Epilogue

304 20 19
                                    

Epilogue 

NEXT TO YOU

By: thedreaminggal

"Congrats anak" Bati sa akin ni mama.

After the ceremony, dumeretso na agad kaming apat sa isang restaurant para kumain.

"Thank you po"  I said. Hindi naman nila ako tinanong tungkol sa nangyari kanina. Sinabi raw ni Na-ya sa kanila na tanungin nalang ako kapag nasa maayos na pag-iisip na ako. 

Hindi ako makakakain ng maayos. 

Hindi ko magawang lunukin ang bawat pagkain na sinusubo ko. 

"Kumain ka pa anak.." Sabi ni papa. Pero wala talaga akong gana. 

"Eto oh, baby back ribs, favorite mo.." sabi ni Na-ya.

Ang sarap naman. Pero bat wala akong nalalasahan. Hahay.. :'(

Napatingin nalang ako sa paligid ng restaurant. 

May mga pamilyang kumakain, kagagaling lang rin sa graduation. 

Sumubo ulit ako ng pagkain. Wala parin itong lasa kaya uminom ako ng tubig  pantulak sa pagkaing sinusubo.

Nanood nalang ako ng television sa restaurant pampalipas ng oras habang naka upo parin at kumakain.. 

Tumayming naman ito sa balita. 

"Mga bangkay ng mga biktima sa nasabing trahedya nung nakaraang linggo, nahanap na!! Nandito si Andres Dela Victoria para sa ating balita. Andres?"

"Magandang umaga Kris. Andito ako ngayon sa TREESAN Univeristy River at kasalukuyang nagaganap ang imbestigasyon tungkol sa nangyaring trahedya. Dalawang bangkay ang natagpuan kaninang madaling araw sa tabi ng ilog. At ang huli at pangatlong bankay naman ay nahanap kanina, bandang alas syete imedya ng umaga. Nagsidatingan naman ang mga kamag-anak ng mga biktima matapos ang paghahanap sa kanila."

(pinakita sa camera ang mga labing naka tabon ng puting kumot, at ang kanya-kanyang pamilya ay naroon sa eksena. MAy nakita akong babaeng pamilyar sa tv, umiiyak siya, naka tabon ang mukha. Nung nakita kong inangat niya ang ulo niya, NAGULAT AKO!! SIYA YUNG BABAENG NA MEET KO SA CAFETERIA LAST WEEK! SI NAIL! SI NAIL MIAN! BAT SIYA NANDIYAN?? MAY KAMAG-ANAK KAYA SIYANG NAMATAY??!) 

"Ang mga labing natagpuan ay sina Alfred Jusan Jr. 20 taong gulang, Mario Sammy Barienas 21 taong gulang at si Nile Mino Liason 20 taong gulang." 

(NILE MINO LIASON??? NILE MINO?? 'NM, Nile Mino. That's my real name.. :) And the numbers? You know it yourself.' NILE?! Si Nile ay isa sa mga nasawi sa trahedya? Hindi yan totoo!!! HINDI!!! KASAMA KO SIYA ARAW-ARAW! KAYA IMPOSIBLE YAN!!! TAMA! TAMA! MARAMING NILE MINO SA MUNDO!! HINDI LIASON ANG APELYEDO NIYA! HINDI!!!)

"Ayon sa Presidente ng Unibersidad, wala raw silang pananagutan sa nangyari dahil wala namang klase nung araw na yun. Gayunpaman, tutulong raw sila sa pagpapalibing ng mga studyante. Ang labin-tatlong nasawi ay magtatapos na sana ng kolehiyo ngayong Marso. Ngunit dahil nga sa nanyari, hindi na nila matatanggap ang kanya-kanyang medalya. Nagdulot rin ito ng matinding pagluluksa sa kani-kanilang pamilya. Napagkasunduan narin na ang mga labi ay dadalhin sa St. Paul Funeral homes matapos ang imbestigasyon. Andres dela Victoria, NAGpapatrol!!"

Tumayo ako sa aking kinauupuan at tumakbo palabas ng restaurant. Dinala ako ng mga paa ko sa Bus stop. Pagdating na pagdating ng isang bus, sumakay na agad ako. Sa di maaninaag na dahilan, bumaba ako sa TREESAN. Doon ko nasilayan ang mga luhang umaagos mula sa mga pamilyang iniwanan. 

Maraming tao. 

Mga reporters, mga kamag-anak, kamag-aral, mga rescuers, mga taong nagdala ng ambulansya at mga pulis. 

NEXT TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon