Chapter 8

179 8 2
                                    

Chapter 8

ETHAN's POV

Walangyang Jai. Saan kaya yun nagsususuot?? Ako tuloy ang pinepeste nitong si Aldrin na iligtas yung panget na nerd na yun. Nalaman kasi niya na ako yung nagsabi kay Rushi?? Rusty?? Ano ngang pangalan ng babaeng clown na yun?? Basta yun. Ako daw ang dahilan kung bakit dumami ang nambully kay Athlea. Sugat sugat na nga daw siya. Diba??! Sobrang OA neto.

Kaya eto ko ngayon at hinahanap ang babaeng yun. Saan naman kaya yun nagsusuot??

"Hoy ikaw babaeng flat chested nakita mo ba si Athlea?" Pagtatanong ko sa babaeng payat. Tinignan naman niya ko ng masama pero umamo ito ng makilala kung sino ako. Hindi ko siya type kaya kahit anong landi niya diyan hindi ko siya papatulan.

"Nasa TREEkity siya *puppy eyes* " Ang panget ng babaeng to mukhang kwago laki ng mata. Nakita ko namang iniipit niya yung dibdib niya para magmukhang mayroong cleavage pero sa maniwala ka o sa hindi hindi gumana yung pangiipit niya. Lumapit ako sakanya tsaka binulungan siya sa tenga.

"Ang. Panget. Mo." Tsaka ako tumuloy sa TREEkity. Yung kaninang ningning ng mata niya napalitan ng luha. Dali dali naman siyang tumakbo tsaka siya sinundan ng mga kaibigan niya. Rude ba? Wala lang trip ko lang magpaiyak ngayon. Bagay naman sa mga babae yan eh. They're just toy. Toy and toys.

Sa pagiikot ko sa TREEkity may nakita akong babae sa tagong parte ng TREEkity. Dito yung part kung saan madaming puno ang nakapalibot dun sa malaking puno. At sa ilalim ng malaking puno na yun andun nakahiga yung babae. Malayo siya sa bungad ng TREEkity kaya tahimik ang lugar. Paglapit ko nakita ko na si Athlea nga yun. Gugulatin ko sana siya kaso may nakausling bato pala dun kaya natalapid ako. At naglanding ang mukha ko sa unan. Wait?!!! Unan nga ba to?? Eh wala naman siyang unan ah?? Di kaya??

"AAAAAAAAHHHH!!!!" Nawala ako sa ibabaw niya dahil agad niya kong sinipa. Maniniwala ba kayong lumipad ako papalayo dahil sa lakas ng sipa niya??? De joke lang! Wala naman akong pakpak para lumipad.

"Manyak!! Sino ka hah??!! Papatay---Ethan??" Hahambalusin niya sana ako ng nakuha niyang sanga ng puno pero natigilan siya ng makita ako. Shet ang saket ng sipa niya ahh.

"Walangya babae ka ba?? Ay hindi pala. Tao ka ba o kabayo?? Ang lakas mong sumipa??!!" Pagtatanong ko sakanya. Inalalayan naman niya kong tumayo at dinala dun sa hinihigaan niya. Ang ganda nga ng pwesto niya dito eh. Malambot yung surface dahil mdaming damo dun sa pwesto niya. Tsaka madaming bulaklak na nagkalat. Para siyang mini garden ah basta parang pinasadya talaga to.

"Bakit ka nandito??" Pagtatanong niya sakin. Bakit nga ba?? Ah oo dahil sa pesteng Aldrin na yun. Tinignan ko naman siya at nagulat ako ng makitang sugat sugat nga siya. Hindi lang sugat kundi pasa rin. Tumingin ako sa mukha niya at may mga violet dots dun.

"Napano to??" Pagtatanong ko sakanya. Ganun ba talaga kalala ang inaabot niya pag binubully siya?? Parang sobra naman ata. I mean yes may nabubully dito but not this. This is just too much. Ano bang ginawa niya at ganun na lang ang galit sakanya dito?

"Haha. Pinagbabato ako ng hilaw at nilagang itlog eh." Pilit niya binababa yung T-shirt niya para pagtakpan yung mga sugat at pasa niya pero wala naman nangyayari. Adik talaga tong babaeng to. Tinanggal ko yung jacket ko at ipinatong sa balikat niya.

Tila natatawa pa nga siya habang sinasabi iyon pero napalitan din ito ng pagtataka sa ginawa ko. Sabagay abnormal ata tong babaeng to eh. Siya lang ang nakita kong binato na ng itlog nagkasugat na at lahat hindi pa din umiiyak.

"Bakit ka may jacket?! Susko ang init init tas may jacket ka?!!" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. I mean seriously??! Hindi ba pwedeng magpasalamat na lang siya?

Bakit Best friend Ko Pa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon