Chapter 3
maaga akong umalis sa bahay namin dahil ayokong makita si mom.
Pagpasok ko sa office ko umupo agad ako at pinikit ko ang mga mata ko.
Hangover stirke!
Napadilat ako ng biglang bumukas ang pinto ko sa office.
"charmaine!"
Sigaw ni mom palapit saken.
"mom?" bat nandito siya?
"what's this?!" bato niya saken ng isang envelope.
Pagbukas ko, gulat ang rumehistro sa mukha ko.
Nagfile ang isang partner namin sa company na aalis na sila sa company namin.
"bakit?" nabulong ko na lang sa sarili ko.
At napansin kong company ito nila Erick.
Yung company na kinancel ko ang meeting.
"see?! sa pagiging pabaya mo. Nawala ang isang partner natin sa company! Do you know kung gaano kalaki ang mawawala saten kapag nawala sila?!" gigil na sabi ni mom saken.
Dahil saken? Ginawa ko?
"you better fix this charmaine as soon as possible."
"y-yes mom"
Tumalikod na siya at lumabas pero bago siya lumabas hindi nakalampas sa pandinig ko ang katagang.
"you're a disgrace.."
Am i really a disgrace sa family namin?
"ma'am?"
Tawag saken ni lizz na kakapasok lang sa pinto ko.
"yes?"
"ma'am kaya po nagback out si sir Erick ay dahil pinacancel nyo po yung meeting kahapon dapat po magpopropose kayo ng isang design para sa isang branch po kaso pinacancel nyo kaya nagalit si sir Erick."
Oo nga pala. Sa kakaisip ko sa nanay ko nakalimutan kong may mahalaga akong gagawin. Tsk.
What a life.
"thank you lizz, you may go."
Kinuha ko yung telepono at tinawagan si Erick.
"good morning mr.San-"
"where's Erick?"
"may I ask who's asking ma'am?"
"tell him it's charmaine, charmaine Julian of Essentials Corporation."
"okey ma'am please wait a second."
"hello?"
"is this Erick?" malambing kong tanong kahit nanggigigil na ko sa kanya.
"yes, speaking."
" WHY THE HELL DID YOU REMOVE THE PARTNERSHIP IN OUR COMPANY?!"
Hindi na ko nakapagpigil at sumabog na ko.
"chill babe.."
This animal! He knows how to piss you off.
"stop calling me babe, answer me now erick."
Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Baka may magawa pa kong masama sa kanya kapag di ako nakapagpigil e.
"hindi ba sinabi ng secretary mo?"
"sinabi."
"e bat nagtatanong ka pa?"
"because that's not a valid reason erick!"
" you think valid reason yung ginawa mo to cancel our meeting."
I was taken back sa sinabi niya, alam kong may punto siya dun pero magagalit lalo saken si mommy kapag hindi ko nabawi yung partnership namin.
"i'm sorry."
"sorry is not enough dear."
Papatayin ko talaga tong impaktong to kapag hindi tumigil sa kakatawag saken ng kung anu-ano e,mukha ba kong usa?!
"anong kailangan kong gawin para bumalik ka sa company namin?"
"you want a trade?"
Malanding sabi niya.Tumaas yung balahibo ko nung sinabi niya yun. Alam kong nakangiti ngayon yan, i mean evil smile.
"what trade?"
"say yes first honey"
Mahirap pumasok sa isang kasunduan lalo na at si erick ang kausap. Erick is kinda bad ass, like he love playing girls around like mafafall ka sa kanya then iiwan ka na lang sa ere, that's Erick the heartbreaker.
"hello? Still there charmaine?"
"yes. Can you give me time to think?"
"okey, i'll give you five seconds."
"wha-?!"
"5"
"wait-"
"4"
Okey think charmaine!
"3"
Erick yan e! uggghhh!
"2"
BAHALA NA!
"1"
----
heellloo woorrllldd :)
BINABASA MO ANG
Dancing with Him
Teen Fictionthis is my first story na tatapusin ko swear tatapusin ko na to XD hahaha. love you guys :)