Ivy (Nhie)

275 8 1
                                    

Naging classmate ko si Ivy sa isang subject, irregular 3rd year ako at siya ay 1st year. Di ko siya gasinong pinapansin dahil sa totoong buhay ay may pagka snob ako. Ang alam ko ay may friends siya na classmate din namin sina Cindy at Teresa. One time nung may exam kami na maaga akong natapos ay pauwi na sana ako pero nakasalubong ko yung isang friend/brod namin ni Mirriam dati, si Joriel. Inaya niya ako sa kanila mag-iinom daw tinanong ko kung sino ang mga kasama sabi niya yung ex daw niya at yung mga friends ng ex niya. Si Cindy pala ang ex na tinutukoy niya, inaya na din ako nina Cindy at Ivy na sumama. Sa huli ay pumayag na din ako pagdating namin sa bahay nina Joriel ay wala ng marami pang seremonyas nag-umpisa na agad ang session. Kainuman din namin ang isang kapatid at pinsang lalaki ni Joriel. Nilalandi pa nga ako ng pinsan ni Joriel na hindi ko na matandaan ang pangalan nag-eenjoy naman ako sa kanya ka hinahayaan ko na lang siya. Nang medyo may tama na ako ay magkatulong na dinala ako ni Joriel at ng pinsan niya sa kwarto, umalis din naman agad si Joriel at kami lang ng pinsan niya ang naiwan doon. Mapusok ang pinsan ni Joriel na hinahalikan ako habang kung saan-saan gumagala ang kamay sa katawan ko. Hindi ko naman siya pinigilan nakapikit lang ako at patuloy na nagpapaubaya. Maya-maya ay naramdaman kong tumigil siya sa paghalik sa akin at umalis siya sa tabi ko para pa ngang may narinig akong kalabog at sagutan pero wala pa din akong pakialam sa paligid ko saglit pa at muli siyang bumalik sa tabi ko at pinagpatuloy ang paghalik sa akin this time ay nagmulat na ako at nawala ang kalasingan ko ng makita ko kung sino na ang kahalikan ko, si Ivy! Shock! Confused! Yan ang nararamdaman ko. Bakit si Ivy na ang kahalikan ko? Nalaman kong pinalayas na pala ni Joriel ang pinsan niya pero wala na akong pakialam dun, ang gusto kong malaman ay kung ano ang ibig sabihin ng ginawa ni Ivy sa akin. Kinabukasan ay katext ko si Ivy pinag-usapan namin yung nangyari at hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at tinanong ko siya kung gusto niyang maging girlfriend ko pumayag siya. Si Ivy ang 1st official girlfriend ko bumili pa ako ng couple ring para sa amin. 17 years old lang si Ivy noon at ako ay 20, siya ang nakakuha ng virginity ko, as in yung may dugo. Pero may malaking problema sa katawan ni Ivy- di ko alam kung bakit siya ganun pero tinanggap ko siya at minahal ngunit after 7 months ng masaya naming pagsasama ay na feel ko na niloloko na niya ako kaya naman nakipag break na ako sa kanya pero muli din niya akong binalikan. Pumayag naman ako pero may kundisyon- magiging kami ulit pero hindi niya pakikialaman ang pakikipag relasyon ko sa iba. Pumayag naman siya- kaya natuto na akong maglaro at magloko!

Assuming na Old Maid.comWhere stories live. Discover now