Mistake 2

9 1 0
                                    

Sachii's POV

After a week..

Pakatapos kong magpalit ng uniform ay lumabas na ko ng locker room dala ang bag ko. It's already 4:00 in the afternoon. Kelangan ko ng mag-out.

"Kuya Ron, out na ko. Bukas na lang." Paalam ko sa cook ng canteen.

"Ingat."

"Ate Lyn, alis na ko."

"Sino nagsabing pwede ka ng umalis? Maaga pa." Mataray na sagot ni Ate Lyn na tinawanan ko na lang.

"Hindi mo ba iintayin yung irog mo? Pabalik na 'yon." Sabi pa nito nung palabas na ko ng kitchen. Sumunod naman akong nagpaalam sa boss namin. Si Ma'am Arlene na isang Dietician. Halos magka-age lang kami. Dumiretso na ko sa lobby kung na saan ang biometric para mag-out. Lumabas na ko ng ospital. Ipana-check ang bag sa guard. Matapos no'n ay naglakad na ako papunta sa kabilang side ng kalsada. Agad kong pinara ang jeep na nakita ko at sumakay.

"Paki-abot po ng bayad." Sabi ko sabay abot sa 20 pesos.

"Saan 'to?" Tanong ng driver ng jeep.

"Jollibee Junction po." Sagot ko.

Malapit na ko bumaba pero hindi pa din ako sinusuklian ni Manong. Nakakainis. 'Yan ang hirap sa mga jeepney driver eh, inuuna pa suklian yung mga dadaanin yung pera. At ang malupit sa fly over pa dumaan. Sabi ko Jollibee di ba? Nakita ko nga yung ulo ni Jollibee. Bumaba na ko sa may La Familia pagkatapos ibigay sa akin yung sukli. Naglakad pa ako papunta sa Jollibee at naghanap ng tricycle na masasakyan papunta sa palengke.

Dahil maaga pa naman, nagpunta muna ko sa McDo para mag snack.

"What is your order Ma'am?"Tanong ni Ateng cashier.

"Uhm isang chicken fillet w/ rice, cokefloat yung drinks and one regular fries. Dine in."

After three minutes ay okey na yung food ko. Buti na lang wala pang nakaupo sa favorite table ko. Yung sa gilid ng window, first table na pang six seater sa right side. Yung malapit sa exit door. Umupo na ko sa pangalawang upuan at ibinaba sa table yung pagkain. Inilagay ko sa katabin upuan ko yung bag ko at nagsimula ng kumain. Nagmiryenda naman ako bago umalis sa ospital kanina pero nagutom kasi ko bigla. Habang kumakain ako ay bigla na lang may naupong batang babae sa upuan na katapat ko.

"Ate okey lang po ba na dito na lang kami ni Daddy maupo?" Sabi ng bata na nasa nine or ten year old na siguro. Tumingin tingin muna ko sa ibang table at nakita ko nga wala na din available seats. I-check ko pa ba yung nasa second floor? Tumango na lang ako pagkatapos at pinagpatuloy ko yung pagkain.

"Miss okey lang ba na makishare kami ng table?" Tanong naman ng isang lalaki. Oo alam kong lalaki kahit hindi ko tignan dahil sa boses.

"Daddy, okey lang daw. Nagpaalam naman ako pumayag naman siya." Sagot nung batang babae kaya hindi ko na inabala pa ang sarili ko na tignan pa ang mga ito. Sa totoo lang ayoko talaga ng may nakikishare ng table hindi kasi ko makakain ng maayos.

"Baby! Sabi ko na nga ba dito na naman kita makikita." Oh shit! That voice! That irritating voice. At lumapit na nga siya at tumabi sa akin.

"Kumakain ako 'wag ka ngang istorbo." Masungit na sabi ko nang hindi siya nililingon.

"Sungit talaga, di na nagbago." Sabay lapag niya ng isang red box na may red ribbon at may nakasulat na red ribbon. Nilingon ko siya at inirapan.

"Ano naman 'yan?" Kunwari hindi ko alam na cake iyon. Malay niyo naman hindi pala para sa'kin. Sabi nga nila huwag ka ng umasa masasaktan ka lang.

"Wala kahon lang 'yan."

"Tss. Lumayas ka nga sa tabi ko. Kinakausap ng matino kung anu-ano sinasabi. Badtrip." Pagtataboy ko sa kanya. Pakailam ko naman sa mga nakakarinig. Nakakainit talaga ng ulo.

"Malamang cake 'yan. Buksan mo kasi."

"Malay ko naman kung para sa akin nga 'yan."

Binuksan na niya yung kahon at nang silipin ko yung laman ay isang black forest cake pala. Akala ko pa naman chocolate mousse. Nasaktan na naman ako. Umasa kasi ako eh.

"Goodluck cake. For your final exam."

"Final exam ka diyan? Patapos na kaya, isang subject na lang. Sana nung first day mo pa yan binigay."

"Haha. Alam ko last subject mo ang Math di 'ba? Kaya ngayon lang ako bumili. Goodluck sa Math exam mo. Nakapagreview ka na ba?" Tanong pa niya.

"Siyempre, hindi. Open notes kaya ang exam." Mayabang na sagot ko.

"Haha. Ikaw na. After exam mo pa pwedeng kainin 'yan. Kapag nakapasa ka na." Sasagutin ko sana siya nang biglang tumunog ang cellphone ko.

~ kunin mo na ang lahat sa akin (wut wut) 'wag lang ang aking mahal~

It was an assigned tone to one person. Nirecord ko nung minsang kumakanta siya.

******

Greatest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon