Chapter Four - New Coach

9 0 0
                                    

Alexa's POV

"I don't need your help!" hindi ko inabot ang kamay nya kunwari tutulongan ako pero pag tatawanan naman nya ako. tumayo ako mag isa.

"Wow ha chossy ka pa." sabi ni Shan

"Kung ikaw lang naman din ang tutulong saakin di bale na lang." sabi ko sabay nag lakad palayo sakanya.

Pero kung minamalas ka nga naman hindi pa ako nakakalayo sakanya natapilok naman ako, pero hindi ako natuluyang bumagsak sa sahig kasi may mga bisig na sumalo saakin.

Halos yakap yakap na nya ako, mag ka titigan ang aming mga mata hindi ko mapaliwanag bakit biglang ang bilis ng tibok ng puso ko. Ngayon ko lang sya natitigan ng ganito kalapit, malapit na malapit siguro mga 1 inch ang lapit ng mga mukha namin. Ang gwapo nya pala talaga, alam ko naman na maraming nag kakagusto sakanya heartthrob nga daw ang datingan nya eh. Pero para saakin dahil kaaway ko sya para saakin isa lang syang panget na epal na nag iexist. Mas type ko pa rin ang mga Korean Stars like exo members, Kim Bum, Lee Min-Ho, Kim Hyun-joong at Kim Joon at iba pa.

Pero ang tangos ng ilong nya, matang nakakaakit ang mga tingin, mapupulang mga labi, kapatid nya si Samantha pero kung magiging babae tong si Shan mas maganda sya kay Sammy.

Hindi talaga ako makagalaw parang huminto ang pag ikot ng mundo sa ganitong position namin. Pakiramdam ko pulang pula ang mukha ko nakoconscious ako, OMG!

Pero mas lalong nabigla ako sa sunod na nangyari, lumapat yung labi nya sa mga labi ko.. Waaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh ang First kiss ko, bakit nya ako hinalikan. Sa sobrang bigla ko naitulak ko na lang sya at tumakbo ako palayo sakanya, mag tataxi na lang ako pauwi hindi ko sya kayang harapin.

"Shit" - narinig ko na lang na sabi nya.

-

Wynneth's POV

First day ng pasokan well wala namang bago bukod sa 3rd year na kami halos wala namang nag iba sa school. Mag kakasama kaming apat ngayon hindi major ang subject kaya kami mag kakaklase. HRM kasi kami ni Samantha tapos si Gail at Alexa Business Ad.

"Hey Lex may problema kaba?" napalingon ako sa tanong ni Gail kay Alexa. Napansin ko nga rin na parang tulala sya at tahimik which is hindi naman talaga sya tahimik.

"No-nothing puyat lang ako" sabi nya pero hindi tumingin saamin

Puyat daw sya un ang hindi bago saamin. Wahh ito talagang babae na to wala na atang pag asang mag bago, 3rd year na kami ganun at ganun pa rin talaga. Puyat ng puyat hayyysss buti na lang andito kami at tinutulongan sya sa mga quizez at exams.

"Hayyy walang bago alexa, tara nga girls sa canteen kain na muna tayo para magising yang si Alexa kumain na lang tayo. Wala pa naman tayong gagawin ngayon eh." Sabi naman ni Samantha at nag aya papuntang Canteen.

Tumayo na kami para pumunta ng Canteen, naka salubong namin yung isa kong ka Varsity sa volleyball.

"Wynneth mamayang 2pm punta daw tayo sa Gym at ipapakilala yung bagong Coach ng Volleyball." Sabi nya

"Ahh ok salamat." Naka ngiti kong sagot sakanya.

Sino naman kaya ang bago naming coach, grumadweyt na kasi yung coach namin sa volleyball. Dito kasi sa school namin karaniwang nagiging coach is mga istudyante rin at may alam sa sports, para na rin experience un at pwede nilang magamit sa future.

"Girls, una na kayo ha punta lang ako sa CR" - sabi ko

"Ok. What you want Wyn so that I will order your food na" sabi ni Sammy

"Banana at yougurt lang" sagot ko

"Ikaw na talaga ang health conscious." sabi naman ni Gail at tumawa sila. Si Alexa ngumiti lang. may iba talaga saknya ngayon.

Boy's rivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon