CHAPTER 38

13 0 0
                                    

Abcde

The hell I care! As if naman na magseselos ako sa isang babae no! Mas matangkad kaya ako, mas dark ang complexion at mas mahaba ang buhok ko! Ano namang pagseselosan ko diyan? Wala namang kami. Pwede ko pa siyang gantihan ano!  Nanliligaw pa lang kaya siya--  what the! Nanliligaw pa lang sya pero mat kahuratan na syang iba! Ang landi rin talaga ni tenga!

"Alia let's go! Nagugutom ako. Kailangan na nating umalis bago ko pa malapa ang dalawang haliparot na 'yan!"

Hindi na sumagot si Alia, sinundan na lang niya ako at tumakbo kami pabalik sa hall. Naghanap kaagad ako ng mauupuan tapos pabagsak na umupo. Nakakainit ng ulo! Parang kagabe lang ang sweet niya pang humingi ng tawad para magbati kami ah! Ngayon naman sweet na sya sa iba! Ano niya ba yun? Naiinis na ako!

"Ateng parang big time yung chicks ni--"

"Oo alam ko yun! Kaya nga sarap na sarap siya sa paglaplap diba!"

Namumula na ako sa galit kaya. Parang pati si Alia gusto ko nang kainin. Pero iba ang isang ito. Hindi man lang natakot sa akin, tawang-tawa pa sa mukha ko.

"Pfft! Ganyan ka pala magselos ah. Ayieee! Dapat kasi una palang binakuran mo na. Ayan tuloy nakakita ng mas maganda."

Pang-aasar sa akin ni Alia kaya mas lalo akong nang-init.

"Kung sincere talaga ang lokong 'yun sa akin maghihintay sya kahit gano pa katagal! Hindi siya maghahanap ng iba kasi nga seryoso siya diba? Eh hindi! Kaya wala tayong magagawa."

I crossed my arms in front of my chest. Naiiyak na talaga ako! Ganito pala pakiramdam ng selos na selos ka na pero wala kang right magreklamo kasi walang kayo. Pero kasi nanliligaw siya sa akin diba? Why is he kissing someone when he's given his words to me as his number one? Nakakayamot!

"Ganon na lang 'yun? Magpapatalo ka na lang? Akala ko ba ang kay Abcde ay kay Abcde lang? Anyare ngayon?"

Sa tono pa lang ng pananalita ni Alia hatalang-halata ko na na gusto niyang rumesbak sa babaeng chicks at bawiin ang Hijk ko.

"Eh nagpaagaw nga kasi siya! Nakakainis naman eh! Hindi ba siya makapaghintay? Plano ko naman siyang sagutin ah! Hindi lang talaga ngayon!"

Napalakas ang boses ko dahil hindi ko na makontrol ang sarili kong galit. Hinahampas ko na si Alia kasi alam niyo 'yung feeling na gusto mong umiyak pero pinipigilan mo kasi sobrang dami ng tao.

"You mean, soon?"

"Oo! Eh pano ang landi eh!"

Ayun! Umiyak na ako, para talaga akong bata sa sobrang iyakin ko.

"Oh narinig mo 'yun ah. Soon daw."

Umusog yung bangko ni Alia. Kahit hindi ko makita pero ramdam ko na tinabihan ako ng bagong tao at alam ko si malandi ang tumabi sa akin. Tumalikod ako sa kayang habang takip-takip ang mga mata kong umuulan.

"Wag kang didikit! Isa- sabing wag eh!"

Niyakap niya ako palikod. Ang tigas talaga ng ulo nitong isa ito. Bawal pa naman PDA sa school kaya mabutu na lang nasa pinakalikod kami kaya walang teacher na makakakita.

"Nagseselos ba 'yung baby ko?"

Umpisa niya tapos hinigpitan niya pa yung yakap. Leche talaga! Alam ko isang paliwanag lang nito tanga na ulit ako na maniniwala eh!

"Don't call me baby you bitch! Dun ka sa kahalikan mo!"

Imbes na ma-guilty sya narinig ko siyang tumawa ng mahina tapos sapilitan akong pinaharap sa kanya. I was like what the heck! Mukha akong sabog na haharap sayo! Kaya wag!

"Kung nahihiya kang makita kitang ganyan kasi feeling mo panget ka, don't worry I'm immune to that."

Natatawa niyang biro kaya hinampas ko siya ng sobrang lakas sa braso tsaka sinabunutan pa. Akala niya talaga matatawa ako? No! May kasalanan siya tapos ang lakas ng loob na kutyain ako sa harap niya. Presko nito ah. Masyadong panatag kasi mahal na mahal ko.

"Wag mo nga akong hawakan! Dun ka sabi sa kalandian mo eh! Balikan mo na lang. Balita ko mas chicks sa'kin 'yun eh."

Sunod-sunod kong dabog pero hinuli niya ang dalawa kong braso atsaka nilapag sa armchair ng upuan. Pinipigilan niyang tumawa kasi alam niyang magwa-walkout na ako kapag inulit niya pa.

"I can't do that, dok. I can't let a single second to be wasted. Hindi ko nga kayang hindi ka pansinin. Lokohin pa kaya?"

Hindi ko na kinaya at nasampal ko na siya sa sobrang kasinungalingan.

"Eh maloko ka pala eh! Anong hindi kaya eh parang hangin nga lang ako kanina sa 'yo!"

Huminga siya ng malalim tapos hinipo yung pisngi niyang namumula.
M

ay pangiti-ngiti pa siyang ginawa. Pigil pa more!

"Lord mahal ko 'tong babaeng to kaya magtitimpi ako."

Presko niyang sabi habang nakatingin sa itaas

"Hindi nga ako yun! Kambal ko yun! Si STUV, kakauwi lang niya from Italy with his fiancée! Kaya ayun."

What?! Si Hijk may kambal? Teka! Bat hindi ko alam to?

"Nagtataka nga ako kanina kung bakit bad trip ka, kanina pa ako nakasunod sa likod mo habang tinatawag ka. Ako nga dapat magselos eh, nakakita ka lang ng kamukha ko sinundan mo na agad."

And he's acting like he's the victim here.

"Ganito na lang, para quits tayo ipapakilala kita sa kanila. Come on!"

Excited niyang sabi sa 'kin. Ipapakila ako ni Hijk sa buong angkan ng Monterafil?

How Long Will It TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon