Alexa's POV
Kung pwede lang sana maging invisible sana ginawa ko na kanina pa. hindi pa ako handang makita ang SHAN na to matapos nang nangyri saaming dalawa sa mall. Ang kapal ng mukha nya para halikan ako, hindi ko masabi sa mga bestfriends ko ang nangyari saamin ni Shan hindo ko kaya hindi ako handa.
Sa lahat ng biro nya saakin yung ginawa nyang biro na yun ang pinaka masakit sa lahat. Alam ko naman na trip nya lang akong halikan eh napaka sama nya talaga, wala akong naging laban sakanyan.
Lalo lang ako naiinis sakanya kasi pinapakita nya pa saakin na si Gail ang gusto nya at yung ginawa nyang pag halik saakin ay trip lang. gusto nyang ipamukha saakin na panalo sya natalo nya ako.
Oo panalo sya, Hindi ko magawang sugurin o awayin sya. Naging mahina ako dahil sa ginawa nyang yun alam kung masayang masaya sya ngayon. Sukdulan ang Galit ko sayo SHAN Reyes.
"Andito na tayo sa bahay nyo, pwede ka ng bumaba" sabi nung magaling na si Shan
"Bye Alexa, I hope tomorrow ok kana ha. Wag na mag puyat tulog agad. Mwah" sabi ni Samantha
"Bye Samantha. Salamat" ngumiti ako kay Samantha hindi ko pinansin si Shan.
"Opppsss saakin walang salamat?" sabi ni Shan
"Samantha paki sabi salamat" - kay samathan ako nakipag usap
"Samantha paki sabi dyan sa babae na yan hindi ko sya papalabasin hanggat hindi sya nag papasalamat saakin"- Shan
"Samatha paki sabi sa magaling mong Kuya wala akong sa mood makipag asaran ngayon" - ako
Papalit palit lang ang tingin saamin ni Samantha halatang gulong gulo sya. Kainis kasi tong Shan na to eh ayaw pa ako palabasin sa sasakyan nya
"Tama naaaaaaaaaaaaaa!" sumigaw na si Samantha
Napatahimik kam ni Shan
"Kuya naman please naman wag mo ng asarin pa si Alexa, sumasakit ang ulo ko sainyong dalawa eh." Sabi ni Samantha
"Sorry Sammy" nakayuko kong sabi kay Samantha
"Pasensya kana rin lex, makulit kasi talaga tong kuya ko. Kuya please palabasin mo na si Alexa." Sammy
"Fine!" halatang inis si Shan
Lumabas na ako ng sasakyan nya at dali daling pumasok sa bahay. Nakita ko si mommy sabi ko lang na busog ako at hindi ako kakain tapos dumeretcho na ako sa kwarto ko.
Bigla bigla na lang akong naiyak, sa sobrang inis ko kay Shan. Pero hindi ako mag papatalo sakanya, kakalimutan ko ang pag halik nya saakin at babawian ko sya.
Humanda ka Shan Reyes..
Shan's POV
"Shit, shit, shit, shit" mura lang ako ng mura pag dating ko sa kwarto ko.
Bakit ko ba kasi sya hinalikan ano bang nagyari saakin at ginawa ko yun sakanya. Alam kong galit na galit sya saakin lalo dahil sa ginawa ko, basta kasi nung mga oras na yun parang tumigil ang pag ikot ng mundo, bumilis ang tibok ng puso ko, ngayon na lang ulit nangyari un saakin huli ko yung naramdaman kay Shiela, ang babaeng mahal na mahal ko.....
Dati...
Kaso pinagpalit nya ko sa isang gagong lalaki na ayoko ng makita kahit kelan.
Tok tok tok
"Pasok" sabi ko alam ko naman na si Samantha yun.
"Kuya umamin ka nga saakin ano bang ginawa mo kay Alexa? Anong pang aasar ang ginawa mo sakanya? Bakit nag ka ganun ang kaibigan ko?" makapag tanong naman tong si Samantha daig pa ang pulis, pwedeng isa isa lang naman.
BINABASA MO ANG
Boy's rivalry
RandomKadalasan sa mga stories na nababasa natin parating magbabarkada ang mga lalaki sa mga kwento. Pero paano kung biglang kabaliktaran ang mangyari. Paano kung ang tahimik nyong mundo ay magulo ng mga lalaking may galit pala sa isa’t-isa. Tunghayan an...