Chapter One - S.W.A.G

9 0 0
                                    

Samantha's POV

"Pag kabilang ko ng tatlo at hindi ka pa tumatayo dyan sa kama mo Alexa hindi ako mag dadalawang isip na ibuhos sayo tong isang tabong tubig na dala - dala ko" - sabi ko kay Alexa habang ginigising ko sya at totoo ang sinasabi ko may dala akong isang tabong tubig.

Aba'y 10 mins. Ko na ata syang ginigising ayaw pa rin bumangon. Paos na ko kakasigaw sa babae na to. Im sure puyat na naman to kakapanood ng mga Korean series o k-drama.

Sa aming apat ito ang pinaka mahilig mag puyat halos hindi na nga ata natutulog to, buti sana kung sa pag aaral sya nag pupuyat eh, kaso hindi eh. Kaya tuloy pati pag aaral nya apektado na. napakatamad mag aral kaya puro 3 ang grades sa card nya. 3rd year college na kami pero pa easy easy lang.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh Sammmmmmmmmyyyyyyyyyyy How dare you! Napaka aga pa bakit ka ba nag iistorbo dito." - aba natakot atang mabuhosan ng tubig kaya bumangon.

"Alexa De Leon muntik ng mabasag ang eardrum ko sa sigaw mo." sabi ko sabay hampas ng unan.

"Waaaaaaaahhhhhhhh mommy palabasin nyo nga tong si Samantha huhuhuhu istorbo sa buhay ko." - totoong umiiyak sya. Nakakatawa ang itsura nya.

Gulo gulo ang buhok, may laway pa sa tabi ng labi nya tapos pikit pa ang mga mata kahit nakaupo na sya sa kama nya.

"Alexa kahit mag nganga-ngawa ka dyan hindi ka papansinin ni Tita Alice, alam nya tong ginagawa ko sayo at sabi nya saakin ako na daw ang bahala sayo. Kaya tumayo kana dyan at malelate na tayo sa Enrolment." - Sabi ko habang hinahatak sya papuntang banyo.

"Sammy meron pa naman next week di ba next week na lang ako mauna na lang kayong tatlo." - angal pa rin nya

"Alexa pangatlong beses mo ng sinasabi yan. Pinag bigyan kana namin nung una at pangalawa dahil sa kesyo masakit ang ulo mo o kaya naman masakit ang puson mo dahil sa period mo. kahit alam naming nag dadahilan ka lang. kahit alam naming napuyat ka lang kapapanood ng mga k-drama o series. Kaya tumayo kana kase hindi ako papayag ng hindi ka kasama ngayon." Nahatak ko na sya sa may pinto ng banyo ,

"Waaaaaahhhhh Sammy maawa ka naman saakin. 1 oras pa lang ako nakaktulog huhuhhu" - Alexa

"Sino may kasalanan ha? Masyado kang adik sa mga kakapanood kaya ayan napapala mo. bilis ligo na. 9 am aalis na tayo. 8 am na o kaya dalian mo na." - nakapasok na sya ng banyo.

Natatawa na lang ako sa babae na yun habang nasa loob ng banyo umiiyak. Hayyyyyy alexa 3rd year college na tayo ganyan ka pa rin.

Sa aming 4 na mag bebestfriends si Alexa ang pinaka isip bata at pinaka matigas ang ulo. Sobrang adik manood ng TV or movies or Series. pero sa pag aaral wala kang aasahan saknya, madalas tulog sya sa klase, madalas nangongopya din saamin.

Hayyy kung hindi lang namin sya mahal na mahal papabayaan namin sya eh. Kaso wala eh sya at sya ang iniisp namin. Sobrang spoiled nya saaming 3 nila Wynneth at Gail. Owner sila ng mga Clothing line sa bansa at pati sa ibang bansa. Kaya si Tita alice lang ang kasama nya sa bahay dahil sobrang busy ng daddy nya.

Si Gail naman ang pinaka ate ang dating saamin, napaka lawak ng pag iisip, matalino, mahaba ang pasensya, Beauty Queen pa sya na rin ang masasabi naming pinaka maganda saaming 4. Pero NBSB o diba napaka gandang ehemplo. Wala na syang mommy kasi namatay ito nung pinanganak sya. Isa sa Share holder ang daddy nya sa school na pinapasokan namin. May sarli din silang mga universities na pag aari.

.

Si Wynneth naman ang pinaka Sporty saaming apat, Varsity ng Volleyball, Pambato sa swimming ng school, Nag lalaro din sya ng Table tennis, Badminton at kahit anong sports kayang kaya nya laruin.napaka flexible ng katawan nya. Minsan nga niloloko naming sya na tomboy eh kase napaka adik sa sports tapos gusting gusto rin nya manood ng Basketball ang daming alam pag dating sa basketball at basta sports sya ang nangunguna.

At ako naman si Samantha ang taong sobrang nagmamahal sakanilang tatlo, mahal na mahal ko sila kagaya ng pag mamahal ko sa kuya ko. Silang tatlo ang buhay ko kaya hanggat kaya ko ipagtatanggol ko sila. Mahina ako pero pagdating sakanila handa kong awayin ang mga nang aaway sakanila.

8 years na kaming magkakaibigan, halos kilalang kilala na naming ang isa't-isa. Kahit nga utot eh alam na alam na namin. Madami na kaming napagdaanan, saya, lungkot,iyak, away at kung ano ano pa.

Naalala ko pa kung paano kami naging mag kakaibigan.

Flash Back

Unang araw ng pasokan nun ng High school life namin, masama ang loob ko nun kina mommy kase hindi itong school ang gusto ko kase wala yung mga classmates ko nung Elementary. Nilipat ako dito nila mommy para daw mag kasama na kami ni kuya Shan iyak ako ng iyak nun bago mag pasokan. Kaso wala na talaga akong nagawa. Kaya kahit ayaw ko pumasok na lang din ako.

Pag pasok ko ng CR may tatlong babae akong nakasabay, at dahil nga nag pakilala na kami sa harapan dahil nga first day of school namukaan ko sila.

Hindi lang kami nag pansinan dahil pakiramdam ko nagkakahiyaan pa kami. Mukha naman silang mababait. Sakto naming patapos na kaming apat ng biglang narinig naming yung pinto ng CR na sumara, sabay sabay kaming lumapit at tinignan bakit biglang sumara ang pinto kasopag pihit ko ng door knob ayaw ito mabuksan.

"Hala anong nangyari nakit nila tayo nilock dito" -

"malelate tayo sa klase natin"

"Ahh alam mo na klasmate tayo? Tanong ko

"Oo. Namukhaan ko kase kayo eh. Ako nga pala si Wynneth" - nakangiti nyang sabi.

"Ako naman si Samantha." Sabi ko sakanila.

"Hi ako si Gail" - ang ganda naman nya. Sabi ko sa sarili ko

"Hala huhuhuhu ano ang gagawin natin" - umiiyak na sabi nung isang babae.

"Wag kana umiyak, makakalabas din tayo dito" sabi nung Gail

"Oo nga, tahan kana" - sabi ko naman

" Ano ba name mo?" tanong naman ni Wynneth

"Alexa" sagot naman nya

"Wag kana umiyak. Kasama mo naman kami eh" sabi ko naman

"May tao ba dyan sa labas!" sigaw na sabi ni Wynneth

"Tulong po" - Sabay sabay naming sigaw

Makalipas ang 30 mins. Naramdaman namin na may nag bubukas ng pinto sa labas.

"Aba mga Hija ano ba ang ginagawa nyo dito?"

" Bakit naman kayo na lock eh wala pa naman uwian ah,hindi to ilalock nung Janitor."- Sabi nung Teacher na nakarinig saamin. Tamang tama dadaan daw kasi sya.

" Hindi nga po namin alam ma'am eh. 30 mins na po kami nakakulong dito" Sabi ni Gail

" O sya sige tara na sasamahan ko kayo sa room nyo para maipaliwanag ang nangyari sainyo" Sabi nung Teacher

Sabay sabay kaming naglakad papuntang room namin at magkakahawak ang kamay. Pinaliwanag naman nung teacher na nakakita saamin yung nangyari at naawa naman saamin yung last subject teaher namin kaya sabi nya excuse na daw kami pwede na daw kami umuwi.

Pero dahil nga maaga pa para sa uwian talaga namin wala pa ang mga sundo namin. Kaya naman tumambay na muna kami sa canteen. At doon nag kwentohan kami.masaya kaming nag kukuwentohan, parang matagal na kami magkakakilala.

End of Flash Back

Dun nag simula ang SWAG - Samantha, Wynneth, Alexa, Gail

Magpahanggang ngayon at forever na kaming mag bebestfriends.

Boy's rivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon