Alexa's POV
Next week start na naman ng klase namin. 3rd year college na kami konti na lang makakapag tapos na kami ng kolehiyo. sa totoo lang minsan talaga tamad na tamad ako mag aral kung hindi lang dahil sa mga Best friends ko malamang hindi pa ako 3rd year college ngayon. Siguro puro bagsak ako, aminado akong palagi akong tulog sa klase, madalas kase 4 am na ako nakakatulog tapos 5:30 am ang gising ko kase 7 ang start ng klase namin. Masyado kasing magaganda at nakakaadik ang mga Korean drama eh, yun ang dahilan kung bakit lagi akong puyat.
Aminado akong may pagka childish pa rin talaga ako kaya hindi ko sineseryoso ang pag aaral, tsaka andyan naman sila Gail eh alam kong hindi nila ako papabayaan. Minsan pag special quizzes kinakabahan na ako kasi baka zero ang maging score ko pero magugulat na lang ako kung hindi perfect, dalawa lang ang mali ko. Kase dalawang papel ang sinasagotan ni Gail, mag katabi kasi kami at saaming apat sya ang pinaka matalino, buti na lang De Leon ako at De Vega sya kaya lagi kami magkatabi.
Business Management ang course naming dalawa samantalang si Samantha at Wynneth naman ay HRM parehong mahilig sa pag luluto ang dalawa na yun, kaya nga isa sa Goal namin makapag patayo ng sarili naming Restaurant pag ka Graduate namin.
Pero dahil nga mahal na mahal namin ang isa't-isa yung mga hindi namin major na subject ay mag kakaklase kaming apat. Nagawan naman yun ng paraan ni Gail isa kase ang pamilya nya sa Share holder ng eskwelahan na to.
Buti na lang 9am ang pinaka start ng klase namin at syempre para daw saakin yun, alam kasi nga nila kung anong oras ako natutulog hiyang hiya naman daw sila saakin eh. Hehehhe ganyan ako ka spoiled sa kanila kahit passaway ako mahal talaga nila ako kaya para maging magaan saakin nag adjust kami ng pasok.
Kasalukuyan akong andito sa isang boutique namin namimili ako ng mga bagong damit. Hindi ko sila kasama kasi may mga aasikasohin daw sila.
Si Gail nasa out of town kasama ung daddy nya after 3 days bago sila bumalik. Aalis daw kasi si Tito Gerry sa susunod na lingo kaya nag bonding muna silang ama. Wala na kasing mommy si Gail namatay to nung pinanganak sya. Kaya sobrang close si Gail sa mga mommy namin nila Wynneth at Samantha.
Si Wynneth naman nasa Swimming class nya. Part time nya yun kinuha kasi sya ng isang school para mag train sa mga istudyante na gustong matuto lumangoy. Once a week lang naman un.
Si Sammy naman kasama si Shan yung kuya nyang nakakainis kasi lagi akong inaasar. Lagi akong pinag titripan, ako ang favorite asarin nun saaming apat. Minsan nga napipikon talaga ako eh, masungit sya saakin lang. napaka unfair nya pakiramdam ko ayaw nya saakin. pero sabi naman ni Sammy natutuwa daw kasi saakin si Shan pag inaasar nya ako.
"Alexa" - Napalingon ako likod ko ng may tumawag sa akin.
Si Samantha at yung devil nyang kuya, ayon nang aasar na naman ang itsura nya. Bwisit naman bakit ba sila andito.
"Baka matunaw ako alexa sa titig mo... alam kong gwapo ako" - sabi nya sabay kindat. Umiwas ako ng tingin sakanya.
"Bakit kayo andito Sam?" tanong ko na lang kay Samantha
"This is an apparel shop if im not mistaken right? So siguro bibili kami ng gamot ditto." Epal na sabi ni Shan
"Wow ikaw na ba si Samantha ngayon ha?" - nakakapikon talaga ang epal nya. As usual panalo na naman sya napikon na naman ako at tumatawa na sya ngayon ng malakas.
"Whahahahhahah Alexa pikon" - Ang bruho na to bwisit talag tuwang tuwa na naman.
"Kuya Shan Enough!" hindi kita sinama ditto para mang asar kay alexa." Binatokan ni Samantha si Shan.
"Meron kasi kaming mineet na family friend dito sa mall na to tapos tamang tama andito ka rin pala sa shop nyo kaya sabi ko kay Kuya Shan na daanan ka namin para ayaing mag kape" nakangiting sabi ni Samantha
BINABASA MO ANG
Boy's rivalry
RandomKadalasan sa mga stories na nababasa natin parating magbabarkada ang mga lalaki sa mga kwento. Pero paano kung biglang kabaliktaran ang mangyari. Paano kung ang tahimik nyong mundo ay magulo ng mga lalaking may galit pala sa isa’t-isa. Tunghayan an...