Angela

179 3 0
                                    

Si Ma'am Angela ang Line Leader namin. Mabait naman siya sa akin at mapagpasensya kahit pa nga minsan ay may kasungitan siyang taglay. Hindi ko nga akalain na magiging close kami, eh. Tapos dumating yung time na sumasabay na siya paminsan-minsan sa pagkain namin and take note, pag sasabay siya ay sa akin pa talaga siya nagsasabi. Minsan tinitreat ko siya, ewan ko lang ha, pero feeling ko sa akin lang siya palagay ang loob. Kasi nung minsang masama ang lasa niya ay sa pwesto ko siya pumunta para dumaing, syempre nag-alala ako. Nung umuwi nga ako tinext ko pa siya at nagreply naman siya sakin na wag na daw akong mag-alala dahil kaya pa naman daw niya. Nung Christmas party namin isinabay ko siya, kami lang dalawa, hindi ko kasi matiis na mahirapan siya kaya pinagbitbit ko siya ng mga regalo sa kanya. Nung minsan namang umabsent siya ay sa akin siya nag text para ipaalam ko sa Foreman namin, nakatext ko pa nga siya kahit nagtatrabaho ako, kaya naman nagkamali ako sa ginagawa ko pero okey lang. Parang Ate ko na siya at kahit napakadami kong nagawang mga kabalbalan, e parang okey lang sa kanya. Masasabi ko ngang spoiled ako sa kanya, eh. Tapos nung minsan namang napakasakit daw ng ngipin niya ay sa akin pa din siya lumapit tapos umiyak pa siya, syempre pandi-alo naman ako sa kanya. Madami pa akong naging moment na kasama siya pero I don't think may meaning yun sa kanya kasi may asawa at anak na siya, eh. Si Angela ang dahilan kaya nag-AWOL ako sa trabaho, kasi hindi na siya ang LL namin. Ayoko mahiwalay sa kanya kaya nag-AWOL na lang ako. Pinuntahan pa nga daw niya ang asawa ng pinsan ko para sabihing mag-resign daw ako ng ayos pero ayoko ng bumalik dun, kaya yun.

Assuming na Old Maid.comWhere stories live. Discover now