Chapter 8 - Day 8

197 11 0
                                    

Chapter 8 - Day 8

"Goodmorning Baby! :)" Bati niya sa akin while smiling.

Gaya ng dati, pag kaupo ko, tinabihan niya agad ako at inakbayan.

I smiled.

"Hey, i missed you.." he said while pinching my cheeks.

Naalala ko na naman ang sinabi niya sa akin kahapon. Bigla naman akong nalungkot. 

"Are you okay??" sabi niya..

"2 more days to go" I said softly. 

Pagkasabi ko nun, parang may kirot akong naramdaman sa dibdib. Ngayon pa lang miss ko na siya. Pano nalang kaya sa susunod na mga araw? 

"Hey, don't be sad.. Naalala mo pa pala ang sinabi ko kahapon?" Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

I just smiled at him and nodded. 

"Wag mo munang isipin yun.. Ikaw talaga. Masyado ka namang napamahal sa akin." ;) Kinindatan niya na naman ako! OMG! Maloloka na naman ako nito.

"Stop it!!!!" 

DADAN! Napalakas na naman ata sigaw ko.. Kase si LOLA na super seatmate namin, lumingon na naman sa amin.. And take note, MASAMA na naman ang tingin sa AKIN! sa AKIN LANG! Kainis talaga. CRUSH mo si Nile lola??!

"HAHA! Si lola talaga!" sabi niya..

"Wag ka kaseng kindat ng kindat jan.. TSS" i said.

"Bakit? Gwapo ba ako pag kumikindat?? Ma-appeal ba?? AHAHAHAHA" at kumindat ulit.

"Don't do that! tsss. *I changed my voice from playful to serious* Wag na kasing gawin yan. Baka mahihirapan akong mag move-on pag wala ka na."

I didn't receive any reply but instead, I received a very tight and warm embrace. 

While I'm under his sweet arms, i spoke up.

"Nile, di na ba tayo pwedeng magkita after 2 days??"

"Pag-iisipan ko.. hehehe"

"Ano ka ba!? Kapal din nang mukha mo ah!" Pinilit kong kumalas sa yakap niya pero mas malakas siya at hinigpitan ang pag yakap sa akin.

"I'm just kidding.. Pero baby, hindi na tayo pwedeng 

magkita.." 

"Bakit? Ikakasal kana? Mangingibang bansa kana? Magpapakamatay ka na?"

"No.. No.. Manliligaw ba ako sayo kung may GF na ako? I'm not that kind of guy.. Ikaw lang talaga.." 

DUG DUG DUG DUG DUG -.-

Mas bumilis ang tibok ng puso ko kaya natameme ako.. 

While I was hugging him, naramdaman kong parang may ginawa siya sa right ear ko. 

"What are you doing?" sabi ko.. Bumitaw siya sa yakap at hinawakan ko agad ang right ear ko.

"Eto pala! Thanks :)))" Kala ko ano.. Yung red rose lang pala. Nilagay niya sa right ear ko.. 

I checked the note which is again attached to its stem.

"2 -NM"

"Two. En-Em.. Nile, bakit yung mga rose may numbers na pa-backwards? And bakit NM? Nakalimutan kong itanong sayo eh.."

":) NM, Nile Mino. That's my real name.. :) And the numbers? You know it yourself. :)" At nag smile siya nang nakakaloko.

“TSS! Para namang countdown tong numbers eh. Kaloka ka Nile! Ano to?”

“Secret!” He said.

KALURKY ha! Bahala ka kung ayaw mong sabihin.. 

"Okay. di ko naman yan mafifigure-out eh.. Nile, can i have your cellphone number? Para may communication naman tayo kahit di na tayo magkikita.. :((("

"I lost it.. Sorry baby.." Anong klase to. Edi bumili siya ng bago. :( hay nako. Mukhang pang BUS chorva lang talaga tong relasyon namin. Bahala na nga..

"Mahal mo ba ako??" i asked.

"Oo naman.. sino pa bang iba BABY KO?" Malay ko.. Baka may iba kang babae sa ibaba ng Bus. Tsaka I never heard him saying na he loves me, not even once. Pero, ako na ang O.A.. BUS LOVERS nga diba? Mahalin niyo kung anong meron kayo ngayon. Hanggang nandiyan siya, mamahalin ko siya.

"THANKS NILE :)" I gave him my sweetest smile. 

"TREESSAANNN!! DITO NA TAYO!!"

"I'll go ahead BABY! :)"

"See you tomorrow morning NILE! :)"

"I'll miss you!" he said.

"Me too.. :)" he held my hand at binitawan niya rin ito agad.

Tiningnan ko ang likod niya habang pababa ng bus. 

Dalawang araw nalang.. I'll make sure to make it special. I know 30 minutes may be very short, but I'll make it longer tomorrow. I promise.

. . . . . 

"KRRRRIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNGgggggg"

Nag ring ang phone ko while nagpra-practice kami ng graduation song. 

"Hello??"

"Anak! Kararating lang ng mama at papa mo. Umuwi ka ng maaga ha!"

"As.in Na-yaaa??? Sige po! WAAA! Excited na ako masyado!!"

"SIS!! NANDIYAN NA RAW SILA??" Aba ang kulit ng bakla! nakikichika!

"hoy Lian, magpractice ka na nga lang diyan.. Makikichismis pa eh"

"May pasalubong ako kina tita noh! Akin na nga yang phone--akin na!" Inagaw ng bakla ang phone at naagaw niya nga..

"HELLO ?? --MOMITA AYA??!--OO!! IT'S ME!! THE PRETTIEST LIVING CREATURE--OPO--WAAAA--EXCTED NA AKO MASYADO!!--OO--SAAN?--OPO!!"

"Akin na nga yan.." I said.

"MOMITA--SA-- Ano ba naman SIS! Hayy nako talaga! Exxccited na ako..Uwi tayo agad ha!"

"Sige na-ya, baba ko na po. :) Uuwi po agad kami after ng practice! :) Bye poo.."

After ng practice, deretso na agad sa bahay.

Natuwa naman sina mama sa balita ko. MAGNA CUMLAUDE ako, and they were so proud of me.

Binigay naman nila ang pasalubong for Lian. Apple Tablet. Kapal ng mukha. super.

Si Na-ya naman, I-phone 5.. SOSYAL!

At ako? Well, sa graduation nalang daw ibibigay.

NEXT TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon