22

1.6K 88 2
                                    


"JUST to set records straight, kaya ako nakatulog ay napakarami mong ginawa sa akin," bungad ni Tiare nang makita niya si Cole sa salas na nanonood ng TV.

Nakaligo na siya at nakabihis. Isang oras din pala siyang naplakda, my goodness.

Tumawa si Cole saka tumayo. "You don't have to explain, babe. Normal lang iyan."

"Alam mo bang I've been exercising lately para hindi manghina sa mga sessions natin?"

Sumipol ito saka lumapit sa kanya. "That explains why you've been humping me like a rabbit on meth."

Sinalubong niya ito ng kurot sa tiyan. Hinapit naman siya nito sa beywang.

"Are you hungry? Kainin na natin iyong dessert."

"Okay," nakangiting sagot ni Tiare.

Nakakapit pa rin si Cole sa beywang niya nang maglakad sila patungo sa kusina.

"How's your ass?" tanong ng lalaki, sabay baba ng kamay sa isang umbok ng kanyang pang-upo at marahang pumisil doon.

"It feels fine," balewalang tugon niya.

"Gusto mo ng kape?"

"Sure."

Mabilis siyang lumapit sa refrigerator at siya na ang naglabas ng cake mula roon. Inasikaso naman nito ang pagsalang ng kape sa coffeemaker.

"May pinapanood ka yata, inistorbo na kita," sabi niya rito nang magkaharap sila.

"Wala. Nagpapaantok lang."

"Nagpapaantok?" Tumingin si Tiare sa coffee maker. "E, bakit ka magkakape? Paano ka makakatulog niyan?"

Nakangising sumagot si Cole. "Nagbago na ang isip ko, nandito ka na kasi."

Pabirong inirapan niya ito.

"O, iba na naman ang iniisip mo. Manonood lang tayo ng TV," tudyo naman nito.

Napatawa tuloy siya.

"Palaging madumi ang isip mo," tukso uli nito. "Sabagay, hindi kita masisisi, masarap talaga ako."

"Colberto!"

Dinaluhong niya ito at pinagkukurot. Tumatawang hinuli naman ni Cole ang kanyang mga kamay at hinalikan ang mga palad niya.

Ugh. Mukhang sweet nga talaga ang loko. At siya naman ay nadadala na. Should she be concerned now and flash warning signs all over herself?



PAGGISING ni Tiare isang umaga ay hindi niya nakita si Cole sa loob ng bahay. May nakasalang na kape sa coffee maker nang tumuloy siya sa kusina, kaka-brew lang iyon, wala pang bawas. Uupo sana siya sa breakfast nook nang matanaw niya mula sa glass wall ang lalaki. Nasa gilid ito ng dagat, may hawak na camera.

Dala-dala ang dalawang tasa ng kape ay nilapitan niya si Cole. Nakangiti itong lumingon sa kanya at bumati ng magandang umaga.

"I hope I'm not disturbing you or something," aniya rito at iniabot dito ang isang tasa ng kape.

"Willing ako paistorbo sa iyo kahit kailan, guluhin mo pa buong buhay ko."

"Diyos ko, Colberto, ang aga-aga mong nambobola."

Cole pouted and he looked so darn cute. "Bakit ba palaging nambobola ang tingin mo sa akin?"

Inilayo ni Tiare ang tingin mula rito. Inumpisahan na talaga niyang maglagay ng sariling warning signs.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 4 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GET CHARMED Hubaderos 3: ColeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon