Flings pa rin

161 3 0
                                    

=Niel=

Nakilala ko si Niel ilang buwan bago ako grumaduate. Dakilang tambay siya sa tindahan sa labas ng school namin. Ang alam ko ay may trenta na siya at coordinator ng hindi ko alam kung anong produkto ang trabaho niya, kaya nga hawak niya lagi ang oras niya. Tapos sabi niya sa akin ay naging textmates at mag jowa daw sila dati ni Cindy. Mabait naman si Niel kahit hindi siya gwapo. Nagwo-work na ako ng ligawan ako ni Niel at hindi na ako nagdalawang isip pa, nagrerebelde pa din kasi ako kay Ivy kaya sinagot ko na din si Niel pero syempre nilinaw ko sa kanya na hindi niya ako solo, may Ferdie, Ivy, Vincent, Jhona, Jay, at Roilan pa kako ako. Pumayag naman siya, sino ba naman kasi ang hindi papayag sa isang laro? Pero malas lang niya, nung magparamdam kasi siya ng interest sa katawan ko ay nakipagbreak na ako agad sa kanya. Hindi ko kasi feel ang mga hawak nya, eh. Makapanindig balahibo ba. (Haha)

=====================
=Albert=

Ang dimple ni Albert ang bet na bet ko, basta ngitian lang niya ako ay kinikilig na ako. Bagger din siya, ka batch niya si Roilan pero hindi naging kami ni Albert dahil sira na ang image ko sa supermarket. Alam na kasi nila na may boyfriend nga ako, good thing hindi nila alam ang lesbian side ko. Okey na din dahil naging friends din naman kami ni Albert at lagi siya ang nagbabag sa akin at nginingitian niya ako. Alam niyang crush ko siya at feeling ko sinasadya niya ang magpa cute sa akin palagi. (Haha)

=====================
=Marlon=

Mas nakakatandang kapatid ng ex kong si Marvin si Marlon at kabaligtaran ng torpeng si Marvin ang manyakis na si Marlon. Madalas niya akong dalawin sa bahay para lang humingi ng halik. Well, hindi pa daw kasi siya nakakaranas magka girlfriend at kung pwede ko ba daw siyang turuan. Katuwaan ko lang kaya pumayag akong maging 'private tutor' niya. Agresibo at puno ng kalibugan sa katawan si Marlon kahit pa nga halatang-halata na wala pa siyang experience pero hindi ako pumayag na makipag sex sa kanya dahil ayokong ma chismis sa kanya at saka hindi ko siya type talaga, no!

Assuming na Old Maid.comWhere stories live. Discover now