Chapter Eight

263 5 1
                                    

Hi silent readeeeeeeers! Kumusta??? Belated merry christmass!!! Kumustang handaan diyan? nadagdagan ba mga timbang niyo?? Kasi ako OO! hahaha. Advance happy new year!!! hehe. Sensya na kung ngayon lang ako nakapag-UD.

HOpe you vote and comment... :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagblush na naman si Bon. Bumangon na siya't tumayo.

"Mabuti nang umalis nalang na ako dito baka abutan na naman tayo ni Carina," sabi ni Bon malapit na siya sa pinto no'n nang magsalita si Rowann.

"Will you be my secretary?," tanong ni Rowann.

Napalingon si Bon sa kanya halatang nagulat sa tanong nito. Nang bigla siyang tumawa.

"Hahaha! Nagbibiro ka ba? Hahaha," sabi ni Bon sabay tawa.

"I'm not joking. . . I'm serious. . . I can pay you big," sagot ni Rowann.

Tiningnan ni Bon ng matagal si Rowann. Nagkatitigan sila ng matagal. Magsasalita na sana si Bon nang biglang ipasok si Carina sa kwarto nila.

Mukhang lasing na lasing pa ito.

"Ilabas niyo 'ko dito! P*tang-ina!," sigaw ni Carina.

"Sis! Anong nangyayari sa'yo?," tanong ni Bon sa kaibigan.

"Nothing, I'm just happy. . . I am just GODDAMN HAPPY!!!," sagot nito matapos ay biglang sumigaw.

Lumapit si Bon kay Carina hinawakan ito sa magkabilang balikat.

"Carina, huminahon ka," aniya.

Carina sighed heavily.

"Sinabi niya sa lahat na engaged na sila ni Paul. . . Tapos. . . ," kwento ni Carina na napayuko at nagsimula nang humagulhol.

"Tapos?," tanong ni Rowann urging her to go on.

"Tapos (sob) ipinakita niya 'yung engagement ring na binigay ni Paul sa kanyaaaa! Waaaaaah!!!," patuloy ni Carina at mas umiyak pa ng malakas.

"Sus ang dali-dali kayang bumili ng singsing sabay sabi na binigay 'yon sa kanya ni Paul. . . Tsaka hindi naman makakatanggi si Paul kasi nasa loob na siya ng kabaong diba? Gamitin mong isipan mo pre!," pakli ni Rowann.

Tumigil si Carina sa pag-iyak.

"Tama!," sambit ni Carina.

"Bakit?," tanong ni Bon.

"Tatanungin ko si Paul," sagot niya sabay labas ng kwarto.

"Carina wait!," tawag ni Bon pero mabilis na nakalabas ito.

"Tingnan mong ginawa mo," sumbat ni Bon kay Rowann.

He just shrugged napasinghap na lang si Bon at sinundan si Carina.

"Hoy Paul!? Gumising ka nga diyan! Bumangon ka't sagutin mong tanong ko!," sigaw ni Carina sa kabaong ni Paul.

"Totoo bang sinasabi ng hipon na'toh?! Ha? Na nagpropose ka sa kanya??!! Ha?! Sumagot ka sa'kin!!!," sigaw ni Carina na niyuyugyog na ngayon ang kabaong ni Paul.

Joy gasped at 'di mapigilan ang sariling mapaiyak sa nakikita niya ngayon. Halos mahulog nang kabaong sa kinalalagyan nito sa kakayugyog ni Carina.

Nagulat ang mga bisita sa nakikita nila.

"Sis!," tawag ni Bon lalapitan na sana niya si Carina nang biglang himatayin si Joy na nakatayo sa tabi niya.

Mabilis naman itong nasalo ni Bon.

Unexpectedly, I Love You. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon