Third Person's POV
4 years ago.
Dahil nag-away o nagkaroon ng tampuhan si Sachii at ang guy friend/ ex-boyfriend na si Kevin, nawalan ng kachat, kakulitan at kausap si Sachii. Mataas ang pride niya kaya hindi siya makikipagbati sa lalaki.
Palagi siyang online sa facebook dahil nakakasagap siya ng wi-fi sa kapitbahay. Nagbabayad kasi siya dito monthly para makausap at makachat ang kapatid na nasa ibang bansa. Apat na magkakapatid sila Sachii, tatlo ang kapatid niyang lalaki at siya ang bunso. Ang panganay nila ay wala pang asawa at wala namang stable na trabaho. Ang sumunod naman dito ay sa isang factory sa Manila nagtatrabaho. May asawa na at kapapanganak lang nung nakaraang buwan. Ang pangatlo ang nasa ibang bansa. Siya naman ay isang tambay sa bahay simula ng magresign sa pinagtatrabahuhan. Walang inatupag kundi ang mag-internet. Mag-facebook, magbasa ng story sa wattpad at manuod ng korean drama sa youtube.
Dahil wala nga siyang makachat, tinignan niya kung sino ang mga naka-online na pwede niyang guluhin. Hanggang sa makita niya na online si Miko Perez. Nakachat niya na ito nung mga nakaraang buwan. Simpleng 'hi' lang at mga emoticons ang nakita niya sa chat history nila. Hindi niya kasi binigyang pansin yung mga chat nito kaya wala silang napag-usapan. May asawa na kasi ito at may anak na din. Naisip niya hindi naman siguro masama kung makipag-chat siya dito. Chat lang naman para hindi sayang yung binabayad niya sa net.
Sachii: hi
Miko: hello :)
Sachii: ask ko lang kung pano mag-apply diyan? Sa Jeddah?
Nabanggit kasi ito ng lalaki nung una silang nagkachat.
Miko: bakit may anak ka na ba?
Sachii: ay hindi po, bata pa po ako
Miko: haha, sorry kala ko lang, ilan taon ka na ba?
Sachii: 21
Miko: ah hindi na bata
Sachii: ikaw ba, ilan taon na? 30?
Miko: 29 pa lang, bakit?
Sachii: haha muntik na tumama, wala lang.
At doon nagsimula ang pagiging chat friend nila. Naging madalas ang pag-uusap nila sa chat, hanggang sa
Miko: i love you
Sachii: pero may asawa ka na.
Miko: ayaw mo ba sa'kin?
Dahil fan si Sachii ng 23:11 ni pilosopotasya, isang story sa wattpad at dahil crush niya din ang lalaki noon, pumayag siyang maging girlfriend nito. Matagal na din siyang walang boyfriend kaya naisip niya, bakit hindi niya subukan. Gusto niya maexperience magkaboyfriend thru chat, kung ano ang feeling ng isang kabit. Nauso na kasi ang mga palabas sa T.V. na tungkol sa mga kabit. Curiousity is the main reason. Pero alam ko iisipin niyo kalandian lang.
Araw-araw nagkaka-chat sila, tumatawag pa minsan ang lalaki sa kanya. Masaya siya sa binibigay na atensyon nito sa kanya. Sa kanya din ito nagsasabi ng mga problema nito sa asawa.
Miko: mahal, away kami ni karina
Sachii: anyare?
Miko: nagpapabili ng cellphone, sabi ko next sahod na lang nagalit. .hayst di man lang nangamusta yun agad. tae!
Sachii: eh di ibili mo na lang para ok na kayo.
Hindi si Sachii yung katulad ng ibang kabit na mas gugustuhin na mapaghiwalay ang boyfriend niya at asawa nito. Iniisip niya kasi ang anak nito, iyon kasi ang maaapektuhan pag naghiwalay ang mga magulang nito. Mali na nga yung pakikiparelasyon niya dito, dadagdagan pa ba niya?