Chapter Seventeen

87 3 0
                                    

"Oh right, gutom ka nga pala!," ani Rowann sabay tapik sa noo.

Sinubuan siya ni Rowann.

"Ang awkward naman nito," sabi ni Bon.

"Huh? Anong awkward sa ginagawa natin?," tanong ni Rowann na handa na namang subuan si Bon ng malaking kanin with malaking ulam ontop 'rin.

"Na sinusubuan mo ko. . . Uhm, na inaalagaan mo ko," sabi ni Bon na nakatingin sa kamay niya dahil hindi siya makatingin kay Rowann.

*Awkward talaga ang moment na'to*

Gustong-gusto na niyang mag-face palm sa awkwardness and sa hiya.

"It's my duty to take care of you because it's my fault kung bakit nandito ka ngayon, well partly," anito.

Ngumiti na lang si Bon kahit na-disappoint siya sa sinabi nito.

*So kung 'di ako nagkaganito dahil tinulungan ko siya hindi niya ako aalagaan ng ganito? At wala siya sa tabi ko ngayon*

"Kaya masanay ka nang may nag-aalaga sa'yo dahil aalagaan kita sa ayaw mo't sa gusto," sabi ni Rowann na matamis ang ngiting iginawad kay Bon.

"Okay sabi mo eh," sagot ni Bon sabay kibit-balikat 'di niya kayang i-voice out ang disappointment niya.

*Pero atleast yummy ang personal nurse mo* sabi ng subconscious niya.

To the 100th level na ang ginawa niyang pagpigil sa sarili na huwag ngumiti dahil magtataka talaga si Rowann at magtatanong kung bakit nakangiti siya. Kaya pinigilan niya talaga ang sariling ngumiti.

Matapos maubos yung main dish pinainom naman siya ni Rowann ng coke pero ito pa 'rin ang nakahawak.

Ayaw niyang i-feel ang pag-aalaga nito sa kanya baka masanay siya't hahanap-hanapin pa niya kung wala na. Kung gumaling na siya. Habang iniinom niya ang kanyang coke pasimple niyang tiningnan si Rowann na kaharap ang cellphone nito at seryosong nakatitig doon.

"May problema ba?," tanong ni Bon nagtaas ng tingin si Rowann.

Kinuha sa kanyang kamay ang wala nang laman na baso.

"Nakakafrustrate lang kasi. . . ," simula ni Rowann sa malungkot na boses.

Hinintay ni Bon ang susunod na sasabihin ni Rowann.

"Look! Ang noong 500k followers ko sa Instagram naging 490 na lang?," dugtong nito sabay pakita kay Bon ang cellphone niya.

Malakas na bumuntong-hininga si Bon at napailing.

"Kung hindi lang nakabandage 'tong mga kamay ko binatukan na kita! Akala ko kung ano na! Ang O.A. mo ha!," sambit niya na medyo natawa.

"Siyempre sayang naman itong kagwapuhan ko kung ma-iignore lang," tugon ni Rowann na pa-pogi pose at kindat sa kanya.

*Kaya nga marami kang chicks eh*

"Wala naman sa dami ng followers mo, sa hitsura at pangangatawan lang talaga 'yan," sabi niya.

"Talaga? Gwapo naman ako diba?," tanong ni Rowann na tumayo.

Hindi sumagot si Bon.

"Maganda naman katawan ko diba?," kasunod na tanong niya sabay taas sa laylayan ng long sleeve nito.

Napalunok si Bon nang makita niya ang abs ni Rowann pati na 'rin ang makikisig nitong dibdib. Na nagpaalala na naman sa intimate encounter nila kanina.

"Pati 'rin ugali dapat maganda din ugali mo," sabi ni Bon at nilipat ang tingin sa loob ng supot ng McDonalds para 'di mapansin ni Rowann na pinagnanasahan na naman niya ito.

Unexpectedly, I Love You. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon