Zia's POV
Lumabas na ko sa WOF para sundan si Sachii. Kanina pa kasi ako di mapakali. Sobrang tagal niya sa CR.
"Oh, bakit ganyan itsura mo? Anong nangyari?" Tanong ko nung makasalubong ko siya palabas. Gulo gulo ang buhok niya. At as usual nakasimangot na naman.
"Pinagkaguluhan ako sa loob. Akala nila artista. Haay, hirap." Paliwanag nito habang sinusuklay yung buhok niya.
"Teka, bakit may kalmot ka sa braso?" Pilit kong inaabot ito pero nilalayo niya. Nang biglang may lumapit sa amin na dalawang babae.
"Miss, pasensya na talaga. Hindi ko sinasadya. Akala ko kasi ikaw yung kabet ng asawa ko." Sabi nung babaeng maputi kay Sachii.
"Ano po ba ang nangyari?" Tanong ko.
"Napagkamalan niya kasing kabet yung kaibigan mo." paliwanag naman nung isa.
"Miss, okey ka lang ba?" tanong pa nito.
"Hindi po siya okey. Nakita niyo hindi siya makapagsalita. Madami pa siyang kalmot sa braso. Sana kasi tinitignan niyong mabuti yung susugudin niyo. Alam niyo bang pwede namin kayong idemanda sa ginawa niyo?" Nakakagigil kasi itong gaga na to nagpapaapi na naman. Bait-baitan na naman ang peg.
"Oy, tama na okey lang ako." Awat sa akin ni Sachii.
"Anong okey? Alam mo bang magpepeklat yang mga kalmot na 'yan? Bakit kasi di ka lumaban?"
"Uy, ano ba pinagtitinginan na tayo oh? Okey na ko. Lalagyan ko na lang ng gamot 'to."
"Pasensya na talaga. Kung gusto niyo dalhin natin siya sa clinic. Ibibili na din namin siya ng gamot."
"Hindi na huwag na, okey na ko. Zi halika na." Tuluyan na niya kong hinatak palayo sa dalawang babae.
"Ano? Ganon na lang ba 'yon?"
"Kain na lang tayo gutom na ko eh."
Nagpunta kami sa McDo at bumili ng pagkain.
"Ano talaga nangyari?" Pangungulit ko sa kanya.
"Kwento ko pa ba?" Tanong niya matapos uminom ng coke.
"Hindi. Eh malamang kaya nga nagtatanong di'ba?"
Kumain muna siya ng fries na isinawsaw sa gravy.
"Ganito kasi, bigla na lang siya lumapit at sinabunutan ako. Tapos sabi pa niya 'masaya ka na ba na nakasira ka ng pamilya? malandi kang babae ka, madami naman diyang iba bakit yung asawa ko pa?' Tapos ayon inawat na siya ng mga tao sa CR. Ang sakit nga ng ulo ko eh. Tapos yung mga kalmot na 'to nakuha ko nung inilalayo siya ng mga tao sa 'kin. Tapos kinausap ko. Sabi ko ' ano bang pinagsasabi mo , anong nakasira ng pamilya? hindi nga kita kilala at hindi ko nga kilala asawa mo tapos bigla ka na susugod diyan. Nag-aadik ka ba?' Eh di ayon natahimik siya then after few minutes kumalma na siya. Ayon natauhan nagkamali daw siya hawig ko daw kasi yung nasa picture na medyo blurd naman. Kaya panay ang sorry niya hanggang sa lumabas na ko. Ayan okey na?" Paliwanag niya habang kumakain pa din. Bastos yang babae na 'yan eh. Nagsasalita kahit may laman yung bibig.
"Hindi ka man lang gumanti? Sinapak mo sana. Tanga eh."
"Hindi na. Naawa ako eh."
"Naawa? Sinabunutan ka na, naawa ka pa. Nagkatol ka siguro 'no?" Inis na tanong ko.
"Eh hayaan mo na. Kawawa kasi niloloko siya ng asawa niya. At maputi lang siya tapos maganda ko. Kawawa talaga." Tumatawa-tawa pa niyang sagot.
"Ewan ko sa'yo. Bilisan na nga natin at baka namimiss na ko ng baby ko."
"Hindi pa kasi sinama, tss."
"Eh hindi kita masasamahan manglalake pag gano'n."
"Hindi ko kailangan 'yon." Mataray niyang sagot. Bitch mode on again.
"Haha. Ganyan talaga pag tumatandang dalaga. Nagiging bitter. Hahanap nga kitang boyfriend. Para hindi ka nagtataray diyan." Hindi na siya sumagot at pinagpatuloy na lang ang pagkain.
Pagkatapos namin kumain ay nagpunta naman kami sa Funhouse. As usual naglaro na naman kami. Bandang 4:00 ng hapon ay nag-aya na talaga ko umuwi. Naghiwalay na kami pagdating sa palengke dahil may pasok pa siya.
"Nextime na lang ulit. Kapag bakasyon mo na." Sabi ko bago ko siya iwan.
"Para namang may bakasyon ako. Sige na , text-text na lang. Bye." Paalam niya at dahil nagmamadali siya ay may nabunggo pa siyang lalaki. At dahil mabait siya nagdire-diretso na lang siya ng lakad at hindi na nilingon pa yung lalaki.
Ako naman ay naglakad na rin papunta sa sakayan ng jeep. Tiyak na papagalitan na naman ako sa amin dahil ilang oras din akong nawala. Sabi nga ni Sachii, disadvantage of having a family. Tama naman siya pero inggit lang 'yon. Dahil hanggang ngayon single pa din siya.
********