CHAPTER 14

47 10 14
                                    

Maaga akong niyugyog ni Kuya para gumising. Actually buong gabe akong gising. Hindi na ako nakatulog dahil sa mga imagination ko na may kinalaman sa kung ano ang pwedeng mangyari mamaya sa out of town thingy ng pamilya namin.

"May plano ka pang bumaba?"

Tanong ni Kuya habang nag-iimpake ng mga susuotin ko. Yeah, tama ang nabasa niyo. Siya ang nag-iimpake ng mga gagamitin ko mamaya

"Kuya, yung mga underwears ko madami ba?" Ignoring his question.

Tumango siya as a response. Dapat lang marami. Mga dalawang araw din kami sa lugar na pupuntahan namin and I'm really excited ngayon palang.

"Kuya pagkatapos mo diyan sunod ka na sa baba at kumain ha?"

"I have eaten my breakfast. You go now."

Tapos na pala siya. Akala ko sabay kami? Kung sakaling sabay sana kami topic na naman namin si Tyler. Maiinis na naman siya sa akin dahil hindi na siya makanguya sa pagsagot sa mga tanong ko na paulit-ulit lang naman. Nakakamiss na kaya yun. Si Kuya na tulay ko kay Tyler.

Oh wait! Si Tyler!

Napabalik ako ulit sa kuwarto ko at naabutan si Kuya na sinasarhan na ang mga zippers ng bag ko at mukhang pababa na rin.

"Kuya diba outing natin?"

"Uhuh."

Sagot nito habang binubuhat pababa ang bagahe ko.

"May kasama kang barkada? Kung meron man eh kakasya ba tayo sa sasakyan? Ba--"

Napatigil ako sa pagsasalita nang binigyan niya ako ng straight na mukha habang nakataas ang isang kilay.

"Sasama siya. Kaya bilisan mo na diyan."

Napahiyaw ako sa tuwa. Patakbo akong bumaba sa hagdanan namin. Nagtatakang nakatingin sina mama at papa sa akin. I hugged them both, ang saya ko lang.

"Totoo ba yun, Ma, Pa?"

"Si Tyler? Oo, isasama ng Tita Mielle at Tito Milliton mo."

My mom replied and my dad gave his sweetest smile.

"Puppy love, that's puppy love."

Correction ng tatay ko sa maling sagot ng aking mga mata. Oo bata pa ako pero hindi naman masamang humiling na sana siya na rin ang true love ko para wala ng problema sa paghahanap ng soulmate ko.

"Yeah, puppy love. The both of you are like puppies."

Natatawang sabi ni Kuya. Nakababa na pala siya? Ang bilis naman. Kasing bilis ng pagconstruct ng pang-aasar sa isip niya.

"Ayokong makipag-away sa 'yo ngayon 'cause I owe you something."

Nakangiti kong sagot. Napangiti naman si Kuya at ginulo ang buhok ko.

"Iba na talaga tama mo kay Tyler. Pati almusal nakalimutan mo na."

Kuya showed his wrist watch to me. Naknang! Mag aalas seis na! At kunti na lang ang oras ko para mag-ayos.

"Hala, oo nga pala!"

Tumakbo ako papuntang dining room at agad kumuha ng pagkain tapos nilagay ko sa pinggan ko. Sumenyas ako kila mama na bigyan nila ako ng limang minuto para matapos ako sa pagkain. I heard them laughed. Pero nevermind. Kailangan kong mag-ayos.

"Qrst, stop playing around with your sister."

Saway ni mama. Si papa naman hindi mapigilan ang pagngiti dahil sa pagtirik ko dahil late na ako. Wala akong kakampi, si mama na lang.

How Long Will It TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon