Kabanata 1

227 18 6
                                    


Nandito ako ngayon sa Ageless Caffe habang hinihintay ang mga kaibigan kong mukhang kung ano-ano na namang ritwal ang ginawa sa sarili. Napatingin ako sa aking G-Shock at mahigit isang oras na rin palang late ang mga bruha.

"Mababatukan ko talaga mga 'yon"

Ang Ageless Caffe ang paborito naming tambayan. Ang kaibigan niyang sI Charry Ahn Velasco ang nakadiskubre dito dahil na rin sa hilig nito sa mga cuteo kakaibang bagay. Naiiba ang Caffe na ito dahil sa unique service kong saan ikaw ang magtitimpla ng kapeng gusto. Gayundi ang mga mug na ginagamit dahil may iba ibang styles ang design na pwedeng pagpipilian kong saan nakaukit ang mga mukha ng artista, hayop, cartoon character at iba pa.

Kasalukyan akong nakatitig sa baso kong sapatos ang desenyo kakaiba at talagang nakakatuwang titigan ito.

"Oh, Yllquena, wala pa ba ang mga kaibigan mo?" tanong sa akin ni ate Marian Mejorada isang kilalang Chef at siyang nagmamay-ari ng Ageless Caffe.

"Ate, magtaka nalang po kayo kong maaga dumating ang mga bruhang iyon" nakalabi kong sagot dito.

Natawa naman ito at mabilis nagpaalam susunduin daw nito ang anak.

"Besssstieee! ang aga mo ah!" patiling bungad sa akin ni Charry Ahn. Aba't ang babaeng ito tila nasa mood ngayon ah.

"Hiyang hiya naman ako sayong nasa tamang oras" nanggigigil kong sagot dito.

"Ha-ha-ha , atleast second honor ako" tugon nito at nagpeace sign pa. tsk. pabebe pa eh.

"Oh, nandiyan na pala sina Zaelb at Chantalle" dagdag naman nito sabay turo sa entrance.

Aba sabay pa talaga ang dalawang bakekang na ito ah. Talagang agaw pansin sa magkaibang suot. Naka rugged tight jeans at top na pinatungan ng leather jacket si Zaeilb o mas kilalang Ece samantalang naka mini dress na pink si Nadine Chantalle.

"Konichiwa mga babaitas" pagbati naman ni Chantalle sa napaka friendling paraan. Kahit naman si Hitler kaharap. ito'y nakangiti pa din. Tsk.

Habang si Zaeilb naman ay tila wala sa mood na umupo sa tabi ni Charry Ahn.

"Tse! Anong oras na ! Isang oras na akong naghihintay dito ah!" sigaw ko sa mga ito.

"46 minutes lang kaya, wala pang isang oras ikaw ah nilagyan mo ng interes agad." pilosopo namang sagot ni Zaeilb. Ito ang dakilang pilosopo sa grupo nila sarap ibuhos itong kape eh.

"Tse!"

"Ayyyy ehhh! tignan nyo mga bruha ang cute ng bago nilang mug ohhh!" pagpapapansin naman ni Charry Ahn habang hawak angg mug nitong -- what?-- eh postiso ung design ng mug eh.

"Yuck naman Charring, kahit saang banda walang cute diyan." nakangiwi namang sagot ng kadarating na si Antonette. Ito ang pinaka prangka sa aming lahat.

"Inggit ka lang tonyang" pambabara naman dito ni Charry Ahn habang sumisipsip sa kanyang cute kunong mug.

"Konichiwa tonyang I love your lipstick today it looks so fierce on you." umatake na naman si Nadine Chantalle walang makakapigil sa bibig nito pag may nagustuhang bagay.

"Hmmp, kahit kailan talaga ako nalang palagi ang nauuna ah." sigaw ko sa mga ito na ikinabigla naman nila. Naibuga tuloy ni Charry Ahn ang latte na iniinom sa kadarating na si Antonette.

"What the hell?! ingrata ka talaga eh no? sarap mong hambalusin ng sayote!" nakasimangot nitong tugon. Nagpeace sign naman si Charry.

" Oh, asan ang impaktitang si Arabella?" tanong naman ni Zaeilb.

Sweet Jerk PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon