Chapter 4

174 6 2
                                    

Chapter 4 unedited

THIRD PERSON's POV

"EH?! Totoo ba yan?" Hindi makapaniwala na tanong ni Jai kay Aldrin.

"Oo andoon din ako eh. May binulong pa nga siya kay Leila tapos biglang tumakbo. " Pagku-kwento pa ni Aldrin sa nangyari. Miski siya ay hindi makapaniwala na nanlaban ang parating binubully na si Athlea.

"Ah sige. Una na ko sayo. Kakausapin ko si Enna. " Pag papaalam ni Jai sa kaibigan tsaka tinungo ang elevator. Samantalang si Aldrin naman ay naiwan roon na nakatingin sakanya.

"Hayssss bat ko ba parating nakakalimutan ang elevator. " Tsaka nito tinungo ang hagdan dahil hindi na niya naabutan si Jai.

~~~~~~~~

Naglalakad sina Athlea, Kate at Jenny ng mapahinto sila sa narinig na bulungan. Tapos na rin kasi ang break time dahil tumunog na ang warning bell.

"Is that her. Did she slapping Leila's beautiful face??"- Pag-iintriga ng isang babaeng kulang sa tela ang damit. Tila luluwa na kasi ang hinaharap nito sa sikip ng dress o kung dress pa bang maitatawag ang suot nito. Halos makita na din ang panty nito sa ikli.

"You are really right girl. She slapping Leila and talking back to Leila in the cafeteria." Sagot naman ng kasamahan nito na mukha ng multo sa kapal ng foundation. Nakadress din ito pero mas may kahabaan naman ito kung ikukumpara sa suot ng kasamahan nito.

"Look at her she looks purita. She nothing to Leila." Pagsabat ng isa pa nilang kasama na parang binugbog ang mukha dahil sa kapal ng eye shadow at ang lipstick nitong sobrang kapal. Nagmumukha tuloy siyang binugbog na clown dahil sa make up niya. Hindi naman talaga sila nag-bubulungan dahil talagang ipinaririnig nila ito kay Enna.

Sila Kate naman ay imbis na mainis ay natatawa na lang dahil sa pag-iingles ng tatlo. Halata kasing trying hard magpaka-sossy ang mga ito. Hindi lang sa pagsasalita kundi narin sa pananamit.

"Hey you laugh us??!!" Mataray na pagtatanong nung makapal ang foundation. Humarap si Jenny at Kate sa tatlo na pare-parehas na magkakapa-meywang at matatalas ang tingin sakanila.

"Alam niyo ang pagtataray nilulugar. Mga itsura niyo ikaw!! *turo sa kulang ang tela* maitim na nga yang tuhod mo ipinangangalandakan mo pa!. At ikaw naman *turo sa babaeng foundation* kung maglalagay ka ng foundation siguraduhin mong pantay ang itim itim ng leeg mong puro libag ang puti puti naman niya mukha mo!!" Tumigil si Kate sa pagsasalita at saka tinignan ang natitira pa nilang kasamahan.

"At ikaw alam mo maganda ka sana kaso panget ka!! Marinig ko pang pag-chismisan niyo si Lea puputulin ko ang mga dila niyo!!" Pagbabanta ni Kate sa tatlo na pulang pula na sa kahihiyan at inis. Halos nakaagaw rin kasi sila ng atensyon.

"Sino ka ba ha??!!" Galit na sambit nung babaeng kulang sa tela.

"We are the Campus Princesses. She's Kate Alessandra Clinton and I am Jenny Melea Scott remember that name girls. CIAO!" Tsaka ito tumalikod at naglakad palayo. Ang mga babaeng pinahiya naman ay agad na tinawagan ang mga magulang at nagpa-transfer sa ibang school.

ENNA's POV

Habang naglalakad na kami palayo doon. Hindi naman magka-mayaw sa kakatawa itong mga kasama ko. Kung titignan mo nga naman kasi yung mga babaeng yun. Katawa-tawa talaga yung mga itsura. Idagdag mo pa yung pa- trying hard nilang pag-sasalita ng English.

"ENNA!!" Napalingon ako sa likuran ko kasi doon nang-gagaling yung sigaw. Kung hindi ako nagkakamali si Jai lang ang tumatawag ng Enna sakin.

"Oyy.." Nakita ko naman siyang tumatakbo papunta sa direksyon namin. Kita ko pa ang ilang butil ng pawis sa noo niya. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin ito nakabawas appeal niya. Ang hot nga niya eh!! Ah wait! Wala akong sinabi.. (//^^//)

"Balita ko sinampal mo daw si Leila??" Pamungad niyang tanong sakin. Ganun ba talaga kadami ang haters ko at talagang yun agad ang ipinagkakalat. Hindi ba pwedeng tinilapid niya ko kaya ko siya sinampal?? Sa bagay they are on Leila's side.

"Hey una na kami bebe girl." Sabay kindat sakin. Paniguradong may iniisip nanaman yung babaeng yun. Itsura pa lang eh. -3-

"Ang bilis naman umabot sayo ng balita. Diba nasa rooftop ka?" Pagtatanong ko sakanya habang naglalakad. Hindi kami pwedeng mahuli dahil terror daw yung next subject namin nila Jenny. Weird. Uso pa pala yung mga ganung teacher??

"TSSK. Hindi na mahalaga kung paano. Oh ano mag kwento ka na." -Jai.

"Alam mo namang bad mood ako kanina diba. *tango* Ayun nga habang papasok kami tinilapid ako ni Leila. Kilala mo naman ako pag bad trip diba. *tango*" Seriously??! Parang bata tong si Jai. (>,<!!)

"So ayun na. Nasampal ko siya at." (O______O)

JAI's POV

Nakita kong napatigil si Enna sa pagsasalita na para bang may ginawa siyang mali.

"J-Jai may n-nasabi ako kay L-Leila." Kinakabahan niyang sagot. Sabi na eh. Kulang yung kwento ni Aldrin!! (>_______<) May narinig kasi akong nagbubulungan kanina at may binulong daw si Enna kay Leila tapos tumakbo raw ito palayo.

"Aiiissssht!!! Nasabi mo ba yung.. Yung ano??!!" Humarap ako sakanya habang hawak siya sa balikat. 'Please hindi sana niya nasabi.'

"Oo eh." Nakatungo niyang sagot sakin. Kahit kelan naman talaga tong si Enna eh!! Napaka- careless!! Ipaalala niyo nga sakin na huwag na ulit bad tripin to. Kung ano ano lumalabas sa bibig eh.

"AAIIISHHHT!!" Napahilamos na lang ako ng mukha. Magsasalita pa sana ko kaso nakita kong nandito na pala kami sa tapat ng room namin at nakatingin silang lahat samin.

"Papasok na nga ako. Kainis ka ah!" Sabi sakin ni Enna tsaka padabog na pumunta sa classroom niya.

Natatawa naman akong pumasok sa classroom ko. Ang cute talaga ni Enna diba?? Tignan mo nga, ang bilis mawala ng galit ko sakanya.

THIRD PERSON'S POV

Pagpasok ni Enna sa classroom ay bulungan nanaman ang mga kaklase nito. Agad din silang nanahimik ng pumasok ang terror na teacher. Si Teacher Cara Guerra.

"Hoy ano pinag-aawayan niyo ni Jai hah?? LQ ba kayo?" Pabulong na tanong ni Kate kay Enna. Miski kasi ito ay takot sa terror na teacher. Kahit ba sabihing Home Economics lang ang subject na itinuturo nito.

"Hindi. Basta wag ka ng maingay. " Napatingin naman si Teacher Cara kina Kate at Enna. Dahilan para mapatingin sakanila ang klase. Itinuro naman ni Teacher Cara si Enna at pinalapit ito. May binigay itong papel at saka pinalabas si Enna.

"Aiiishhht bakit naman niya to pinapakuha??" Tanong ni Enna sa sarili habang nakatingin sa listahan ng libro na ipinapahanap ni Teacher Cara sakanya.

Nang makarating siya sa library ay agad niyang hinanap ang 5 librong nasa listahan. Mabilis niya nahanap ang apat na libro at tanging yung panglima na lang ang hinahanap niya.

"Ayahh!! Andito ka lang pala eh." Sambit ni Enna ng makita niya ang librong kanina niya pa hinahanap.

"Ako ang nauna/ Give it to me". Magkasabay na sabi ni Ethan at Enna. Sabay kasi nilang hinawakan ang libro.

"Bitiwan mo nga ako ang nauna dito. " Asar na sabi ni Enna kay Ethan. Kitang nagtitimpi si Enna dahil sa mga humarang sakanya kanina. Sino ba naman ang hindi maasar kung pagsasabunutan ka? Hindi niya na lang ito pinatulan dahil baka gumana nanaman ang pagiging impulsive niya.

"THE FVCK GIVE IT TO ME OR ELSE." May halong pagbabanta sa boses ni Ethan. Badtrip ito dahil kanina pa siya paikot ikot kakahanap sa librong yun pero nang makita naman niya ay may balak ding kumuha.

"Shhhhhhhhhhhhh." Narinig naman nila ang pag-shh ng librarian, palakas kasi ng palakas ang bangayan ng dalawa. Nagpalitan sila ng masasamang titig sa isa't isa tsaka unang nagbawi si Enna.

"You're really pissing me off. Sorry. " Walang nagawa si Enna kungdi sipain ang pinaka- iingat ingatan ni Ethan.

Tumalikod siya at saka inayos ang mukha niya. Gulo gulo kasi ito dahil na rin sa pagsabunot sakanya kanina noong harangin siya ng mga babae.

"HEY. Arrgh YOU. YOU WILL PAY FOR THIS." Galit na sambit ni Ethan. (Hindi niya nakilala na si Enna yun.)

Umiamod na lang siya tsaka naglakad palayo.

"Tanga talaga."

Bakit Best friend Ko Pa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon