#6 - Lagot Nawawala!

211K 2.7K 186
                                    

Chapter Six
Lagot, nawawala!

(Franzes' POV)

Hmmm, anong sasabihin kong palusot sa kanila? Kasi naman, di ko alam na bebente na lang pala ang pera ko. Eh kung mag-cornetto na lang kaya ako? Sabihin ko na lang sa kanila na mas gusto kong mag-ice cream na lang.

"Hoy! Anong problema mo? Bakit ganyan ang itchura mo?"

"Ah Kyle, wala wala. Kasi ano... magko-cornetto na lang pala ako. Mas ano, parang mas trip kong yun na lang ang kainin ngayon."

"Tss." Nilagay niya yung dalawang chicken joy, dalawang sundae, dalawang large fries, at dalawang float sa mesa at saka umupo sa harap ko.

"Wow, ang lakas mo rin pala kumain Kyle!" garabe pala 'to dala-dalawa order.

Pinitik niya yung ilong ko. "Tanga! Pareho kayo ni Len. Sayo yan, kung ayaw mo, wag mong kainin."

HANU DAW? Nagmistulang fireworks naman yung mga mata ko! Weeeehihihihi! Binilhan niya ako ng pagkaen! Enebeyen, pasimple lang siya magpakilig. Infairness effective naman! Di ko mapigilang di mapangiti.

"Tsssk. Wag mong bigyan ng kahulugan yan. Alam kong wala ka ng pera. Wag kang ngumiti-ngiti jan."

Ngumiti na lang ulit ako sa kanya. Speechless eh. Wihihihi!

Akmang tutusukin na niya yung chicken pero pinigilan ko. "Teka! Pray muna tayo!"

Tumaas yung kilay niya. Cute. "Ha? Kelangan pa ba nun? Daming arte!"

"Di naman kaartehan yun eh. Kailangan yun Kyle. Dapat laging nagpapasalamat sa blessings ni Lord. Alam mo ang swerte mo nga eh kasi maginhawa ang buhay niyo, naiibigay lahat ng gusto mo, at mukang wala ka ring kaproble-problema sa buhay. Samantalang kami kapos. Pero kahit ganun, kuntento na ako kasi nanjan naman ang pamilya ko sa tabi ko. Sapat na rin saken na mahal nila ako, pero syempre ang sakit pa rin sa loob ko na makita silang nahihirapan para lang buhayin kami. Kaya kailangan kong mag-aral ng mabuti para naman mabigyan sila ng magandang buhay, yun lang kasi ang tanging kayamanang pinanghahawakan ko ngayon. Waaa, sorry ang drama. Tara pray na tayo."

Ipinorma ko yung mga kamay ni Kyle, yung intertwined, basta yung porma ng kamay may nagdadasal. Tapos hinawakan ko naman yung mga kamay niya, sabay kaming magdadasal. Pumikit ako.

"Lord, nagpapasalamat po kami sa biyayang nasa harapan namin ngayon. Thankyou po kasi hindi niyo po kami pinapabayaang magutom, lagi po kayong naghahanap ng way para makakain kami ng ilang beses pa sa isang araw. Lord, nagpapasalamat rin po kami dahil sinuportahan niyo po kami sa kakatapos na AcadChallenge, hindi po namin yun maipapanalo kung hindi na rin dahil sa inyo. At ang saya saya rin po kasi sa halos lahat ng subjects ay hindi lang po ako ang nagwagi, kundi kahati ko pa po si Kyle. At para sa opportunity pong ito na maagkasama kami ngayon at magsasalong kumain, maraming maraming salamat po. Amen."

Ngumiti ako sa kanya. "Tara kain na!"

Sobrang saya ko ngayon. Prang dte lang nag-iimagine akong kasama ko mag'lunch si Kyle, pero ngayon... totoong totoo na!

Kinuha ko yung resibo. "Ah Kyle, salamat pala ah. Wag ka mag-alala, babayaran kita kapag naka-ipon na ako."

"Forget it. Wag mo ng bayaran, hindi naman ako nagpapabayad eh. Kumain ka na lang ng kumain." Sabi niya sakin na bahagyang ngumiti Wahaha! Huli ko yun! Ngumingiti naman pala talaga 'to eh.

Habang kumakain, bigla kong naisip yungnangyari kahapon sa Geometry challenge. Ang totoo niyan, alam ko naman talaga yung sagot pero pinaubaya ko na lang kay Kyle kasi sobrang nakakatakot na siya, parang may black aura na talagang bumabalot sa kanya nun, tapos kung tignan niya pa ako parang nakikita ko na sa mga mata niya yun R.I.P Franzes eh. Ramdam kong sobrang yamot na siya nun kaya minali ko na lang yung sagot ko.

Take It or Leave ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon