Mistake 3

15 0 0
                                    

Zia's POV

Naisipan kong tawagan si Sachii para inggitin. Kasama ko kasi sila Alice at Lucy. Siyempre kasama din ang mga bata.

[ Oh? Bakit? ] Tumtawang sagot niya sa tawag ko.

"Bakit ba tawa ka ng tawa pag tumatawag ako?"

[Wala. Bakit ba?]

"Hi Sachii." Singit ni Lucy sa usapan. Kaya ni-loudspeaker ko na yung phone. Nandito kami ngayon sa Jollibee.

[Uy sino yun? Lucy? Anak ng. Bakit magkasama kayo?]Sunud-sunod na tanong nito sa kabilang linya.

"Nandito din ako." Sabi naman ni Alice habang sinusubuan ng sundae yung two year old baby niya na si Candice.

[ 'Yan tayo eh. Iniwan niyo na naman ako. Nasaan kayo? May ano? Family day ba? ]

Nagtawanan kaming tatlo sa sinabi niya.

[ Baby, huwag ka ng mainggit sa kanila kasama mo naman ako. ] Narinig pa namin sa kabilang linya. May kasama siya? Eh loner yung babae na 'yun.

"Sino 'yang kasama mo?" Tanong ko.

[ Yung asungot sa buhay ko. ]

[ Hi. Zi. ]

[ Epal ka talaga kahit kelan.] Narinig ko pang usapan nila.

" Sino daw yung kasama niya?" Tanong naman ni Lucy na ngayon ay limang buwan nang buntis.

[ Ano ba Casper akin na yang phone ko. I-loudspeaker mo na lang. Kainis.] Inis na inis na tiyak si Sachii sa tono ng boses niya.

"Oh, si Casper lang pala." Sabay-sabay pa naming sabi.

[ Anong si Casper lang pala. Ang sama niyo sa'kin ah. Nahahawa na kayo sa kasamaan ng ugali ng baby ko.]

Nagtawanan kaming tatlo.

[ Nasaan ba kayo? ] Tanong ulit ni Sachii.

"Nandito kami sa SM. Sunod ka?"

[ Ugh, may pasok pa ko gang seven.  Ginagawa niyo diyan? ]

" Namamasyal lang. Hintayin ka na lang namin kami magsasara nito eh." Sagot ko habang sinusubuan ng spaghetti ang anak kong si Miyukie.

[ Nextime na lang may dala kasi ako. Binigyan kasi ko ni Casper ng cake. ]

" Wow ang sweet naman. May pa cake pang nalalaman. Bakit birthday ba?" Tanong ni Alice.

[ Hindi. Nag-gm kasi si Sachii na gusto daw niya ng cake. Palagay ko sakin lang yung gm na yun eh.] Natatawang sabi ni Casper.

Casper was Sachii's ex-boyfriend way back then. Akala nga namin magkakabalikan sila pero hindi niya nakuha sa kakulitan ang kaibigan namin. Dahil sobrang sungit talaga. Kapag ayaw niya ayaw niya. Kulang na lang ipapatay niya si Casper noon huwag lang siya kulitin. Hanggang sa sumuko na lang ang lalaki at maghanap ng iba. Naging magkaibigan naman sila nang magkaroon ng girlfriend si Casper. Siya pa nga ang naging maid of honor ng mga ito. Sabi ni Casper para daw pagsisihan ni Sachii ang lalakeng sinayang niya. Wala namang pake si Sachii sa sinabi nito, masaya nga daw siya at wala ng makulit sa buhay niya.

[ Alam mo ba Zi ginagago ka ni Sachii. Haha.] Natatawang sabi ni Casper.

"Bakit ano 'yon?"

[ Wala. Sige may pag-uusapan pa kaming mahalagang importante. Bye.] At pinatayan na ko ng cellphone ng maldita.

"Bastos talaga."

~~~~

Someone's POV

Hindi ko alam kung nagpapanggap lang siya na hindi niya ko kilala o hindi niya lang talaga ko napansin. Hindi ako nagkakamali alam kong siya talaga ang babaeng nasa harapan ko. I still see those pair of eyes that full of sadness that I used to see years ago though she wear a reading glass right now.

Hindi manlang siya lumingon nung nilapitan ko siya. Tinuloy lang niya ang pagkain niya na para bang walang ibang tao sa paligid niya. Nagsalita lang siya nang dumating yung lalaki na tinawag siyang baby. Ito na ba ang boyfriend niya? May boyfriend na ba siya? Hindi na ba niya ko nahintay. Nag-usap lang sila na parang wala ako sa harapan nila.

"By, wala ka bang balak mag stop muna? Hindi ka ba napapagod?" Seryosong tanong nung Casper kay Sachii. Narinig ko na iyon ang pangalan nito ng tumawag si Zi. Tama kayo kilala ko yung Zi. At Sachii nga ang tawag nila sa babae sa harap ko. But I used to call her Alexa. Her second name. Walang ibang tumatawag sakanyang Alexa. Ako lang.

"Mag-stop saan?" Nakakunot noong tanong ni Alexa.

"Work?"

"Pinag-iisipan ko nga 'yan kasi baka hindi ko na kayang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho. Mag-stop na lang muna ko mag-aral siguro." Nakangiti niyang sagot. Yung mga ngiti niyang nakakaloko na may halong pang-aasar.

"Ewan ko sa'yo." Inis na sagot nung Casper. "Seryoso kasi."

"Uhm. Baka mag-tutor na lang siguro ko. Pero pinag-iisipan ko pa din. Kapag may mabibiktima eh di go lang. Pag wala eh di gagawan ko na lang ng paraan na mapagsabay ko. O kaya naman bigyan mo ko ng allowance. Haha."

"Loko ka talaga."

"Uy nagtext si Annie. Sabi Sachii pakisabi sa asawa ko umuwi na siya nakaligo na ko. What the eff. Haha, kaloko uwi ka na daw oh."

" Pinagseselos ka lang niyan. Pero uuwi na ko. Oh paano, hinahanap na ko ng asawa ko. Goodluck sa exam ah. Ingat. Text mo ko pag nakauwi ka na." Sabay halik pa nito sa noo ni Alexa.

"Ayoko nga. Baka maistorbo ko kayo. Sige na . Ingat ka din. Salamat sa cake."

Iniwan na siya ng lalake na 'yon. Ano ba 'to? Kabit ba siya ng lalaking 'yon? Hanggang ngayon ba ganon pa din siya? Isang istudyanteng kabit?

"Excuse me po." Nakatingin siya sakin.

"Daddy, kinakausap ka." Nabalik lang ako sa katinuan ng yugyugin ni Cheska ang braso ko.

"Is there any problem po ba?" Tanong pa niya ulit.

"Oh, sorry."

"Sorry for what po?" Hindi ko alam kung bakit ganito niya ko kausapin. Ganoon ba katindi ang galit niya sa akin?

"Sorry, because you keep on staring at me since you came in po?" Paano niya nalaman na kanina pa ko nakatingin sa kanya samantalang hindi naman siya tumitingin sa akin.

"Or sorry dahil nakikinig po kayo sa usapan namin?" Bakit hindi ako makapagsalita. Ang tagal ko siyang di nakausap at nakita ng ganito kalapit tapos hindi ako makapagsalita.

"Ate ako din po sorry. Nakinig din po kasi ko sa inyo." Singit ni Cheska.

"Ah miss sorry talaga. You look familiar kasi."

"Here we go again." Nagpapanggap lang ba siya na hindi niya ko kilala? Alam kong matagal akong nawala pero imposible naman na hindi niya ko matandaan. Pero sige kung ganyan ang gusto mo magpapanggap din ako na hindi kita kilala.

"Taga San Rafael ka di 'ba?" Tanong ko.

"Yes po. Kilala mo po ako?"

"Ah hindi naman, sa mukha siguro. Taga doon din kasi ako."

"Okey po. Anyway, apologies accepted." Then she started to pack her things.

"Pwede ka bang maging tutor ni Cheska. Anyway she's my daughter Cheska. Narinig ko kasi yung usapan niyo kanina ng boyfriend mo."

"Pero Daddy, hindi ko naman kailangan ng tutor di 'ba. Taga San Rafael si Ate. Dito sa Baliwag ako nag-aaral."

"Ililipat na kita sa San Rafael. Mas mababantayan ka don nila Mama."

"Sir, pag-usapan niyo na po muna ng anak niyo 'yan. Besides it was just a plan to think. And he's not my boyfriend." Referring to the boy who left a while ago.

"Can I have your number?" Tanong ko ng tumayo na siya sa kinauupuan niya. Kumuha siya ng isang tissue paper at ballpen na nakalagay sa bulsa ng blouse niya.

"Eto po. Nice meeting you po. Sir?" Iniabot niya yung tissue kung saan nakasulat ang pangalan niya ,buong pangalan niya at number.

"Sachii Alexa Angeles. Nice name. I'm Miko. Miko Perez."

*****

Greatest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon