#YChronicles #WabiSabiMM
Mayonaka Messages 1 of Y Chronicles, a series collaboration by
MNR | cappuchienooo x nayinK x pilosopotasya
***
Dahil sa regular online shopping ni Mika, naging familiar sa kanya ang delivery rider ng mga packages niya na s...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Loki Saberon
kuyz :(((( di ka naman nagsalita kanina 😭 san ka ngayon?? puntahan kita...
kuyz hinahanap ka ni beybi
kuyz naman
usap tayo ulit sige na oh
pero uulitin ko pa rin yung sinabi ko kanina
deserve mo rin naman piliin sarili mo, kuyz
ako na muna bahala samin ni beybi para ikaw naman para sa sarili mo
Lope Saberon
Wala kang karapatan para magdesisyon para sa akin.
Hindi mo man lang ako kinausap muna. Tayong dalawa ang tumayong magulang ni Luci kaya bakit ka nagdesisyong mag-isa?
At higit sa lahat, bakit nyo sya ilalayo sa akin? Bakit hindi na lang kayo ang magsama-sama sa kung saang malayong lugar na gusto nyo?
Bakit ka aalis? Bakit nyo ako iiwan? Saan ako nagkulang... Anong nagawa ko... Saan ako nagkamali...
Loki Saberon
kuyz, puntahan kita
san ka ba
dali na
Lope Saberon
Paano mo nagawang magpatawad nang mabilis? Bata palang tayo nang iniwan niya tayo, sumama sa iba at nagkaroon na bagong pamilya. Ilang taon tayong hindi inalala. Umalis ng bansa, nagpakasaya. Bumalik at pinaasa tayong mabubuo tayo nang mabuhay si Luci. Pero umalis ulit. Kahit nang mawala si Papa, wala tayong narinig sa kanya. Kaya paanong... bakit, Leonard? Hindi ko maintindihan.
Pagod ka na ba? Ayaw mo na bang magtrabaho? May offer sa akin sa St. Roberts. Tatanggapin ko na lang para maka-ipon ako lalo. Hindi naman tayo hirap na hirap sa buhay, Leonard. Kaya nating pag-aralin si Luci hanggang college. Hindi natin kailangan ng tulong niya. Anong problema?
Loki Saberon
di ko rin naman to gustong mangyari, kuya pero ang bigat na rin dahil naiipit ako sa inyo ni mama nakikita ko yung pagod mo araw-araw kahit pilit mong tinatago laging ikaw ang nagbibigay lagi mo kaming inaalala
may pagkakataon ngayon para magbago ang buhay natin kami ni luci, sa canada kasama si mama ikaw, kahit saan mo gusto kuya
alam kong hindi ka pa handang makipagayos kay mama kaya alam kong hindi ka sasama samin AT OKAY LANG YON
pero si mama, gusto rin bumawi satin, kay Luci alam kong galit ka ngayon pero sana makita mo rin yung punto ko
hindi ka namin iiwan, kuya pero kailangan mo ring piliin ang sarili mo kahit ngayon lang tapos pag handa ka na, puntahan mo kami ako nang bahala kay luci, di ko naman siya pababayaan
Lope Saberon
Bakit mo pinipilit na piliin ko ang sarili ko? Simula nang magkamuwang tayo sa mundo, Leonard, kayo ni Luci ang buhay ko.
Hindi lang ito tungkol sa pagpapagod o pagbibigay. Kayo ang buhay ko.
Paano na ako nito...
Loki Saberon
lagi kaming nandito para sayo kahit nasa malayo kami isang tawag lang naman ang pagitan natin mahihirapan tayo sa umpisa pero magagawan naman ng paraan, kuya
kailangan mo rin makita na hindi mo kayang akuin lahat ng responsibilidad hindi ka si superman, kuya
hindi mo kailangang magpakapagod para patunayan na kaya mong dalhin lahat kaya natin to bilang pamilya, kuya hindi mo kailangang mag-isa
alam kong darating din ang panahon na mahahanap mong magpatawad dyan sa puso po pero parang hindi pa, kailangan nating gawin to
Lope Saberon
Ang pamilya, hindi naghihiwalay. Hindi nang-iiwan. Akala ko sina Mama at Papa lang iyon. Pare-pareho lang pala kayo.