Chapter Two

524 7 0
                                    

Busy naman sa kakatingin sa mga sexy'ng babae ang mga ito. Looking for someone that they could spend the night with. Tahimik lang siyang nakaupo. Nakatingin din sa paligid nang may nahagip ang kanyang mga mata.  

Napabuka ang bibig ni Bon nang makita ang isang binatang parang filipino-american. Nalaman niyang fil-am ito dahil sa Golden brown nitong buhok, matangos na ilong, at perfectly shaped beautiful,butterscotch seductive eyes... Napalunok naman siya nang dumako ang tingin niya sa mga labi nito. He have a pink perfectly shaped and full lips. "Sis, Oh!!," sambit ni Carina sa kanya at inabutan siya ng San Mig Light. Hindi na siya nag-isip kung tatanggapin ba niya ito o hindi. Kapag nasa harap niya kasi'y gwapo ay minsan nalilimutan niyang mag-isip. Mabilis niya itong ininom.

Nagulat si Carina nang makita niyang si Bon na ini-one shot ang isang bote ng san mig light. "Sis? Sigurado ka sa ginagawa mo? Baka sumakit ang tiyan mo o ano ha?," aniya na nag-aalala. Hindi kasi talagang mahilig uminom ang kaibigan niyang si Bon pero ngayon ay biglang-bigla siya sa kanyang nakikita. Naisipan niya tuloy na bawiin ang binigay na San mig light sa kaibigan. Pero huli na ubos na ito.

Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya ng mga sandaling iyon at mas lalong bumilis pa nang makitang papunta ito sa table nila. "Sis. . . S-sin__," itatanong sana niya kung sino ito pero she couldn't find the words to say lalo na nang maamoy niya ang perfume nito na nakaka-akit, at 'di masangsang sa ilong. *Packing tape! Ang bango niyaaaa! Nakakatulo ng lawaaaaay*

Nakakahulog panty sabi pa ng ibang mga malanding babae sa gilid-gilid. "Amoy pa lang ulam na. . .". Napatingin si Rowann sa babaeng nakaupo sa pinakadulo ng sofa malayung-malayo sa mga kaibigan niya. Napansin niya ang pag-iwas ng tingin ni Bon sa kanya. "Hi bro!," bati niya kay Paul at sa mga kaibigan niya. Umupo siya sa tabi nito. *Tabihan ko nga. . . Loner naman nito* "Hi," bati niya kay Bon. Nagulat naman si Bon biglang napalingon sa kanya. "A-ako?," tanong ni Bon hindi makapaniwala na palingon-lingon pa, baka kasi mapahiya siya. Yung tipong akala niyang siya ang pinansin nito pero hindi naman pala. "Yeah you," sagot nito sabay turo kay Bon. Ngumiti naman si Bon.

Ilang sandali ang lumipas ay tahimik sila pero nakatingin pa 'rin si Rowann sa kanya. And she feels so beautiful because of it! *Ano ba naman 'to? Lage siyang nakatingin sa'kin...!? Takte, feeling beautiful nako... gooosh! hohooo! Nakakailang na! haha*. Isang lingon sa bata ang their eyes met na-mesmerized na naman si Bon sa ka-gwapuhan nito. He seductively smiled at her siya naman sa gulat at kilig napa-ngiti na 'rin. Pero naiilang pa 'rin siya sa mga tinging nanghuhubad nito sa kanya.

"U-uhm, Sis! Sa rooftop muna ako ha? Magpapahangin. . . Init na kasi dito," paalam niya pero kumuha naman ng isang bote ng malaking red horse. Hindi kasi siya komportable sa mga tingin ng mala-adonis na binata sa kanya. Pakiramdam niya kasi ay hinuhubaran siya. Sinundan ng tingin ni Rowann si Bon gusto niya itong akitin para mamayang gabi ay may makatabi siya sa kama.

"Bro, lagkit ng tingin mo du'n ah?," sabi ng kaibigan niya. "Hehe, Oo nga eh... I'm interested of her. . . ," sagot niya dito. Dumako ang tingin niya sa pageywang-geywang na chubby'ng pwet ni Bon. Hindi niya alam kung bakit but he find it sexy. Tumayo siya pagkatapos ng ilang minuto. "Yosi lang ako...," paalam niya. "sige!," sagot ni Paul. Umabot na sa rooftop si Bon at nakatingin sa langit na umiinom ng alak.

Napansin niyang habang tumatagal kasi ay sumasarap na ang bawat lagok. "Hayyy, Alam mo sir? Nakita ko 'yung right hand mo!," sambit niya sa madilim na kalangitan. "Hehe, Ang gwapo nga eh! Bakit mo naman pinababa? Nawalan ka na tuloy ng assistant!," sambit niya. Natawa si Rowann sa narinig niya biglang napalingon si Bon at uminom na naman. "Ayun!," sabay turo kay Rowann. Sinindihan ni Rowann ang yosi niya. "Ayun! Ang assistant mong anghel!!! Wahahahaha!!!," maligayang sambit ni Bon.

Napansin ni Rowann na lasing na ito dahil muntik na itong natutumba at lagi nang sumisigaw habang nagsasalita. "Sino ba 'yang tinatawag mong sir?," tanong niya kay Bon.

Unexpectedly, I Love You. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon