#7 - Fishy

208K 2.8K 284
                                    

Chapter Seven
Fishy

Ahhhhhhhhh! Napapasabunot na lang ako sa sarili ko.

Bakit ko nga ba siya iniwan? 

Naglibot-libot pa ako at...

Nakita ko siya sa tabi ng kalsada. Nakaupo. Nag-iisa. At kumakain ng...

Fishballs? On stick.

Whoa, 20pesos na nga lang pera niya pero nagawa pa rin niyang kumain ng ganun. Napangiti ako. I also felt relieved na malaman na ligtas siya. Pero may mga dumating na mga babae... teka, mga kaklase ko yun ah!

Itinayo nila si Franzes, at biglang...

Sinampal.

Di na ko nakapagpigil! Lumapit ako dun sa tatlo kong haliparot na kaklase. Tinago ko sa likod ko sa Franzes.

“K-kyle,” sabi ng mga uod na ‘to.

“Oo ako nga! Pwede ba tigilan niyo siya?”

“Bakit Kyle? Sino ba siya?!! Di mo ba napapansin na pasimple ka lang niya kung landiin?”

“HINDI NIYO SIYA KILALA! KAYA PWEDE BA? LUBAYAN NIYO NA SIYA kung ayaw niyong gawin kong miserable ang mga buhay niyo sa The Academy! NAIINTINDIHAN NIYO?!!” Dinuro-duro ko sila.

“Bakit nga?! Bakit mo siya pinagtatanggol? Sino ba siya? Ano ka ba niya?” Aisssh ang kukulit.

“She’s... she’s nothing! Okay? I just don’t want to see fights like this. DAHIL NAKAKAIRITA! Mga kababaeng tao niyo pa naman! Kaya please lang? GET LOST... FOR GOOD!” Takot na takot silang tumakbo at pumasok sa kotse nila. Sigawan ko ba naman, ewan ko na lang.

Lumingon naman ako sa likod ko para kausapin si Franzes pero naglalakad na siya papalayo. Hinabol ko at hinawakan sa braso. “Franzes.”

Pagkalingon-lingon niya ay nakaramdam ako ng galit sa SARILI ko, umiiyak siya at yun ay dahil sa kagagawan ko.

Niyakap ko siya. Kung alam niyo lang kung gaano akong nanghina kaninaa nung nakita ko siyang sinasaktan ng mga yun. Oo, ayokong nakakakita ng mga babaeng umiiyak, at ayoko ring nakakakita ng mga babaeng sinasaktan.

“Franzes, ssshhhh, don't cry please. I’m sorry, I’m so sorry. I’m so stupid to leave you alone. I’m just spaced out kanina, naiinis ako kila Len at Codyne, hindi na ako nakapag-isip ng matino kaya nagawa ko yun. And I’m sorry not just for what happened today but for all. At yung mga sinabi ko sa mga babae kanina, I just said that para lubayan ka na nila. Sorry Franzes.” Kumawala na ako sa yakap at pinunas yung mga luha niya.

“Masakit pa ba?” hinawakan ko yung magkabila niyang pisngi. Kitang kita naman ang bakas ng pamumula. 

“Ah h-hindi okay lang. Maya-maya wala na ‘to. Thank you Kyle.” She said with a weak smile at niyakap ulit ako ng mabilis. Kahit ngayon ko lang siya naka-interact ng ganito feeling ko we're already close friends. Tss. Weird ng feeling.

Take It or Leave ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon