Chapter 2

321 10 2
                                    

Chapter 2 unedited

THIRD PERSON's POV

Natigil sa pagcha-chant ang mga naroon dahil sa narinig nilang sigaw. Hindi lang naman kasi basta sigaw yun. Sigaw yun o warning na paparating na ang isa sa mga kinatatakutan nila. Nahawi sa gitna ang kaninang nakapabilog na estudyante at iniluwa nun ang President at Vice President ng SSC.

"ALL OF YOU BACK TO YOUR ROOMS NOW!!!" Ma-awtoridad nitong utos sa mga estudyante na sumunod naman sakanya. Nang wala na ang mga estudyante kanina ay nagtatalon sa tuwa ang dalawang dalaga.

"My gosh Kate your so awesome best!!" Pagpupuri ng VP kay Kate.

"TSS." Singhal ni Kate tsaka binigyang pansin ang mga natira. Sina Ethan na gulat. Si Kenneth na nakapoker face at kalmado na. Si Jai na inaalala si Athlea.

5..4..3..2..1.

"WAAAAAAAH!!!! You're really here na bebe girl!!!" Tuwang tuwa na sambit ni Jenny o ang VP. Habang nagtatalon kasama ni Kate.

"Oo nga Lea. Ang tagal mong nawala.?? Tsaka teka bakit namumula yung pisngi mo??" Nag-aalalang tanong ni Kate kay Athlea. Mukhang napansin din nito ni Jenny at agad na kumunot ang noo nito.

"You are right Kate. Why gulo gulo your hair?? Did Leila sabunot sabunot you??!!" Di mapigilang tanong ni Jenny. Sa isip nito ay nagiisip na siya ng kung paano ipaghihiganti ang kaibigan.

"H-hindi ahm a-ano k-kasi..." Hindi matuloy ni Athlea ang sasabihin niya dahil kinakabahan siya sa pwedeng gawin ng mga kaibigan niya. They treat her as their sister. At hindi hinahayaan ng mga ito na binubully siya o kaya ay sinasaktan physically. Masyado silang protective kay Athlea.

"Leila did that to her we saw it." Malamig na sagot ni Ethan. Hindi naman kasi nila ito napansin kanina. Mukhang nagulat pa nga si Athlea sa biglaang pagsalita nito.

"Oh my!! Really bruha talaga siya!!! She'll pay for what she'd done." Sambit ni Kate. Na tila may bumabalot na itim na aura sa katawan. Si Jenny naman ay tila err starstruck kay Ethan.

Kilala si Kate bilang Amazona Princess kaya gayun na lang ang takot ng mga estudyante dito. Si Jenny naman ay may pagka- amazona pero lamang ang pagiging playgirl nito. Kung sakaling may mangaway sakanya marami naman siyang admirers na ipaghihiganti siya.

"T-tigilan niyo nga yan. O-ok lang naman yun..." Pag-sagot naman ni Athlea na nakatingin ng masama kay Ethan. Wala talaga siyang balak sabihin sa mga ito kung ano ang ginawa ni Leila sa kanya. Hindi naman na bago sakanya ang ganoong trato.

"TSS nagpaka-santa ka nanaman. Bahala ka nga." Pabaling na sabi ni Kate. Naasar ito dahil hindi man lang siya makagawa ng paraan para hindi na muling saktan ni Leila ang kaibigan. Ang isa pa niyang kinaasaran ay ang pagiging mabait ni Athlea ni hindi pa niya ito nakikitang lumaban.

"Teka kilala niyo ba siya??" Nagtatakang tanong ni Athlea sa mga kasamahan. Bukod tanging si Ethan lang kasi ang hindi niya kilala sa mga ito. Gulat ding napabaling ang tingin sakanya ni Ethan. Sikat kasi ang lalaking ito hindi lang sa buong campus kungdi pati na rin sa lugar nila. Minsan na din siyang lumabas sa telebisyon.

"Ah si Ethan yan. Ang bestfriend ko rito." Pagpapaliwanag ni Jai kay Athlea. Si Kenneth naman ay tila nagpipigil ng tawa. Kilala niya ang kaibigan at mataas ang tingin nito sa sarili conceited kumbaga.

"W-wait hindi mo ko kilala??" Tila naiinsultong tanong ni Ethan kay Athlea. Parang natapakan ang ego niya dahil sa tanong ni Athlea. Siya lang kasi ang hindi nakakikilala sakanya.

"Pasensya na pero hindi kita kilala." Pagpapaumanhin naman ni Athlea.

"Tol hindi mahilig sa lalaki itong si liit kaya hindi ka kilala Hahaha!" Nangaasar naman na sabi ni Kenneth sa kaibigan. Nagsimula na silang maglakad patungo sa klase nila. Hindi naman magkamayaw sa pangaasar si Kenneth na siyang ikinabwisit ni Ethan. Wala atang babae ang hindi nakakakilala sakanya.

ETHAN's POV

Nakakaasar talaga tong panget na nerd nato. Nang-iinsulto ba siya??! Kilala kaya ako sa lugar namin. Tss. Kayo kilala niyo ba ko?? Pwes magpapakilala ako.

Ako si Ethan LouisLustre. Famous. Gwapo. Pinagaagawan ng mga babae. Varsity player. Masipag *winks*. Mayaman. Ako ang nagiisang anak ng namamahala sa C.K. entertainment, dahil pamilya ko ang may-ari niyan. Nasa top 10 richest family all around the asia ang pamilya namin. Lumalabas din ako sa TV for commercials at naging model din ako ng bench.

Kaya naman insulto sakin ang sinabi ng panget na nerd nato. Idagdag mo pa yung pang-asar ni Kenneth. Ibig sabihin hindi man lang to napogian sakin??! Tsssk!!

"Oh dito na tayo. Saang room ka Enna?" Napatingin naman ako kay Jai na kinakausap yung panget na nerd na to. Di ko namalayan na nakaakyat na kami sa fourth floor. Floor kung saan tanging 4th year classrooms lang ang nandirito.

"Section B ako. Ikaw Jai??" Sagot naman nung panget na nerd. Teka section B siya edi magka-klase kami??! (>_________<)

"Section A ako eh. Alam mo na matalino Hahaha!!!" Pagbibiro naman ni Jai. Nakita kong ngumiti yung nerd.

"Sige pasok na ko. Kayo Kate?? Jenny??" Bumaling naman siya sa mga kaibigan niya at hindi man lang ako pinansin??!! Aba!

"B kami bebe girl." Sagot naman nung Jenny na kanina pa tumitingin sakin. Tssk! Trip siguro ko neto. Pwede na rin siya dahil pasado siya sa standards ko. She has the shape and the size.. ( ^/ / / ^)

"Ah sige tara pasok na tayo.." Pag aaya naman niya samin. Si Kenneth naman ay nagpaalaam dahil Section C siya.

Pagkapasok agad namin ay mga nagliliparang crumpled papers at gulo gulong upuan ang bumungad samin. Napatigil ang lahat ng mapansin na nakapasok na kami. Nagsimula nanaman ang bulungan tungkol sa nerd na ito. Seriously??!! Ano bang meron sa panget na nerd nato??!! (>_______<!!!)

"Ang malas naman natin kaklase natin siya.."

"Kasama nanaman niya yung mga royalties. Malamang sumisipsip nanaman."

"Kailan kaya ulit yan aalis??"

Madami pa sila sinabi pero hindi ko na naintindihan. Andito din naman ako last year pero bakit hindi ko siya nakikita??

"One more word coming from your filthy mouths. Im gonna cut your tongue!!!" Madiin at talagang nakakatakot na sabi ni Kate kaya napatahimik ang lahat.

"CLEAN THIS OR ELSE!!!!" Nagulat ang lahat ng sumigaw itong Jenny. Dali dali naman nilang pinulot ang mga kalat at inayos ang mga upuan.

"Ouch..." Napalingon ako kung sino yung umaray. Nakita ko naman itong panget na nerd na may pinupulot na isang crumpled paper. Binuksan niya iyon at tumambad sakanya ang may kalakihang bato. Hindi ko nabasa yung sulat pero may nakita akong 'FLIRT!!'

Di nagtagal ay dumating na rin ang adviser namin. Nagpakilala ito at tinawag tong panget na nerd para magpakilala. Madami ang nag react na wag na lang dahil daw kilala na nila ito. Na ikinabwisit ko.

"Just shut the fvck up!!! Kung kayo kilala niyo na yan pwes ako hindi pa!!" Mga nagsitahimik na lang rin sila pati ang adviser namin. Nagulat ata sa pagsigaw ko. Napatingin ako kay panget na nerd na nakatitig lang sakin.

"Tinutunganga mo diyan?? Magpakilala ka na." Walang emosyon kong sabi sakanya.

Tumayo ito at pumunta sa harapan. May nagbubulungan pa kaya tinignan ko lang sila ng masama tsaka tumahimik.

"*inhale* Hello. Im Athlea Millena. Nice to see you again." Tsaka ito nagbow.

Athlea Millenna?? Nice.. Another toy??.. *smirk*

Bakit Best friend Ko Pa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon