HTG's Note: Heeeeeyaaaaaaaaah guuuuys! Ambak NYEHIHI! I got a lot of stories just for you. Let's start 😉
This is not so scary naman. I just want to tell you kung sa tingin niyo nagkataon lang ba or talagang my mouth is curse.
Minsan kasi tong bibig ko kung ano-ano na lang lumalabas, eh!
It happen last year ago.
I don't remember the date na. May pasok kami sa trabaho nun. Nag-uusap lang kami ng pinsan ko about doon sa kapit bahay namin. Natanong ko kasi if buhay pa ba ang asawa ni aling Maya (hindi tunay na pangalan) kasi may nag tanong lang din sa akin one time.
Gusto ko lang makasigurado kung tama ba yong mga sinabi ko.
Isa siyang costumer sa pinag tatrabahuan namin ng pinsan ko at nasaktung mag kaibigan sila ni aling Maya. Tanghali nun noong kumain siya sa amin. Biglang nag tanong ito sa akin kung kumusta na ba raw si aling Maya at sa bakery na minamanage ni aling Maya dati. Napansin niya kasing wala na ito at iba na ang nagmamay-ari sa lugar na pinagtitirikan ng bakery ni aling Maya.
Matagal na din kasi daw siyang hindi nakapunta dito at hindi na dalaw ang kaibigan niya.
So, sinagot ko lang naman siya base sa pagkakaalam ko. I just said na..
“Oky lang naman ho siya. Nagbebenta ito ng balut tuwing alas singko ng hapun hanggang hating-gabi. Sa umaga naman nag papahinga ito or kung minsan, pumupunta ito sa boarding house para mag linis.” Wika ko.
Caretaker din kasi itong si aling Maya. Siya din ang nagbabantay sa paupahang kwarto.
“Ah, ganoon ba? Masipag talaga yan si Maya. Eh, may asawa pa ba si Maya? Hindi ko kasi nikikita ang asawa niya.” Isa pang tanong nito.
Bakit naman ako ang natanungan niya. dalawin na lang niya para alam niya lahat nangyayari sa buhay ni aling Maya.
“Patay na po ang asawa niya.”
“Ay, kawawa naman. Hindi ba tatlo ang anak niya?” Tanong na naman niya.
Hindi ko alam kung concern lang ba siya o sadyang mag pagka chismusa din ang isang 'to.
“Oo. Dalawang lalaki at isang babae. Ang alam ko may trabaho na ang mga ito.” Sagot ko.
Nagmumukang chismusa din ako sa lagay nato, eh! Tumango lang siya at nag patuloy na sa pagkain. Pagkatapos niyang kumain syempre nag bayad ito at nagpaalam na.
Iyon ang huli naming pag-uusap. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya, eh! (Kamut sa ulo) Hindi na din ito bumalik. Siguro busy.
Kaya na open ko sa pinsan ko. Kami kasi ang mag kasama nun sa work. Brining-up ko lang para may mapag-usapan kami.
“Diba patay na ang asawa ni aling Maya, ate?” Panigurado kong tanong.
Kasi balita ko kaya nawala ang bakery dahil namatay na ang may-ari ng bakery which is asawa niya.
Kumunot naman ang noo niya.
“Naku, miss... Ibang asawa ata yang tinutukoy mo.” Aniya.
Miss kasi ang tawag niya sa akin simula nung grade school pa ako.
Napa “Huh” look na lang ako.
Hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi niya.
“Iyong bakery kasi na tinutukoy mo, eh hindi naman sa asawa ni aling Maya yon. Pinag babantay lang din siya doon. Buhay pa ang asawa niya. 'Yong namatay si manong Neb (hindi tunay na pangalan) yon. Kapatid ng asawa ni aling Maya.” Paliwanag niya.
Napatakip na lang ako sa aking bibig at pinagsasampal iyon.
“Naku, buhay pa yong tao pinatay mo na.” Sabi ni ate Rose sabay tawa.
Natawa na lang din ako.
Malay ko ba?
Eh, kasi magkahawig sila ni manong Neb ng muka at ng anak ni aling Maya at si aling Maya din. Nakita ko na kasi sila dati pa. Dahil doon ako bumibili ng pandesal sa kanila.
Inuutusan ako ni mama tuwing umaga (malamang) o bago pumasok sa iskwela.
Akala ko eh, si manong Neb ang asawa ni aling Maya. Hindi ko kasi nakikita ang tunay na asawa nito. At sila lagi ang mag kasama sa tuwing bumibili ako, no!
Nahinto ang pag-uusap naming iyon dahil may mga costumer ng kumain.
Makalipas ang ilang araw.
Dumaan si aling Maya. Nasa gilid ng tindahan kasi namin ang boarding house na binabantayan niya. Mukhang malungkot ito at walang tulog. Hindi namin siya pinansin kasi baka bad mood lang siya nun.
Pumunta ito sa boarding house. Akala namin mag lilinis siya. Hindi pala. Nag remind lang ito ng bayad sa tubig at kuryente sa mga boarders nila at pati narin sa amin.
Nag rerent lang din kasi kami sa pinagtatrabahuan namin. Kasali din ang tindahan namin sa kinacaretakeran ni aling Maya.
“Rose, ipapaalala ko lang yong bayad sa renta, tubig at kuryente. Ilang araw kasi akong mawawala.” Aniya nito habang kausap ang ate.
Nag bigay ito ng maliit na papel. May nakasulat na amount na dapat bayaran ng amo namin.
Nag tatakal kasi ako ng kanin nun kaya hindi ako kasali sa usapan nila. Although, nakikinig naman ako.
Siguro na curious si ate mo kaya natanong niya.
“Bakit dam? Saan ka pala pupunta?”
Madam kasi ang tawag niya kay aling Maya. Samantalang ako Te or ante ganun.
“Uuwi ako sa amin. Burol kasi ng asawa ko.” Malungkot nitong saad.
Napahinto ako sa ginagawa ko at napalingon sa kanilang dalawa. Nag-uusap pa kasi sila sa mahinang boses.
Hindi ko na marinig kasi ang lumanay ng boses ni aling Maya.
Ikaw ba naman mawalan ng minamahal sa buhay matutuwa ka pa kaya?
Naguilty naman ako bigla sa sinabi ni aling Maya. Langya naman! Ilang araw lang naming pinag-usapan yon, eh!
“Condolence te,/condolence dam.” Sabay naming sabi ni ate Rose.
Umalis naman agad ito. Mukang nag mamadali.
Nagkatinginan kami ni ate Rose sa isa't-isa.
Hindi ko alam kung kasalanan ko ba pero base sa muka niya parang sinisisi niya ako. Eme!
“Nagka totoo ata sinabi mo, miss.” Aniya.
Tumahimik na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko.
Hindi ko naman kasalanan, eh! Baka nagkataon lang.
Napabuntong-hininga na lang ako.
YOU ARE READING
Horror Tale 2
RandomMga kwento ng mga tao kasama ang kanilang iba't-ibang karanasan. Karanasang hindi mo nanaising maranasan. Mga nakakatakot at nakakapanindig balahibong kwento. Tara na't ating alamin ang misteryong nababalot sa ating mundo.
