Chapter Twenty

72 4 0
                                    

Chapter Twenty

*Pero di gaya kay Bon. . . She's not blushing* Bigla niyang naalala si Bon na nagbablush sa tuwing nginingitian niya o ninanakawan ng halik.

Matapos ay lumabas ng building. Gigil na gigil napahawak siya sa gitna ng mga hita at marahang pinisil ito.

"Damn! Her blushing face is turning me on!,".

Naka-glue na ata ang mga mata ni Bon sa pinto ng kwarto niya dahil lagi lang siyang nakatingin doon. Pumasok na ang mga nurse, labas-masok na 'rin si Carina dahil may kung anong binili pati na 'rin si Attriyu na napakabait sa kanya.

Binisita na 'rin siya ng mga kaibigan niya pero wala pa 'ring dumarating na hot and gorgeous Rowann Hughes. Napabuntong-hininga si Bon.

"Hmph, talo pa ang LPA sa lakas ng buntong-hininga mo," ani Carina.

"Heh!," ani Bon.

Biglang itinapon ni Carina ang cellphone kay Bon.

"Hoy ba't nananapon ka na ng cellphone?! Hmph, porke't mayaman tinatapon nang cellphone?," reklamo ni Bon na napapailing.

"Tama nang reklamo! Itapat mo na yan sa tenga mo!," sambit nito.

Dahan-dahan namang itinapat ni Bon ang phone sa tenga. Mga dalawang rings lang sinagot na nito ang tawag.

"Carina? Napatawag ka?," sabi ni Rowann sa kabilang linya.

*His voice. . . * Natigilan si Bon. *Pati boses niya maganda 'rin pakinggan kahit hindi kumakanta!*.

"Hey still there? Did something happen? Kumusta na si Bon?," sunod-sunod na tanong ni Rowann.

Napakagat-labi si Bon.

"Shet concerned siya sa'kin!", bulong niya sa kanyang sarili.

"Uhm, Rowann. . . si Bon 'to," sabi niya.

Tumahimik bilang ang kabilang linya.

*Ay ba't biglang tumahimik?*

"Rowann? Ay mukhang binaba na niya," dismayadong sabi ni Bon.

"Bon! No, no! I'm still here. . .," mabilis na sagot ni Rowann.

Si Bon naman ang natahimik wala siyang masabi, wala siyang maisip.

"Kumusta ka na?," tanong ni Rowann.

"O-okay lang naman," sagot ni Bon.

"Pasensya ka na mukhang hindi na ako makakapunta diyan nagkita kasi kami ng mga kaibigan ko tapos napasarap kaya. . . Late na at tingin ko hindi na pwedeng tumanggap ng bisita sa mga oras na'to ang ospital," tugon ni Rowann.

"Okay lang Rowann! Nandito naman si Carina ingat ka sa biyahe!," ani Bon at pilit na ngumiti para hindi makita ng kaibigan ang kanyang pagkadismaya.

"Okay, ikaw rin ingat ka!," sabi ni Rowann.

"Hmmm," tanging sagot ni Bon.

Then tumahimik na naman sila. Ilang minuto rin ang lumipas nang magsalita si Rowann.

"Bon?," tanong ni Rowann.

"Rowann?," patanong din na tugon ni Bon.

"Na-miss mo ko noh?," tanong ng binata.

Nanlaki ang mga mata ni Bon at napa-O ang bibig.

"H-ha? Sa'n mo naman nakuha ang ideyang 'yan?," tanong ni Bon na natatawa.

"Hmm instinct? hehe," sagot ni Rowann.

"Pero aminin. . . NA-miss mo ko noh?," pangungulit nito.

Unexpectedly, I Love You. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon