Chapter 7

161 6 1
                                    

Chapter 7

ENNA's POV

"Huy!" Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Ethan na papalapit sakin. Nagtataka ko naman siyang tinignan. Bakit ba dikit ng dikit tong lalaking to sakin? Kung dati madami na ang basher ko mas dumami ngayon. Fans club ni Leila at ng kingkong na to.

"Alam mo ang seryoso mo. Kababae mong tao ang dalang mong ngumiti." Sabi niya sakin. At hindi pinapansin ang mga babaeng lumalapit sakanya para magbigay ng kung ano-ano.

"Ganun ba? Ang seryoso kasi ng nangyayari sakin eh. Haha." Napatawa ako ng pagak. Totoo naman diba? Sa sobrang seryoso ng nangyayari sakin nakakalimutan ko ng ngumiti, at tumawa. At dahil yun sakanila.

"Oh sumeseryoso nanaman yang mukha mo. Alam mo dapat...." Lumapit siya sakin kaya napaatras ako. Anong problema ng lalaking to?

"Parati kang nakangiti ang panget mo na nga mas lalo ka pang pumapanget." Hinawakan niya ang gilid ng labi ko tsaka ito inistretch para kumorte ang ngiti sa labi ko. Nakatitig lang ako sakanya habang ginagawa niya iyon. Iniiwas ko naman ang tingin ko sakanya ng tumingin siya sakin.

*BLAAAAAAAG*

THIRD PERSON's POV

Titignan sana ni Enna kung ano ang kalabog pero paghakbang pa lang niya sa ikalimang baitang ng hagdan ay dumulas siya dahil sa mga beads na naroon.

Bakit Best friend Ko Pa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon