CHAPTER 5

95 20 20
                                    

Abcde

Una, nagkita kami sa party, pangalawa napagkamalang magkaklase kami at pangatlo bestfriend siya ng Kuya at pinsan ng crush ko. So ano? Sasabihin ko na naman na trip na naman ako ng tadhana? Mabuti sana kung si Tyler na lang e hindi na ako magrereklamo ng ganito. Bakit kasi si Hijk Monterafil pa? Ang pangit na nga sobrang tangkad at may malapad na tenga pa. Siguro gusto ako nun kaya ganoon na lang kung magkasalubong ang landas namin. Hirap ng ganda problems.

"Kuya, type ba ako ng kaibigan mo?"

Sabi ko habang ingat na ingat natinutupi ang jersey ni Tyler. Adik masyado e, it means a lot to me.

"Abcde. Makapal ka talaga. Wala siyang gusto sayo."

Paalala sa akin ni Kuya. Kagabi ko pa kasi siya kinukulit. Makapal na ba talaga ako? Siguro, feeling ko lang na type ako ng Hijk na 'yun. Akalain niyo pareho kaming tatlo ng name. Parehong pinagtripan ng alphabet.

"Joke lang, Kuya."

Sabi ko habang kumakain. Habang kumakain panay tingin ko sa jersey na sa bag. Baka kasi magusot, lucky charm ko pa naman 'to.

Nakatingin lang naman sa amin sina Mama habang sarap na sarap sa pagsubo kay Papa.

"Wala ma, may importanteng bagay lang."

Hanggang ngayon feeling teenager parin sila. Hello andito pa kami sa harap niyo at nasusuka. Di joke lang. Nakakainggit kaya sila Mama, sana kapag nakapag-asawa ako maging ganito din kami. Yung tipong nagsusubuan at kapag nalaman kong nambababae siya basta-basta ko na lang iiwanan ang kutsara sa bibig niya hanggang sa malaglag sa lalamunan niya at hindi na makahinga. Sa iniisip ko si Tyler na agad ang nakikita kong kasama sa future.

"Bilisan mo. Sabay na tayo."

Utos ni Kuya habang tinutulungan akong ubusin ang pagkain ko sa plato. Grabe ang swapang niya! Gutom pa kaya ako.

"Mama oh! Si Kuya inuubusan ako ng pagkain."

Reklamo ko habang tinatabig ang kamay niya para hindi makuha ang favorite kong itlog at monay.

"Ang kupad mo kasi."

Si Papa na ang sumagot at pinainom niya ako ng tubig. Feeling ko para akong isang bata na hindi marunong kumain. Dalaga na kaya ako! Grade ten na! May boobs at nireregla na. Hindi ba nila makita? Sabagay flat chested kasi ako.

"Tara na!"

Hinatak ako ni Kuya papasok sa kotse. Sana may time na sumabay sa amin si Tyler tapos kaming dalawa lang ang nasa likuran. Pasimple akong hahawak sa kamay niya at aamoyin ang mabango niyang perfume hanggang sa maubos ko. Ang sarap siguro sa pakiramdam. Kaya lang asa naman ako, lagi namang panira si Kuya. Kaasar! Iniisip ko tuloy baka nababakla na siya kay Tyler kaya ganun na lang niya kung sirain ang moment namin.

"Kuya, may gusto ka ba kay Tyler?"

Diretsahan kong tanong. Bigla naman niya akong pinukol ng hawak niyang rubics cube nang mahina lang. Pero masakit pa rin. Ang brutal niya, pwede namang angilan lang ako hindi 'yung namumukol.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

Sagot niya sa tanong ko habang nakakunot ang noo. Inistretch ko naman. Ang pangit niya na nga dadagdagan pa. Intindihin niya naman ang nakakakita ng mukha niya. Sira na nga ang kalikasan dadagan niya pa.

"Wala lang. Basta kung nababakla ka na pinapaalala ko sayo na ako ang nauna kay Tyler! He's mine, Kuya."

Maangas kong sabi. Inirapan niya lang ako at umiling. Aba, mabuti ang ang sigurado. Ang hirap pa naman na maagawan lalo pa't sarili mong kadugo. Masakit 'yon, yung tipong mababangag ka.

How Long Will It TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon