CHAPTER 40

44 0 0
                                    

Aliary

Iba rin kapag lahat na ng mga kaibigan mo may mga lovelife na tapos ikaw hoping na sana magbreak na ang crush mo at ang boyfriend niya. Isulat ko kaya sa wattpad ang story ko kaya kag-post sa Facebook n wanted boyfriend para naman magkaroon na rin ako ng kalampungan. Lagi na lang akong naiiwan kapag andiyan na ang mga boylet nila.

Si Qrst naman sobrang happy kasama ang girlfriend niyang si Jia na laging busy sa academics. Kaya ba sila naging mag-on kasi pareho sila ng hilig? Pwede naman ako, hindi masyadong maganda pero mag-eenjoy kang kasama. Alia po, single but waiting for a taken man.

"Jia, isang page na lang tapos mo na mamaya yan."

Nasa likod ako nila Qrst habang matamlay na na nakikinig sa mga usapan nila about chemistry, precalculus, trigonometry, biology, a history. Mga mabubuting bata talaga, sumbong ko sila sa parents nila eh!

"I'm done! Can I have my price?"

Landi ni Jia, lumapit siya sa lalaking mahal ko tapos maghahalikan sila. Nako! Ambabata pero landi inaatupag. Hindi ko na kaya kaya aalis na lang ako at maghahanap ng kasama. Alone na naman kasi ang tita niyo.


"Hija, be careful next time. Let's go to the clinic. Are you really okay?"

Nakita ko si Mori na nakaupo sa sahig habang tinutulungan ng childhood friend namin na admirer na niya ngayon.

"Wag na po kayong mag-alala sobrang okay po talaga ako. Ginawa ko lang po yun kasi sobrang bored na ako, pampagising ba."

Natawa ako sa palusot ni Mori. Dito pa talaga nagkalat bespren ko, for sure nagselos 'to kaya inuntog ang sarili semento. Ano kaya ginawa ni Kuya Hyge sa bunso namin? Sayang hindi ko nakita. Laughtrip pa sana.

"No she's not fine, Tita. Stay here and I'll take this girl with me to have her check up in the clinic."

Umalis na agad ako bago pa ako makaramdam ng inggit. Buhay single nga naman oh. Pangit ba ako at wala nang gustong manuyo sa akin?

Dati noong elementary ako marami namang nagpaparamdam ah, maraming nagbibigay ng chocolate at bulaklak na papel, tapos may pa-letter pa yan na sobrang sweet kahit mali-mali mga spelling.

"Is that Aliary? Yung anak ng..."

Hindi ko na narinig mga pinagsasabi nila kasi sanay naman ako na kilala dahil sa mga parents ko. Mga parents naming tatlo. Kailan kaya ako makikilala bilang ako? Ayun bang hindi nadadala lang dahil sa apelyido ng pamilya.

Lakad lang ako ng lakad habang nakapamulsa. Ang dami na namang basura sa loob ng bulsa ko, puro lalagyan ng kendi na white rabbit. Kaya sumasakit minsan ngipin ko eh, masyado akong palakain ng matamis.

"Hi Ate Aliary!"

Sigaw ng babae sa likod ko at tumakbo tapos hinarangan ako sa paglalakad. Napakasuplada ng dating ko sa kanya para hindi na siya magtagal.

Alam ko na 'to, kakausapin ako at makikipag-close para tanungin yung details about kay Qrst. Sorry na lang kayo, ako nga na ilang taong nagpapapansin hindi nitna na-notice, kayo pa kaya?

"I'm Stella Andrea Gustilo po."

So? Ano namang gagawin ng pangalan mo sa paglalakad ko ngayon? Mga Junior High School students talaga minsan hindi ko na maintindihan.

"Ano sana 'yun?"

Sagot ko sa kanya. Nagmamadali na kasi akong makahanap ng upuan pabalik sa stadium at para makapanuod ng intermission number ni Qrst, kakanta pa naman yun.

"Ate pwede pa-picture?"

Hindi ako mabenta sa mga lalaki pero sa mga kabataan kulang na lang magsabi ako na busy ako, masakit katawan ko, mamaya na may klase pa ako at sorry maganda talaga.

"Why not, sige selfie ba?"

Naghanda ako agad ng sarili ko tapos inutusan ang bata na maghanap ng filter na magmumukha akong inang dyosa. Mabenta talaga ang ate niyo.

"Pero hindi po ako ate, 'yung kasama ko. Rachelle! Dali andito na siya!"

Lumabas 'yung babaeng naka-boy cut tapos ang payat-payat mas matangkad pa sa akin. Flat chested siya tapos mukhang mas makinis pa sa akin, mukhang koreana na. Naka-uniform pambabae siya kaya halatang-hatala na tomboy siya eh.

"Okay pose ah! One, two, three, say annyeong!"

"Annyeong!"

Umabot ng limanh shots yung kinuha nila tapos para akong lantang gulay matapis kong malaman na hindi pala nila ako idol lahat. Iba eh!

"Ate, crush ka po ni Rachelle!"

Crush ako ng tomboy?

How Long Will It TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon