CHAPTER 28

44 10 34
                                    

Abcde

Hindi ko alam kung bakit basta-basta na lang pumayag si Papa na ligawan ako ni Hijk. Hindi ko rin alam kung ano bang meron sa taong yun at botong-boto sa kanya ang buong pamilya ko. Pakiramdam ko parang malaking premyo na dumating sa 'min si Hijk.

Oo, masaya ako kasi finally may nanligaw at naligaw sa akin but the thought of him courting me? Hindi ako masaya! Bakit? Ngayon pa nga lang nagsasakitan na kami, paano pa kaya kung sinagot ko na siya? Baka maging battered-girlfriend ako. Aba girlfriend talaga? So may plano akong sagutin siya?

"Thank you po, Dad! Mom! Tol!"

Tumayo si Hijk at nakipagbeso-beso sa nanay ko, si Mama ang saya-saya niya! Pinipisil niya pa yung pisngi ni Hijk. Matapos siyang lamutakin ni Mama ay pumunta siya kay Papa para makimanly hug. Grabe naman oh! Nagbulungan pa yung tatlong lalaki atsaka nagtawanan. Aba? Ano na naman kaya ang sikreto nila?

"Una na po ako."

Nagpaalam na si Hijk. Bago siya umalis ay nginitian niya muna ako tapos kinindatan. Yuck! Ano ba 'yan?

"Ihatid mo na siya, anak."

Tinulak ako ni Papa kaya napakapit ako kay Hijk. Humiyaw naman silang lahat sa nakita nila. Tinutukso nila kami sa isa't isa. Mga feeling bagets talaga!

"Uy! Hokage ka na anak!" -Mama.

"Hatid mo na 'yan! Payakap-yakap ka pa eh."

Natatawang kantyaw ni Papa kaya isa-isa ko silang inirapan.

"Great pretender huh? Kinikilig naman." -Kuya.

"Halika na nga Hijk!"

Kinaladkad ko si Hijk para makalabas na kami ng bahay pero nagmamatigas siya. Kumakapit siya sa sofa para hindi ko matangay. Nakakatawa tuloy kaming tingnan. Parang yung sa drama lang kulang na lang lagyan ng OST ng Ang Probinsyano.

Kung wala ka nang maintindihan, kung wala ka nang makapitan. Kapit ka sa akin, kumapit ka sa akin! Hahahha

"Halika na kasi!"

"Mamaya na, may nakalimutan ako!"

Umatras siya pero hinila ko siya ng todo tapos binitawan ko kaya bumagsak siya sa sahig. Pareho kaming bumagsak pero tinulungan nilang tatlo si Hijk ako hindi!

"So, siya anak niyo?!"

Naiirita kong tanong habang tumatayo at nagpapagpag ng palda.

"Ok ka lang ba, tol?"- Kuya.

"Hindi ka ba nasaktan?" - Mama.

"Kaya mo bang tumayo?" - Papa.

Napanganga ako sa naging reaksyon nilang lahat. Ako ba talaga anak nila or si Hijk? Yung abnormal prenteng-prenteng tumayo atsaka tumango lang. Agad niya ako hinatak atsaka pinagpagan din. Ay wow! Ang caring niya.

"Ok ka lang?" Nag-aalala niyang tanong habang nakatingin sa akin. Napa-awe naman sila sa amin tapos lumapit si Hijk para bulungan ako. "Ang sakit nun, humanda ka mamaya!"

Tinulak ko siya ng todo. Pinagbabantaan ako eh! Sino ba kasi nagsabi sa kanya na magdrama siya at gumawa ng eksena sa sofa? Kahit kailan talaga ang kaartehan ng isang ito hindi ko na mabasa.

"Mm. Mom, Dad. Pwede ko pang ipaalim yung anak niyo na lumabas?"

Nagulat ako sa tanong ni Hijk. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang apat. Napayuko ako nang magsink-in ang sinabi niya. Natuwa ako at the same time kinilig. Eh kasi naman eh! Niyaya na niya akong lumabas at unang beses ito! Makikita sa mukha niya na seryoso siya sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita eh. Masyado akong-- Oo na! Kinikilig na!

How Long Will It TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon