Aura

825 17 0
                                    

(Yeah boy! 1st year high school na ako! Binata na ako, wahaha!) Minsang hindi kami inakyat ng teacher namin, (sa 4th floor kasi ang room namin) kami ang pinababa niya sa classroom niya sa 2nd floor, 4th year ang advising class niya. Last period na namin samantalang ang 4th year ay labas na ng 3:40 kami naman ay 4:20 pa. May tatlong 4th year na nakatambay sa room ni Ma'am Mimi (ang teacher namin sa english). Yung isa dun ay parang kamukha ni Jodi Sta Maria, ampungay kasi ng mata, basta maganda. Napansin ko lang na mula ng pumasok kami ay wala ng ginawa ang tatlong iyun kundi ang magbulungat at maghagikhikan. Ewan ko ba pero malakas ang pakiramdam ko na ako ang pinag-uusapan nila, feelingera na kung feelingera pero basta yun talaga ang feeling ko. Maya-maya ay may kumalabit sa akin, paglingon ko si Vanessa, (classmate ko mula grade 5 hanggang ngayon, tomboy din pero di kami close).

"Bakit?" Tanong ko.

"Tawag ka nun!" Sabi sabay turo dun sa tatlong itlog.

Sino naman kaya sa tatlong yun ang tinutukoy ni Vanessa? Parang sagot ay kinawayan ako nung nasa gitna maliit lang sya, well halos magkaka-height naman silang tatlo. Ngumiti na lang ako dahil hello naman nasa classroom kaya ako, naglelecture ng what-so-ever ang teacher ko sa front kaya di ko feel makipag meet and greet, no! Bago ko ibinalik sa unahan ang tingin ko ay napansin ko pang nagsisikuhan yung tatlo at nagpapaltukan na parang kinikilig na ewan. Hindi ko na sila gasinong pinansin at gawa ng ako'y parang naiilang na. Nang i-dismiss kami ni Ma'am ay inayos ko na ang gamit ko ng lumapit sa akin si Vanessa.

"Hoy, Shannon crush daw ni Aura!"

Nagtataka namang nilingon ko siya tapos inginuso niya yung tatlo, muli kinawayan ako nung babae kanina. Tumango na lang ako, di ko intensyon na magsuplado talaga lang hindi ako komportable sa presence niya at ng mga tropapits niya.

"Kanina pa nun pinagtatanong ang pangalan mo!" Tuloy na sabi sa akin ni Vanessa. "Patusin mo na! Maganda din naman si
Aura, eh!"

Ngali-ngali ko ng bigwasan si Vanessa sa kakulitan, at last tapos na ako magligpit. Naglakad na ako palabas ng room pero may humarang sa akin sa pinto, pagtingin ko ay ang 'Mimi's Angel'. Tiningnan ko silang tatlo particular si Aura na parang aning na nakangiti sa akin. Napagtanto ko na tama si Vanessa, maganda nga si Aura- naka clam ang buhok nito pataas, bumbayin ang mga mata na may malalantik na pilik, maliit lang ang ilong pero hindi pango, manipis ang labi, at maganda ang mga ngipin, tapos sexy kahit hindi gasinong katangkaran, pero napansin ko lang- hindi siya kutis mayaman alam nyo yun? Yung parang magaspang ang balat- tingin ko lang naman, ewan ko pag hinawakan.

"Hi, crush! Anong pangalan mo?" Nakangiti niyang bati at tanong sa akin.

"Shannon!" Matipid kong sagot.

"Alam mo ang cute mo! Ako nga pala si Aura!"

Ang sabi saka inoffer nya ang palad niya sa akin, tinanggap ko na lang ang pakikipag-kamay nya. Infairness malambot ang palad niya, nang bitawan ko ang kamay niya ay nilampasan ko na sila ng mga barkada niya.

"Uuwi ka na ba?" Habol na tanong niya.

'Malamang! Uwian na, eh!' Ngali-ngali kong ibulyaw sa kanya pero sa halip ay sumagot na lang ako ng 'Oo' ng hindi lumilingon. Dumiretso na ako sa hagdan, narinig ko pa ang pahabol niyang sigaw na mag-ingat daw ako. Halos araw-araw ay nagpapa-pansin sa akin si Aura pero wala, eh hindi ko siya feel! Pero pag nasa mood ako pinapatulan ko ang hayagan niyang pakikipag flirt sa akin. I allowed her to kiss me pero sa cheeks lang, haha!

Assuming na Old Maid.comWhere stories live. Discover now