Night before the reunion...
Tinawagan ni Sachii ang mga kaibigan niya para magtanong tungkol sa gaganaping reunion kinabukasan.
Alice: Oh, bakit nag-conference call?
Zia: Magtatanong na naman yan.
Sachii: Tanong ko lang kung saan kayo sasakay at anong oras aalis?
Lucy: Ay oo nga pala. Sa amin na kayo sumabay. Gagamitin namin yung van. Kasya naman siguro tayong lahat don.
Zia: Sige sige. Sunduin niyo na lang kami dito.
Alice: Kami din daanan niyo na lang kami.
Lucy: Ikaw Sachii? Pumunta ka na lang dito before seven.
Sachii: Aga naman. Mauna na lang kayo.
Alice: Bakit naman eh ten ang start di ba?
Zia: Tapos may registration pa daw. Malayo din kasi yung resort. One to two hours siguro ang biyahe.
Sachii: Eh tulog pa ko nun ah. Baka di din tayo kasya.
Lucy: Kasya yun. Feeling mo naman ang laki mo para di magkasya.
Sachii: Kayo. Haha. Kayo malaki.
Zia: Hoy! Grabe ka ah. Sexy na kaya ako.
Sachii: Yung anak mo hindi. Haha.
Alice: Ayaw mo lang sumabay kasi ikaw lang walang partner.
Lucy: Ay oo nga. Wala ka bang pwedeng hilahin para hindi ka mainggit.
Sachii: Text niyo na lang ako bukas. Magpapahatid na lang ako doon. Night.
8:00am
"Ayaw sagutin. Bwisit!" Inis na sagot ni Zia kay Lucy ng tanungin siya nito kung nakausap na niya si Sachii. Nakasakay na silang lahat sa van papunta sa resort.
"Naku, tulog pa siguro yun." Nakapikit na sagot ni Alice katabi ang anak na natutulog din.
"Hello. Nasaan ka na? Sunduin mo na nga si Sachii."
[ Tinawagan ko kanina. Natutulog pa.]
"Puntahan mo na lang ah. Text ko sayo yung address ng resort at kung paano pumunta. ..Sige. Bye"
"Sino yun?"
"Si Casper, pinasundo ko na yung luka. Tiyak na walang sasakyan yun kaya tulog pa."
~~~
Sachii's POV
Nagulat ako nung makita ko si Casper at Annie pag labas ko ng kwarto. Ano kaya problema ng dalawang to? Ang aga nandito na agad sa bahay.
"Gumayak ka na, tanghali na."
"Ha? Ano ba ginagawa niyo dito? Don't tell me, isasama niyo ko sa Tagaytay. Ano ko taga video habang nagha-honeymoon kayo?"
"Gaga. Ihahatid ka namin sa reunion niyo kaya gumayak ka na diyan." Sabay tulak sa akin ni Annie papunta sa banyo.
"Mamayang tanghali na lang ako pupunta. Pwede naman iyon eh."
Saktong alas nuebe ng makaalis kami sa bahay. Pagpasok ko sa kotse ay nahiga na agad ako sa upuan. Antok na antok pa kasi talaga ko. Nagising lang ako kanina dahil walang tigil sa pagtawag si Zia.
"Puyat ka na naman. Anong oras ka natulog kanina?" Tanong sa akin ni Casper.
"Uhm.. One or two na yata."