I'm so inlove with you. - In my dreams

27 0 0
                                    

Chapter 8

Ishii's POV

Hmm lambot naman yata ng kama ko.. sana wala na namang makulit na baklang sisigaw sa umaga.

Speaking of bakla! nasaan na kaya yun? Ang naaalala ko nasa bar ako at umiinom, teka nasaan nga ba ako? Bakit sobrang lamig at parang ang bigat!

-.-

-.o

o.o ang pogi naman ng prince charming ko sana kung panaginip to di na ko magising. .

hmm teka bakit may lalaki sa kwarto ko?

sino to! Oh-Em-G! ang gwapong nilalang naman nito! Ang yummy, sarap naman ng panaginip ko pero teka parang nakita ko na sya.

Hmm bahala na nga nanamnamin ko na lang muna na may yummy akong katabi baka paggising ako mawala na to sabay yakap sa prince charming ko.

-.-

-- Yñigo's POV

Nagising ako kasi may sumiksik sa tabi ko at bigla akong niyakap, Oh no nakatulog pala ko sa tabi nya, pinagmasdan ko sya habang himbing na himbing sa pagtulog, ang ganda niya parang anghel at ang labi hmm parang ang sarap halikan. My God! Anong nangyayari sayo Yñigo? Parang nagigising na ang katawang lupa ko.

Parang nakita ko na sya somewhere I can't remember lang kung saan. Hmm makatulog na nga lang ulit katabi ng anghel na to anyway okay lang naman kung tanghaliin na ko sa pagpasok wala naman akong importanteng meeting ngayon at medyo masakit din ulo ko dahil sa nainom ko kagabi. Natulog kaming magkayap, sarap pala sa pakiramdam, first time ko to! :D

--

Riingggg

Riingggg

Riingggg

Naku naman panira ng panaginip tong cellphone na to! Nandun na eh ikkiss na ko eh tsk.

Kapa-kapa muna, teka bakit parang katawan ang nakakapa ko?!

-.o

o.o

O.O halaa! sino sya?!

May katabi akong lalaki? Teka hindi, take two! Natulog akong may katabing yummy na lalaki? OH MY GOD!! May nangyari ba? Na-rape na ba ko? Pero wala namang bago sa pakiramdam ko maliban sa medyo masakit pa ulo ko dahil siguro sa nainom ko kagabi. At saka bakit ang ganda ng room at ang lamig? Nasaan ba ko? Halaa! Naku talaga patay na ko neto! Napabigla ako ng bangon at hinanap cp ko, dahan-dahan akong bumaba ng kama at inabot cp ko.

"He-llo? pabulong kong sagot baka magising ang rapist este ang lalaking katabi ko.

"Ishiiiiiii! baks! Naku nasaan ka na? Sorry talaga! Hinanap kita sa bar pero sabi ng bartender may lalaking naglabas sayo sa bar! Nasaaaaaaan ka na? May nangyari bang masama sayo? Sumagot ka naman please.!" - Mimi

"Ano ba! Makasigaw ka naman bakla wagas! Nalusaw tutuli ko sayo eh! Actually hindi ko alam kung nasaan ako paggising ko may lalaki na lang sa tabi ko ang gwapo nya in fairness!", pabulong pero kinikilig kong sagot.

"Huwaaaat? Natulog kang may katabing yummy na lalaki? Ano? Anong nangyari? Masarap ba? Masarap bang humalik? Ano?! Waaaaah dalaga ka na baks!" Sigaw ni Mimi

"Hoy ano ba! Kailangan isigaw pa teh?! Gaga! Walang nangyari teka di ko alam! Ang dami ko kasing nainom kagabi ang natatandaan ko hahanapin na kita ng biglang paghakbang ko nagblack-out na ko ayun paggising ko nandito na ko sa hotel o ewan ko kung ano to. Teka si inay?! naku nasaan ka ba? Pwedeng pakisilip si Inay? Kailangan niyang kumain at uminom ng gamot. Pauwi na rin ako, Magbibihis lang ako." - ako

"Oo na ti! Nandito ako sa inyo kaya nga nalaman kong wala ka! Sige pakakainin ko na lang si mother nature", - Mimi

"Osige salamat, may utang ka pa sakin huh!" - inoff ko na phone ko baka humaba pa mga tanong ng baklitang yun.

Dali-dali akong nagbihis at inayos mga gamit ko, nagtoothbrush at naghilamos ako sa cr, feel at home ko no? Kailangan ko na kasing makauwi, kailangan ako ni inay baka kasi kung anu-anong pinakain ni Mimi dun hehe.

Dahan-dahan akong lumabas ng biglang. .

"Aalis ka ng di man lang nagpapaalam?".

"Ay kabayong bakla!"

- - end of chapter 8

Lagot ka Ishii!

Di ka umuwi kagabi..

Ang gwapo naman ng rapist mo infairness ;)

I'm so inlove with you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon