Lovers

202 4 0
                                    

=Aileen=

Si Ma'am Aileen ang nagtrain sa amin. Una pa lang crush ko na siya, napaka cute niya kasi, para siyang bata na napaka fragile, she look so innocent kahit pa nga 26 na siya. Graduate din daw siya ng Education pero hindi pa daw niya nararanasang magturo dahil dito na daw siya sa supermarket nakapagtrabaho, pioneer siya. Napakabait din ni Aileen at may kasweetan din siyang taglay. Madalas ko siyang itreat at bigyan ng mga regalo, ang huli ko ngang gift sa kanya ay isang silver bracelet, daig pa niya si Jhona na girlfriend ko dahil wala akong kahit ano na binigay kay Jhona. Masaya na akong makita at makasama si Aileen. Ang kulitin siya ang past time ko. Ewan ko kung alam niya ang feelings ko for her pero palagay ko naman e, alam niya hindi lang niya pinapansin dahil may boyfriend siya.

=====================
=Jojit=

Si Jojit ang boyfriend ni Ma'am Aileen. Paano kami nagkakilala? Ganito yun, hindi pa man ako nag-iistart sa trabaho ay kinuha ko na ang number ni Aileen sa kaibigan kong si Mejie, nagtrabaho din kasi siyang cashier sa supermarket at naging close sila ni Aileen. Madalas akong magpasa ng quotes kay Aileen, one time nagtext siya sa akin gamit ang number ng boyfriend niya at doon nagsimula ang lahat. Tinetext na ako ng madalas ni Jojit, ang akin naman ay curious ako kung ano ba ang nagustuhan sa kanya ni Aileen na wala ako. Dumating yung time na dumalaw siya kay Aileen para lang kitain ako, ayos din ano! Inaya nya akong mag sex, pumayag ako dahil pa din sa curiousity ko. Buti na lang magkaiba kami ng shift ni Aileen dahil sinusundo ako ni Jojit and after niya ako maihatid ay ang girlfriend naman niya ang sinusundo niya. Ilang beses pang may nangyari sa amin at nagagalit ako kay Jojit dahil niloloko niya ang mahal ko! Gusto ko sanang sabihin iyon kay Aileen pero natakot ako na magalit siya sa akin kaya nanahimik na lang ako. Hanggang sa ma-end na ang contract ko ay lagi pa din akong tinetext ni Jojit. Nakailang palit na din ako ng cellphone at sim card pero sa tuwina ay nalalaman niya ang number ko. Hanggang ngayon nga may superpowers pa din siya dahil nagtetext pa din siya sa akin pero ayoko na! Tama na ang minsang panloloko ko kay Aileen na minahal ko.

Assuming na Old Maid.comWhere stories live. Discover now