Hi! this is my first time to write a story, I hope maging okay :D since trial pa lang naman ;) - Shanshan
CHAPTER 1
Ishiiiiiiii !!!!!!
Waaah sunog!!!!!! sigaw ko
Aray! Naku naman! Ang sakit nun ah! Ang aga-agang namang pasa nito! Tumayo akong hinihimas ang pwet ko paano nalaglag lang naman ako sa higaan dahil sa mala-sirenang sigaw ng kung sino man yun
Ano bang meron? Bakit ba ang aga-aga ang ingay na! Naku parang alam ko na kung sino. . .
"Ishiiiiiii! My friend! Bakla! Imissyou!", sabay silip sa pintuan ng kaibigan kong bakla! as in badaf o bading ano pa ba.
Siya si Mimi o Minandro sa totoong buhay, ang baho lang ng pangalan haha, sya pala ang ka-bagang, kasangga, kapartner sa kalokohan in short my best friend since elementary. ^^,
No choice na eh pero in fairness love ko yan ah :D
"Aray! Ano ka ba bakla! Ang aga-aga ang ingay-ingay mo na! Nakadroga ka na naman ba?" - ako
"Hoy! mukha bang pang-adik ang beauty ko hmft! aga-aga mong okray ah! Tse! Nandito ako para ibalita sayong tanggap na ko sa trabaho!" :D -Mimi
"Arujusko! eh yun lang naman pala! Sinira mo pa panaginip ko! Eh pwede mo namang itext sakin yan!" hmft talaga tong baklang to!
Makabangon na nga lang at ng makapagluto ng almusal ng mapakain ko muna si inay bago ako pumasok.
Teka hindi pa pala ko nagpapakilala :D sorry naman etong baklang to kasi!
Ako pala si Sophia Ishii Sandoval, 24 y/o, simpleng namumuhay at naninirahan sa maliit na bahay kasama ang aking inang may sakit na simula ng mamatay ang aking ama 4 na taon na din ang nakalilipas dahil sa sakit na leukemia. Sa sobrang depression ni inay sa pagkamatay ng aking ama ay di na nagsalita pa at lagi na lamang tulala, ang masaklap lang kasi lumala pa ang sakit nya sa puso na ayon pa sa mga doctor ay kailangang maoperahan sa lalong madaling panahon. Nakalulungkot talaga pag naaalala ko yun! Kung maibabalik lang sana ang aking ama di sana masaya kami. Bakit ba kasi ang hirap maging mahirap.
"Hoy bakla! Ang aga mong lutang ah adik lang teh?! - Mimi habang nilalapang na ang niluto kong tuyo at sinangag.
"May naalala lang ako, ikaw naman! Hmft O kailan ka magsisimula sa trabahong sinasabi mong nabulag na tanggapin ka?" - ako
"Ahbah shiyempre buk - as na", sabay inom ng tubig, "kasi rush daw yun dahil pinalayas yung dating beautician na nagmmake-up sa magiging alaga kong baby dragon", sabay subo na naman ng kanin.
"Psh ang takaw mo talaga Bakla! hinay-hinay lang baka mabilaukan ka ilang araw ka bang di kumain at para kang patay-gutom kumain ngayon, eh teka sino ba magiging alaga mo at para namang napaka vip dahil kailangan may beautician pa?", nagtataka kong tinanong.
"Si EJ Mondragon lang naman, ^__________^ - Mimi
O_O "huwaaaat? as in si Eidan James Mondragon? yung artista?" - ako
"oyeah my dear friend Ishii" - Mimi
"Omigawd! ang swerte mo naman! kaya naman pala ang aga mong sumugod dito eh haha o e bakit at paano namang ikaw ang kinuhang image stylist nun?" - ako
"Para namang wala kang kabilib-bilib sakin T.T bff pa naman kita, anyway eto kasing kaibigan kong beautician sinabi saking nangangailangan pa daw ng image stylist yung manager nila, edi go na ko! kahit patay pa mmake-upan :D kiber ko alam mo namang kailangang-kailangan ko ng anda (pera)! haha e sumakto namang ako yung napili tapos nalaman kong hindi pala patay ang mmake-upan ko kung di nakabubuhay ng patay! :D" - Mimi
"Haha ikaw talaga! Edi swerte mo, araw-araw ka ng mabubuhayan! samantalang ako parang araw-araw nababawasan buhay ko ng dahil sa amo kong wala na yatang ibang alam kundi magbunganga, gusto ko na ngang magresign kung hindi lang talaga malaki ang utang na loob ko mag-asawang Tan naku! Saka mahirap din maghanap ng trabaho ngayon at kung di lang talaga kailangan ni inay", - ako
"Ang agang emo lang teh?! Osya alis na ko busog na ko eh :D haha seyah baks! mwamwa" - Mimi
"Salamat ah! Ikaw talaga! Sige na pakakainin ko na din si inay. GL sa bagong work baks!" - ako
Bahagya akong nalungkot pagkaalis ni Mimi kapag kasi ako na lang mag-isa at naiisip ko ang sitwasyon namin ni inay, pero kailangan kong magsikap para samin ni inay pati na rin ang maintenance nya ng gamot dahil wala naman akong ibang aasahan kundi sarili ko.
-- end of chapter 1
Ang kulit lang ni Minandro este Mimi hehe. .
Please bear me kasi first time ko ;)
BINABASA MO ANG
I'm so inlove with you.
RomanceYÑIGO MIGUEL MONDRAGON. Surname pa lang nakakatakot na, siya ang batang-batang CEO ng MGC ang pinakamalaking corporation sa Asia, ang pinaka pogi, pinakahot at pinakabatang successful businessman at his age, ngunit hindi marunong magmahal at walang...