#17 - Saturday and Sunday

181K 2.1K 222
                                    

Chapter Seventeen
Saturday and Sunday

Saturday.

Bakit parang ang bilis lumipas ng oras? Sigh. Parang kaninang umaga lang ako pa ang mismong nanggising kay Zes. Aba, mantakin mong 7am na, tulog pa rin? Samantalang ang linaw ng usapan namin na 7am sharp. Yan tuloy, ako na ang pinagising ng ate’t kuya niya sa kanya. Gulat na gulat pa siyang makita ako sa tabi ng kama niya eh. Gulo gulo pa buhok. Hahahaha!

Ikinain ko muna siya ng breakfast syempre. After naman nun, we went straight sa mansion. At ano pa nga bang aasahan namin pagdating? Sinalubong lang naman kami ng aking complete family na para bang abot langit na ang mga ngiti. Pinakilala ko siya kila mommy bilang kabarkada namin nila Codyne. Bago pa siya i-hot seat nila mommy eh dinala ko na siya sa KWARTO KO. Anong nangyari samin sa loob? Syempre alam niyo na yun kung ano. Censored! Ginawa na namin.

Ang mga assignments at kelangan niyang i-review. (utak paki-vacuum)

Inabot kami ng tanghali. Tama lang. Di naman ako nahirapan kay Zes kasi matalino naman siya eh. Sa bahay na kami ni lunch kasama ang buong pamilya ko. Garabe. Ang saya ata nila? Buti pa sila masaya. Samantalang ako, problemado na dahil bilang na ang mga oras naming dalawa.

After lunch, akala ko masosolo ko na si Zes at makakapaggala na kami... pero itong bulilit kong kapatid... niyaya pang maglaro si Zes. Si Zes naman tinitignan ko na ng masama, pumayag pa rin kay Kyla. Haay.

Mga 3pm siguro sila natapos maglaro. SA WAKAS! Hinila ko na agad si Zes at dinala sa... mall. Wala akong maisip eh! Saka first time naman namin mag-mall. Lahat ng first time namin, susubukan kong gawin sa loob ng araw na ‘to hanggang bukas.

***

Sa mall.

“Zes, gutom ka n---“ napatigil ako sa pagtatanong nang makita kong wala na sa tabi ko si Zes. Hala san nanaman nagsusuot yung babaeng yun?

“Zes! San ka hoy?”

“Zeeeees!”

“Ze---“

Ayun pala. 

Nasa toy store. Bata talaga. 

“Zes, alam mo bang kanina pa kita hinahanap? Bigla bigla ka na lang mawawala sa tabi ko.”

“Ah hehehe, sorry Kyle. Sorry pinag-alala pa kita.”

“Asa ka naman! Mamaya kasi niyan mawala ka tapos ako sisisihin ng kuya mo.” Syempre palusot ko lang yan.

“Tss. Oo na. Sorry na talaga bossing.”

“Ano ba kasi yang tinatangahan mo? Poke ano na nga yan? Poke?”

“Bibig mo hoy! Bastos ‘to! Pokemon! Di mo kilala si pikachu?”

“Sorry naman. Bakit ba? Ahhh kaya pala.”

“Kaya pala ano?”

Take It or Leave ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon