa kanilang sampung magkakapatid lalo pa't wala ng ginawa ang ama nya kundi makipag-inuman, kapag kumita ng kaunti imbes na ibili ng makakain eh alak ang bibilhin. tsk pambihira talaga! Sabagay sanay na din ako sa sampung pamilya dito sa lugar namin eh 9 ang kagaya kela Mimi.

Ang lugar kasi namin eh pang masa kumbaga squatter o informal settler na lang para medyo sosyal hehe, alam nyo na siguro kung anong itsura hindi ko na iddescribe pa, matagal-tagal na din kaming nakatira dito mula pagkabata ko nakalakihan ko na, kami ni mimi, ang mabaho at maruming lugar na to, well maswerte pa rin kami na hindi pa naiisipan ng may-ari na kunin itong lupa kundi nganga kaming lahat haha magiging NPA na (No Permanent Address) kami pag nagkataon.

"Inay. Nandito na po ako!" Nakita ko syang nakaupo sa tabi ng bintana, hinihingal at nakatingin sa kawalan, lumapit ako at nagmano.

Ganito kami palagi, tahimik tanging ako lang ang nagsasalita, kinukwentuhan ko sya ng nangyayari sakin sa araw-araw, no comment at nakikinig lang sya palagi na ewan ko kung naririnig nga nya talaga. Madalas nakikita ko na lang syang umiiyak habang nakatingin sakin. Kahit kailan hindi ko pinakita sa kanyang nanghihina ako at napapagod kasi ayokong makadagdag pa sa paghihirap ng kalooban nya.

Isa lang naman ang hiling ko sa Diyos, na sana mapaoperahan ko si inay pero paano ko naman gagawin yun kung sapat lang sa pangaraw-araw namin ang kinikita ko. Pero di ako nawawalan ng pag-asa alam kong mangyayari ang lahat sa tamang panahon, kaya kahit kailan di ako nawawalan ng pag-asa na magiging maayos ang lahat.

In God's will . .

-- end of chapter 5

Ang emo ba? Well, at least may background tayo kay Ishey :)

I'm so inlove with you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon