Ferdie

209 5 0
                                    

Isa rin si Ferdie sa mga loyalist suitor ko, high school pa lang ako ay kursunada na niya ako. Matanda siya sa akin at Criminology ang course niya. Mabait naman si Ferdie kahit pa nga mukha siyang hoodlum, dati nga napapayag ko siyang mag donate ng dugo para sa project ko sa N.S.T.P. hindi ko type si Ferdie pero pumayag akong maging girlfriend niya dahil mag-iinarte pa ba naman ako, eh siya kaya ang unang lalaking naka-virgin sa akin, kaya gorabels na, (kami pa din ni Ivy ng mga panahong yan.) Nadala na din niya ako sa bahay nila at ipinakilala sa pamilya niya pero halata ko na hindi ako type ng buong pamilya niya, (eh, kiber ko naman, wala naman akong balak na maging part ng family nila.) Nung time na kailangang-kailangan ko ng pera pandagdag sa thesis ko ay wala na akong ibang malapitan kundi siya, Pulis na siya noon at sa Mindoro sya naka assign. Hindi ako nagdalawang salita sa kanya, pinahiram niya ako at pagkabigay niya sa akin ng pera ay sa motel niya agad ako dinala, hindi na ako pumalag dahil hindi naman ito ang unang beses na nag motel kami and besides girlfriend naman niya ako. Hanggang sa maka-graduate ako at magka-trabaho ay boyfriend ko pa din siya. Si Ferdie ang pinakamatagal kong nakarelasyon dahil madalas naman ay nasa duty siya kaya minsan lang kami magkita pero kung hindi siguro, I doubt kung tatagal kami. Madami akong naging mga boyfriends at mga girlfriends habang kami ni Ferdie. Tingin ko naman alam niya iyon kasi lagi niyang sinasabi sa akin na basta wag lang daw akong papahuli at basta pag andyan siya ay kanya ako. Nagkasundo naman kami kahit pa nga uuwian lang niya ako para paputukan. Inalok niya ako dati na magpakasal pero hindi pa ako handa at hindi talaga ako sigurado sa kanya. After 2 years nakipaghiwalay na ako sa kanya ng tuluyan dahil kay Melanie.

Assuming na Old Maid.comWhere stories live. Discover now