Chapter Fifteen

81 2 0
                                    

Chapter Fifteen

*P-patay na si. . . Siya?* di niya masabi ang pangalan ni Bon hindi siya makapaniwala hindi niya matanggap na patay na si Bon.

'Di niya masabi ang pangalan ni Bon hindi siya makapaniwala, hindi matanggap na patay na si Bon. Pagdating sa information puno ng kabang tinanong niya ang babae doon.

"Miss may na-admit ba ditong Roselyn Sullano?," tanong niya ang babae kahit na-starstruck sa ka-gwapuhan niya ay hinanap ang pangalang sinabi nito.

Wala siyang makitang Roselyn Sullano umiling siya nakita niya ang takot sa mukha ng binata.

"Eh, Bon Sullano?," sabi ni Rowann.

Nagsearch ulit ang babae.

"She's in room 201," anito sabay ngiti.

Lumuwag ang pakiramdam ni Rowann at napangiti ng abot-teynga.

"Thank you!," sabi niya at pumunta sa elevator pero dahil may hinahatid pa ito sa taas.

Naghagdan na lang siya tinakbo niya ang pag-akyat sa hagdan at hinanap ang room 201 medyo nagulat siya nang makitang ward pala ang pinaglagyan kay Bon. Pumasok siya sa loob nakita niya si Bon nakahiga nakapikit rin ang mga mata pero may doktor na nakatayo sa paanan ng kama nito.

Medyo kumunot ang noo ni Rowann nang makilala kung sino 'yon.

"Attriyu what're you doing here?," tanong niya nang nasa tabi na siya nito.

"Psh, nakalimutan mo na ba? Dito ako nagtatrabaho," sagot nito na natatawa.

Napaismid na lang si Rowann.

"Right," tugon niya na nakatingin kay Bon.

"Kumusta na siya?," tanong ni Rowann na ngayo'y nawala na ang takot at kabang nararamdaman.

"Well nothing serious. . . She won't be able to use her hands for a lifetime," cool na cool na sabi ni Attriyu.

"WHAT?!," sambit ni Rowann.

Ang ibang mga pasyente na nandoon kasama ang mga watchers nito ay tumingin sa kanya. Nahiya naman si Rowann at pasimpleng siniko ang pinsan.

"Seriously, Attriyu," sabi niya sa mahinang boses.

Humagikhik ito sumimangot naman si Rowann. Attriyu cleared his throat twice.

"May fractures ang mga buto niya sa kamay pero nothing serious she can recover naman pero mukhang matatagalan," sabi ni Attriyu sabay lingon kay Rowann.

"What? Seryoso na'to nagsasabi na ako ng totoo," aniy nang makitang iniirapan siya ni Rowann halatang hindi naniniwala itinaas pa nito ang isang kamay nito na parang magrerecite ng panatang makabayan para maniwala ito. "Promise pexman," dugtong ni Attriyu.

Ibinaba ni Rowann ang nakataas na kamay nito.

"Umayos ka nga mukha kang hindi doktor sa ginagawa mo," saway ni Rowann sa pinsan.

"Cige iwan muna kita kailangan ko pang bisitahin ang iba kong mga pasyente," paalam ni Attriyu at tumalikod para umalis.

"Sandali sabay na tayo," sabi niya na sumabay na sa doktor niyang pinsan.

"Ma-swerte ka at wala kang natamong sugat," sabi ni Attriyu.

"Oo nga eh pure luck," tugon ni Rowann.

"It's not just luck nagkataon na may babaeng handang ibuwis ang buhay niya para sa lalaking walang plano sa buhay na tulad mo," segunda nito na huminto at hinarap si Rowann.

Unexpectedly, I Love You. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon