Wynneth's POV
"Alam ko namang ang mga taong kagaya mo hindi madaling mamatay" nagulat ako sa sinabi ni Kuya Shan, at nakita ko kung gaano kagalit si Casper nung sinabi yun ni Kuya Shan. Susuntokin nya sakan si kuya shan pero mabilis ko syang naawat.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero mukhang may pinanghuhugotan ang galit ni Casper. Sa asta nilang dalawa hindi mapagkakaila na matagal na silang magkakilala.
"Wynneth bitawan mo sya, hayaan mo syang suntokin ako kung yun ang gusto nya." Seryosong sabi ni Kuya Shan.
"Mayabang ka pa rin talaga Shan Reyes" sigaw naman ni Casper nasa harap nya ko, yakap sya. OO yakap yakap ko tong magaling na lalaki na to. Kahit hindi ko matake na yakap ko sya tiniis ko na lang kesa mag pang abot sila ni Kuya Shan.
"Tama na ano ba kayong dalawa, Kuya Shan please umalis kana po ako na ang bahala dito." gusto ko ng lumayo si kuya Shan para kumalmal na tong si Casper.
"Wynneth sabihin mo saakin kung sasaktan ka ng lalaki na yan ha" paalis na si kuya Shan pero huminto sya ulit at lumingon kay Casper
"It's nice to see you again Casper Bret Soriano" seryoso ang mukha ni kuya Shan tapos biglang ngumiti.
Wahhhhhhh kuya loko ka talaga....
Matagal ng nakaalis si kuya Shan, pero nakayakap pa rin ako kay Casper, ayokong bitawan sya hanggat hindi pa sya kumakalma. Galit na galit kasi sya, mukhang sobrang galit na galit sya kay Kuya Shan.
"Masyado ba akong masarap yakapin kaya ayaw mo ng kumawala saakin" ang mukong na to nag yabang na naman.
Bigla akong kumawala sa kanya at inirapan sya.
"Bakit ba pag ako ang kaharap mo lagi kang masungit at nakasimangot, pero knina nung kausap mo yun si Shan tawa ka ng tawa tapos ang sweet nyo pa." aba pakealamero tong lalaki na to ah.
"Eh ano bang pakialam mo ha?" inirapan ko ulit sya
"So lumabas ka lang para makipaglandian kay Shan? Alam mong practice nyo di ba? Inuna mo pa ang pakikipaglandian." Nasampal ko sya bigla.
"Wala kang karapatang sabihing malandi ako, hindi mo ako kilala." Ang kapal ng mukha ng lalaki na to na sabihan akong malandi, lahat ng ayoko ang masabihan ng malandi dahil hindi naman totoo.
"Makakarating to kay manager-" pinutol ko ang sasabihin nya
"Eh d isumbong mo, di ba yun naman talaga ang Plano mo ang pahirapan ako eh d pahirapan mo, pero hinding hindi mo ako mapapaalis sa team na to. Ipag lalaban ko na karapat-dapat akong manatili sa team. Wala akong pakialam kung ayaw mo saakin, wala akong pakialam sayo. Wag na wag mo akong lalapitan o kakausapin kung wala tayo sa practice o sa laro. Dahil ngayon sasabihin ko sayo na sobrang kinasusuklaman kitang lalaki ka. Kung ayaw mo saakin, mas lalong ayoko sayo!!" hindi ko na napigilan maiyak sa sobrang inis.
6 months ago ng maranasan ko ang ganitong galit sa isang tao. Kay Justin. Parehas sila ni Justin na walang kwenta.
"Ayan pakibigay sa mga players, bumili ako ng Gatorade para sa kanila kasi concern ako saknila alam kung mapapagod sila kaya binilhan ko sila nyan. At hindi ako nakipag landian FYI. Kapatid si KUYA SHAN ng Best friend ko, parang kapatid na ang turingan namin kaya ganun kaming dalawa." Pagkatapos kung sabihin yun tumakbo na ako palayo sakanya. Uuwi na ako sobrang nanghihina na ako.
-
Casper's POV
F*ck Shit!!
Hindi ko napigilan masuntok ang pader sa gilid ko. Napaka tanga ko talaga, mas lalong nagalit saakin si Wynneth. This time umiyak na sya. Ang sakit makitang umiiyak sya, hindi ko gusto ang pakiramdam na makitang umiiyak sya lalo na at dahil saakin.
Napaka walang kwenta ko talaga, I judge her again and this time below the belt na ata ako. She hates me so much. Kitang kita ko sa mga mata nya ang galit saakin.
Inayos ko ang sarili ko at bumalik na sa Gym. Nag papahinga na sila agad ko naman inabot ang Gatorade na binili ni Wynneth para saknila.
"Pasensya na girls may inasikaso lang ako sa labas. Ito uminom na muna kayo oh" inabot ko saknila ang Gatorade na binili ni Wynneth
"Kahit kelan talaga hindi tayo napapabayaan ni Captain Wynneth" - Sabi ni Gie
"Hayy oo nga the best talaga yun si Captain" - sabi naman nung Ann
"Teka paano nyo naman nasabi na si Wynneth ang bumili nyan sainyo eh ako ang nag abot di ba?" takang tanong ko
"Kase coach alam nya kung anong flavour ang gusto namin. Masaya sana kami kung binilhan nyo rin kami kaso po dahil mga favorite flavour namin tong mga to alam naming si Wynneth ang bumili nito." Paliwanang ni michelle
Hindi na ako umimik, mukhang kilalang kilala nila si Wynneth at mukhang maganda ang pakikitungo nya sa lahat ng kasama nya.
"Ok sige pwede na kayo umuwi balitaan ko kayo kung kelan ang next practice natin."
"Salamat coach bye!" sabay sabay nilang sabi
Lumabas na ako ng Gym bagsak ang balikat na pumunta ng parking lot gusto ko ng makauwi at gusto kong iinom ang Shit na nagawa ko.
-
Shan's POV
"Kuya ok ka lang ba parang malalim ang iniisip mo" kasalukuyan akong nasa tabi ng pool namin ng marinig ko ang boses ng mahal kong kapatid.
"I'm just tired Sammy" yun ang dinahilan ko sa kanya.
Pero ang totoo iniisip ko ang pagkikita namin kanina ni Bret, 2 years din akong walang balita sakanya after ng incident na nangyari saamin dati. Ang huling balita ko nasa America sya at dun nag papagaling.
"Eventhough you look tired kuya still Gwapo ka pa rin" umupo sa harap ko si Sammy.
Ginulo ko ang buhok nya.
"Syempre naman ako si SHAN REYES eh" nag pogi sign ako tapos tumawa kaming dalawa
"Kuya bakit kaya ganun, iniwan tayo nila mommy at daddy para sumama sa iba." Malungkot na sabi ni Sammy
Kami na lang ni Sammy ang magkasama sa buhay simula 1st year college ako at 4th year highschool naman sya. Parehong sumama sa iba ang mga magulang namin. Maayos naman ang hiwalayang nangyari pero lubos kaming nasaktan ni Sammy sa nangyari.
Wala kaming piniling samahan sa kanilang dalawa, mas ginusto namin ang mamuhay na kaming dalawa lang. kung financially naman walang problema hindi nila kami napabayaan sa ganung status. Pero kahit ganun nasasaktan pa rin ako para kay Sammy parang hindi pa rin nya tanggap na nag hiwalay sila mom and dad.
Kaya ako bilang kuya nya binibigay ko lahat ng pagmamahal ko sakanya, sa ngayon tanging si Sammy lang ang pinakaimportante sa buhay ko. Masaya ako kasi meron syang mga totoong kaibigan na andyan palagi para sakanyan.
"Sammy, alam kong gusto mo ng masayang pamilya, sino ba naman ang may ayaw ng ganun di ba. Pero isipin mo na lang, tingin mo ba magiging masaya ang pamilya natin kung mag kasama pa rin sila mom and dad? Buo nga ang pamilya natin pero puro kasinungalingan lang naman ang lahat, puro pagpapanggap lang. tingin mo ba masayang pamilya yun Sam?" nakita ko syang umiiyak na. naawa ako sakanya.
"Mahal na mahal naman tayo ng mom and dad eh, siguro hindi lang talaga sila ang nakatadhana para sa isa't isa. hindi man naging perpekto ang pag sasama nilang dalawa, nag karoon naman sila ng magandang alaala na hindi nila malilimutan at tayong dalawa yun."
"Kung hindi mo pa kayang tanggapin ang mga nangyari sam naiintindihan kita, andito lang ako para sayo. Pero mas magiging masaya ka once you accepted the situation and I know it will happen someday sam." Niyakap ko sya. Iyak pa rin sya ng iyak, pangako ko hinding hindi ko sya iiwan.
BINABASA MO ANG
Boy's rivalry
RandomKadalasan sa mga stories na nababasa natin parating magbabarkada ang mga lalaki sa mga kwento. Pero paano kung biglang kabaliktaran ang mangyari. Paano kung ang tahimik nyong mundo ay magulo ng mga lalaking may galit pala sa isa’t-isa. Tunghayan an...