Chapter Three

436 7 0
                                    

"Ano ka ba?!," ani Bon na 'di makapaniwala sa tanong niya na kunot na kunot ang noo. "Hindi mo kilala si sir?! God!!! Anong klaseng right hand ka!!!," sigaw ni Bon napataas na ng isang kilay si Rowann at nasapo ng kamay ang noo niya. "May sira ata ang babaeng ito ah!," sabi niya sa kanyang isipan.

Pero natatawa pa 'rin siya sa mga pinagsasabi nito at kinikilos. Nilapitan siya nito. "Si sir, 'Yun siya si God! Jesus Christ!," paliwanag niya kay Rowann. "Diba he sends you to earth to bring justice to single women like me???," dugtong niya at tumawa. Napatawa rin si Rowann habang nagyoyosi.

"So, anghel pala ang tingin mo sa'kin?," ani Rowann. Tiningnan ni Bon si Rowann at nang hindi makuntento'y hinawakan na niya ang mukha nito ng dalawang kamay niya. "Hmmm, more than that I guess," sagot niya. Rowann chuckled seductively. Bon frowned when she saw his cigarette. "Ba't ganu'n?," aniya sabay kunot ng noo naman at atras palayo. Hinarap ang kalangitan. "Pati anghel naninigarilyo?! Ang panget! Ang panget talaga!!!," sigaw niya winawagayway ang mga kamay niya na ang isa ay may hawak-hawak pang bote ng red horse. "Hindi mo ba alam na magagalit si sir niyan?! Naku! Mapaparusahan ka niyan!!," pananakot niya dito. Nakatayo lang si Rowann nagyoyosi at natutuwa sa mga pinagsasabi niya.

"Pa'no niya 'ko mapaparusahan kung nasa langit siya at ako nasa lupa? Kalokohan yang sinasabi mo! Hindi mo ba alam na pati 'yang sir na tinatawag mo! Nagyoyosi din! He's even a womanizer!!!," nakakalokong tugon ni Rowann. Lumingon si Bon sa kanya lumalim ang tingin at sinugod siya. Kinabahan siya baka anong gawin nito sa kanya.

Laking-gulat niya nang kunin nito ang hinihithit niyang yosi at pinutol sa harap niya at itinapon sa lupa at tinapak-tapakan. "Tsk! That was even my last one!," reklamo ni Rowann. "Wag na wag kang magsasabi ng ganyang bagay tungkol kay sir! or else. . . ," seryosong-seryosong sabi ni Bon sa kanya.

"Bakit? Anong gagawin mo?," pakli niya at mas inilapit ang katawan kay Bon. Nagulat si Bon mabilis siyang napaatras pero uminom na naman ng alak pampadagdag lakas ng loob. "Wag kang lalapit!," aniya pero 'tila walang narinig si Rowann sugod pa 'rin siya ng sugod kay Bon habang atras pa 'rin siya ng atras. "F*ck!," sambit ni Bon nang makasandal siya sa half wall ng rooftop. Iniharang ni Rowann ang dalawa niyang mga kamay napatingin si Bon sa mga braso ng binata.

"Ano? Anong gagawin mo?," tanong ni Rowann sa malambing at kaakit-akit na boses. Napalunok si Bon sasagutin sana niya ang tanong nito pero nalimutan niya kung anong isasagot niya dito. Hindi siya makahinga nang maayos lalo na at magkalapit ang mga mukha nila. At ang mga katawan nila ay parang 3 inches apart from each other na. "Kung ako ang tatanungin mo... Ito ang gagawin ko sa'yo," tugon ni Rowann at inilapat na ang katawan sa katawan ni Bon. Nanigas si Bon at tumigil sa paghinga at medyo nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwalang nangyayari ito.

*HOOO!!! Is this really it??!!! Megheeeed! Siya na ba talaga ang Peeeerst kiss ko?? Nagtoothbrush naman ako kanina hehehe :">* Lalo na at nakita niyang yumuko na ito at inilapit ang napakagwapong mukha sa mukha niya. At inilapat din ang malambot nitong labi sa kanya. First he kissed her gently then slowly he became wild. Kinagat-kagat at sinisimsim ni Rowann ang lower lip niya then her upper lips next. Wala siyang ibang nagawa kundi ang mapabuka ng bibig to breath.

Wala siyang kaalam-alam sa pinaggagawa nito sa kanya. *God! He was a good kisser!,* sigaw niya sa kanyang isipan. *Pero ako hindi :'(* dugtong niya sa kanyang isipan. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang pumikit. She was feeling hot already lalo na nang simulang laru-laruin ng dila ni Rowann ang mga labi niya then put it inside her mouth trying to push her teeth apart. Nahihilo siya.

Umiikot nang mundo niya. Mahina niyang itinulak si Rowann. "Bakit?" tanong ni Rowann trying to kiss her again pero itinutulak talaga si Bon palayo. "Hey," tawag ni Rowann na hinahawakan pa rin ang dalawang balikat ni Bon.

Mabilis na napahawak si Bon sa kanyang bibig. "Uuuurgh! Uuuurrrrgggghhhh!!!! UwaaaaaarrrrrggggghhhhHh!!!!!," suka ni Bon. "What the hell?!," sigaw niya nang sukahan ni Bon ang suot niyang damit. 

Unexpectedly, I Love You. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon