Sachii's POV
Umalis na ko pagkatapos niyang sabihin ang pangalan niya. Akalain mo 'yon may na biktima na agad sakaling pumayag magpa-tutor yung anak niya. Pwede na kong magresign sa trabaho. Pero dipende pa din.
Naglakad na ko papunta sa BTech kung saan ako nag-aaral. Third year college na ko. Secondary Education major in Mathematics lang naman po ang ti-ne-take ko. Pangalawang course ko na 'to . I already took Information Technology years ago. Two year course lang naman 'yon. Bakit pa ko nag-aral ulit? Wala kayong pake. Dahil hindi naman kayo ang gumagastos para sa'kin. Pero joke lang. Kwento ko next time pag madami na kong oras na makipagkwentuhan. May exam pa kasi ako di 'ba?
Naglalakad ako sa hallway ng makasalubong ko 'yung classmate ko na hindi ko alam ang pangalan. Sa isang subject ko lang kasi siya nakikita. Pati din naman yung iba kong kaklase ay hindi ko din kilala sa mukha lang. Oy lang ang tawag ko kung makikipag-usap man ako.
"Ate, nagreview ka ba?"
"Hindi, bakit?" Sinasabayan na niya ko ng paglakad papunta sa room.
"Balita ko hindi daw open notes yung exam." Kalalaking tao tsismoso.
"Okey, eh di bagsak." Para namang matatakot ako.
Nang makarating kami sa room ay naupo na ko sa upuan ko. Inilagay ko yung cake sa ilalim ng upuan ko. Kinuha ko yung notebook ko para pasadahan ng tingin yung mga nakasulat sakaling hindi nga open notes ang exam. Dumating na yung instructor namin. At nagsimula na ang exam. Manloloko yung tsismoso kong kaklase dahil open notes pa din naman ang naging exam. Makalipas ang isang oras ay nakatapos na ko magsagot. Nirecheck ko muna ang mga sagot ko bago ko ipasa sa instructor namin. Pwede na daw akong umuwi.
"Sir, uwi na po ako." Paalam ko dito
"Okey. By the way na-inform na ba kayo nila Zia na magkakaron tayo ng reunion at the end of the month?"
"Sir, hindi pa." Sagot ko kasi wala pa naman akong alam talaga.
Lumabas na kami ng room at nag-usap. Ang totoo niyan classmate kami ni Sir Dylan nung high school na Math professor ko ngayon. Alam ko Engineer na siya napagtripan lang magturo. He was our batch Valedictorian. Matangkad, mabait at may itsura naman kaya hindi ko alam kung bakit single daw siya ngayon. Nagkagulatan pa nga kami nung magkita kami dito sa school at nang malaman namin na prof ko pala siya.
" Hindi ka kasi nag-o-online kaya hindi ka updated. Nakapost sa group ng Einstein 'yun. Check mo minsan." Kelan nga ba ko huling nag-open ng fb account? Last week? Ay hindi pala. Last month pa pala. Busy kasi ako lagi.
"Uhm, sige tanong ko na lang kay Zi mamaya. Uwi na ko ah. Baka wala kasi kong masakyan." Paalam ko sakanya.
"Gusto mo sumabay ka na lang sa akin."
"Naku hindi na. Mamaya ka pa matatapos diyan. Ang hirap kaya ng exam na ginawa mo kahit open notes pa."
"Last na kasi. Haha. Sige ingat pag-uwi." Tinalikuran ko na siya.
Naglakad na ko papunta sa sakayan ng jeep.
Nang makauwi na ko sa bahay ay naabutan ko pang gising ang batang makulit na si Storm. Ang nag-iisa kong pamangkin. Singkit ang mga mata nito na parang isang Japanese sabi ng mga nakakita sakanya. May dimples din siya sa magkabilang pisngi. Bungisngis na bata pero sumpungin.
"Tita. May salubong ako di 'ba?" Tita ang tawag niya sakin kapag sweet siya kapag naman magkaaway kami ay hindi niya ko kakausapin.
"Kanina ka pa hinihintay ng bata na 'yan kaya ayaw pa matulog." Sabi ng nanay ko.
Nilapitan ko si Storm at pinaghahalikan sa pisngi. "Nakakagigil ka talaga. May uwi akong cake, gusto mo ba 'yun?" At dahil sa sinabi ko ay nagtatalon na naman siya sa tuwa. Inilapag ko sa table yung cake at kumuha ng pang-slice sa kusina. Yung cake lang ang kinain ko as my dinner. Di ba nga kasi nag snack pa ko kanina. Pagkatapos kumain ay nagbihis na ko at nagpunta na sa kwarto. Naupo ako sa higaan ko sandali bago mahiga. Nakakapagod. Buti na lang tapos na lahat ng exams. Signing of clearance naman next week. Pagkatapos bakasyon na pero hindi ako excited dahil may trabaho pa din ako. Gusto ko magswimming kaso hindi nga pala ko marunong lumangoy. Tapos nakakaitim pa. Magastos pa. Papikit na sana yung mga mata ko ng maalala ko na hindi pa pala ko nakakapag-toothbrush. Kaya bumangon kaagad ako at lumabas ng kwarto. Pagbalik ko sa kwarto ay nakita kong umiilaw yung cellphone ko. May tumatawag siguro kaya agad ko itong kinuha para sagutin pero bigla naman nag-end call. Unregistered number kaya hindi ko na pinansin. Naisipan kong mag-open ng fb dahil sa sinabi ni Dylan kanina. Kaya gumawa ako ng group chat para hindi ko na isa isahin pang tanungin sina Zia, Alice at Lucy. Mabuti naman at online silang tatlo.
Napag-usapan namin yung tungkol sa reunion. Hindi pa naman daw alam kung saang resort. Ang plano daw ng mga nakatataas ay mag-rent ng isang resort para kami lang daw ang tao. Hanggang sa mapag-usapan namin yung guy na kakilala daw ako. We're in the middle of that coversation nang tumawag na naman yung unregistered number kanina. Eh di kinancel ko. Baka kasi kung sino na namang manggugulo sa akin. Meron kasing lalake na text ng text ng kung anu-anong kabaduyan sa akin. Nakakatakot na kasi lagi niyang tinatanong kung nasaan ako. Kung nasa bahay daw ba ko kasi pupunta siya. Magdadala daw siya ng manok, bibe, biik at bigas. At kilala ko kung sino yon. Nireplyan ko na nung minsan yon na wala akong pakealam at tigilan na niya ko. Papalit-palit din siya ng number. Nag-ring ulit yung phone ko, this time sinagot ko na dahil naiinis na talaga ko.
"Ilang beses ko bang sasabihin na tigilan mo na kong g*g* ka. Hindi ka ba talaga marunong umintindi?! Wala akong nararamdan ni katiting na pagtingin sa'yo. Lubayan mo na ko!" Galit na galit kong sagot. Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya dahil ibinaba ko na yung phone. After that nakareceive ako ng message.
Miss Angeles, this is Miko Perez.
Naloko na. Malay ko bang ibang tayo yun. Nagreply ako at humingi ng paumanhin. Pinaliwanag ko na din kung bakit ganoon ang naging sagot ko.
Nakwento ko din sa tatlo kong ka-chat yung kagagahan na ginawa ko na 'yun. Puro haha at emoticon na tumatawa ang mga message nila. Hindi ko na sila nareplyan sa sobrang antok ko.
*****