#48 - Flame of Love

134K 1.6K 84
                                    

Chapter Forty Eight
Flame of Love

(Taragis! Sumagot ka sumagot ka--.)

(Oh parekoy easy! Baket?)

(May ipapaimbistiga ako sayo Len.)

(Parekoy muka na ba akong imbestigador ngayo--)

(May nakaambang na panganib kay Zes.)

(ANO? Oh game ano na ngang pangalan?)

(Kobayashi.)

(Parekoy joke time ba 'to?)

(Taragis eh kung gilitan kaya kita?)

(Sabi ko nga seryoso ka eh. Anong first name?)

(Hindi ko alam.)

(Eh pano natin kaya mahahanap yun. Ang daming Kobayashi sa Pilipinas!)

(Alamin mo nga!)

(Anak ng! Punta nga ako jan! Abangan mo na ko sa gate! Nakooo parekoy! Sakit ka sa kagwapuhan!)

Nakaraan lang ang ilang minuto ay nakarating agad si Len. Pumunta kami sa kwarto ko.

Kwinento ko sa kanya ang lahat ng narinig kong usapan kanina. Na nalulong sa sugal ang mga magulang ni Zes at wala na silang magawa kundi isuko ang lahat at maaari pang madamay si Zes sa isang maling desisyon lang nila. Dagdag pa riyan na mukang mapupusok at tuso ang mga demonyong yun. Lalo na yung Giro na yun! Nakakagigil. Sarap balian at basagan ng bungo. Aalipinin daw ba niya ang Zes ko? Iniisip ko pa lang kung anong klaseng kababuyan o pagpapahirap ang gagawin niya sa mahal ko nadudurog na ako eh. Peste talaga.

"Kobayashi.. hala ang hirap naman nila i-google parekoy!"

"Ano lang ba nakalagay?"

"Sila ang tinaguriang hari ng casino. Lagi sila sa casino kung saan madalas ang mga magulang ni Franz. Marami rin silang ari-arian. Grabe, Napoles ata ang drama nila pare eh. O mas malupit pa don. Basta parekoy, summary.. napakayaman rin nila. They're Japanese."

"Pambihira. Yun lang? Malakas ang kutob kong may mas higit pang impormasyon tungkol sa kanila eh. Len wala ka bang kilalang makakatulong satin? Sige na please. Pag wala akong nagawa sa problemang ito ng pamilya nila, para na rin akong namatay."

"Ang OA mo parekoy! Relax! Huminahon ka lang. Magagawan natin yan ng paraan. Sige sige, hahanap ako. Yung pinakamagaling pang imbestigador kung gusto mo eh."

"Salamat Len."

"Wala yun. Tayo tayo lang rin naman ang magtutulungan eh. Sa ngayon bantayan mo na lang muna si Franz mo. Ang intindihin mo muna ay yung pag-iibigan ninyo. Grabe forbidden na tragic ang drama ninyong dalawa ah. Daig pa sina Romeo at Juliet, pati sina Jack at Rose. Kinakaya mo pa ba parekoy?"

"Oo kakayanin."

"Osige, babalitaan na lang kita tungkol sa mga kontrabidang yan ng love story niyo ha??"

"Sige pre. Salamat ulit."

Umalis na si Len. Naiwan ako ngayong nagtititig sa kwarto. Hindi ko na malaman kung ano ba ang una kong gagawin. Gusto ko sanang sabihin kay Zes ang lahat ng nalaman ko pero mukang hindi pa ngayon ang magandang pagkakataon. Masyado nang maraming nangyari ngayong araw. Baka lalo lang siyang malungkot o madepress. Ayoko siyang nakikitang ganun. Ayoko.

Palakad-lakad ako sa kwarto, gulong-gulo na ako. Pano pala kaya pag hindi ko narinig ang lahat ng iyon, ano na lang ang mangyayari? Magawan nga kaya ng paraan ng mga magulang niya ang gulong pinasok nila? Grabe, pakiramdam ko pasan ko na rin ang problema ng buong pamilya nila eh.

Take It or Leave ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon