Chapter 9

137 5 3
                                    

Chapter 9

THIRD PERSON's POV

Maagang pumasok si Athlea ng 13U para makaiwas na sa madaming tao. Naglongsleeve siya ngayon para walang masyadong makakita ng mga pasa at sugat niya. May mga iilan na napapatingin sakanya siguro dahil sa suot niya. Habang naglalakad siya sa kalagitnaan ng corridor ay nakasalubong niya si Leila.

"You know. Hindi ko alam kung bakit mo kong tinawag na Rita nung Monday. I mean my name is Leila Marie Chung. Napakalayo ng napakagandang pangngalan ko sa Rita na sinabi mo." Bakas ang galit sa mga mata ni Leila habang sinasabi niya iyon. Balak sanang magsalita ni Athlea pero pinigilan niya ang sarili baka kasi kung ano pa ang masabi niya at ikapahamak lang niya.

"Tandaan mo Athlea ako ang Miss University dito. Banggain mo pa ko tulad ng ginawa mo nung Monday. Hindi na ko magdadalawang isip na gawin sayo yung ginawa mo kay Uri (yuri)." Tsaka ito naglakad palayo.

"Damn that Uri bitch! I did'nt do that to her. She did that by herself. Damn her!" Naasar na ani ni Athlea. Pinapanalangin niya na sana ay pagpasok niya ng room ay wala pang tao. Nagpapasalamat naman siya dahil dininig ang kanyang panalangin. Umupo siya sa dulo kung saan doon sila nakaupo nila Kate. Tinignan niya ang kanyang cellphone ng malaman ang oras.

Bakit Best friend Ko Pa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon