Chapter Two - Best friends' Goals

7 0 0
                                    

Gail's POV

"Nag text saakin si Samantha on the way na raw sila ni Alexa dito" Balita ko kay Wynneth habang nasa favourite tambayan namin kami. Hinihintay dumating sila Samantha at Alexa.

Wala akong narinig na reaction sakanya paano abala sa panonood ng Volleyball game sa youtube. Wala namang bago dun yan na talaga sya eh, tanggap na namin na Sports ang karibal namin sakanyan. Mabuti na rin siguro yun para hindi nya maiisip EX nya. Yung last kasi na boyfriend nya sobrang nakita naming kung paano sya masaktan at umiyak.

A head saamin ng tatlong taon si Justine, 1st year college kami nun at 4th year college naman si Justine. Varsity Player si Justine ng Basketball at si Wynneth naman ay nag tatry-out nun para maging Varsity sa Volleyball, although Varsity na sya nung High school kami kailangan naman nya mag try out para sa college varsity. At dahil likas na Porte talaga nito ang Volleyball madali naman syang natanggap sa Varsity team ng College department.

Naging close sila ni Justine dahil madalas silang magkasama sa mga practice. After 5 months na pagkakaibigan nila nag tapat sakanya si Justine, gusto daw sya nito at liligawan daw sya. Dahil nakita naman naming mabait si Justine dahil nakakasama rin naming sya pumyag na rin kami nila Samantha at Alexa.

After 2 months sinagot nya si Justine at sobrang saya ni Wynneth araw araw dahil kay Justine, dumating yung times na nag selos na kami kasi puro na lang Justine yung bukang bibig nya, hindi na sya gaanong nakakasama saamin, pag vacant time si Justine ang kasama nya, pag lunch break si Justine ang kasabay nya. Kahit ganun sya naintidihan ko naman sya, kahit NBSB ako alam ko rin naman na bukod sa family at kaibigan natin, pagmamahal galing sa taong mahal natin ang nakakapag pasaya saatin. Nabasa ko sa mga libro na binabasa ko.

Nung taon din na naging sila grumadweyt si Justine, pero kahit ganun pa man nagpatuloy ang relasyon nila. Pag hindi busy sa trabaho si Justine sinusundo nya si Wynneth twing uwian. At twing monthsary nila nag papadala ito ng mga surprise gifts para kay Wynneth. Dumating ung times na sa loob ng isang buwan isang beses na lang sila nag kikita. Katwiran ni Justine masyado daw sya busy dahil may malaking project syang hawak.naintindihan naman yun ni Wynneth at inisip na lang nyang para sa future nila ang gingawa ni Justine.

Umabot ang 1st year anniversary nila, sa tulong naming bumuo si wynneth ng isang surprise party kay Justine dahil na promote daw itong Project manager. Kaso yun din pala ang araw na mamamatay ang puso nya.

Pumunta naman si Justine sa lugar kung nasaan ang surprise party, after nyang makita ito kinausap nya si Wynneth, nakikipag break na ito sa kaibigan namin. Ikakasal na raw sya dahil na buntis daw nito ang anak nang may ari ng pinapasokan nitong kumpanya. Nakita naming kung paano nasaktan at umiyak si Wynneth ayaw nyang pumayag hindi daw nya kaya. Iiyak sya ng iyak, lumuhod pa sya sa harap ni Justine nag mamakaawang wag syang iwan kaso mukhang nakapag decide na talaga si Justine.

Ramdam na ramdam namin ang sakit na nararamdaman ni wynneth, hindi na kami nakapag pigil pinag sasampal nmin si Justine at nasuntok pa sya ni Samantha. Umalis na bugbog saaming tatlo si Justine at naiwan kaming yakap yakap si Wynneth.

5 months na ang nakakaraan simula ng mag break sila, at masasabi kung nasa recovery stages na ang kaibigan namin although minsan nahuhuli naming syang umiiyak pa rin. Hindi namin sya iniwan nung mga unang buwan na sobrang lungkot nya, pinasasaya naming sya, napapatawa naman naming sya kahit mag mukha na kaming ewan. Palagi kami namamasyal, lagi kaming nasa tabi nya kahit sa pag tulog namin mag kakasama kami. Kain dito, kain dun ginawa rin namin bumalik lang sya sa dati. Ngayon masaya ako sa nakikita kong pagbabalik ng mga ngiti nya at hindi na kami papayag na maulit ulit yun sakanya.

Habang nakatitig ako saknya napatingin sya saakin at ngumiti.

"Seryoso ka naman masyado dyan Gail" - sabi nya at lumapit saakin.

"Iloveyou Wynneth " pag kasabi ko nun niyakap ko sya ng mahigpit.

"Sabi na eh ako na naman ang iniiisp mo no, wag ka mag alala gail ok na ko. Salamat sa inyong tatlo ha hindi nyo ko pinabayaan hindi nyo ko iniwan, alam kong may tampo kayo saakin nung panahong naging busy ako kay Justine. Sorry Gail" teary eyed nyang sabi at hinawakan ang kamay ko.

"So MMK ba ang peg nyo?" napalingon kami sa nag salita si Alexa

"Andyan na pala kayo" sabay naming sabi ni wynneth, tumawa kami

"Sabayang bigkas ba to? Hehehe" natatawang sabi ni Samantha, lumapit na sila saamin at nakiyakap na rin.

"Mga best friends' salamat ulit sa lahat lahat. Hindi ko alam kung paano na ako kung wala kayo nung mga panahong down na down ako. Iloveyou all"

"Waaaaaaaahhhh Wynneth enough n please wag na tayo mag iyakin dito mag enrol na muna tayo dali at antok na antok na ko" parang bata na sabi ni alexa

"Wala na tayong gagawin Alexa ok na, na enrol na tayo pinalakad ko na sa tauhan ni daddy" sabi ko

"Whatttttttttt? Bakit di mo agad sinabi Gail, antok na antok pa ko 1 hr pa lang ako nakakatulog nung dumating tong si Sammy sa bahay at ginising ako para sa enrolment na to" naka pout na sabi ni Alexa

"Ha? Sabi ko kay Sammy sabihin sayo eh. Hindi ka pala sinabihan kagabi" natatawa kong sabi.

Pati si wynneth tumawa na rin at si Samantha naman ay pigil na pigil ang pag tawa.

"Sammmyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy" malikas ni sigaw ni Alexa pero nakatakbo na agad si Samantha palayo at nag habolan na sila.

Tawa kami ng tawa ni Wynneth at maya maya pa nakitakbo na rin kami habang nag tatawanan.

Boy's rivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon