Kabanata 11

74 9 4
                                    


MABABALIW ako dito eh, halos puro tauhan nalang ng mga Latharham ang nakakasalamuha ko. Nakakausap ko naman ang parents ko pero I really missed them. Lalo na yong kapatid kong kambal. Si Yllker (Il-ker) at
Yllfrah (Il-frah)halos labingwalong taon din ang. agwat ko sa mga ito. Eighteen years old ang kanyang ina ng ipanganak siya dahil sa hirap nitong panganganak ay isuko na nila ang pangarap na magka-anak pa muli ngunit ng dumating ang kambal ay nagkaroon ng pag-asa at saya muli ang aming bahay.

"I wanna see them" I need to talk to that arrogant beast. Mabilis kong tinungo ang pinto. mukhang na kaunlock naman ang automatic key nito. Bumugad sa akin ang mga bodyguards.

"Ma'am, saan po kayo pupunta? ipinagbilin pong hindi kayo pwedeng lumabas ng iyong kwarto" pakikiusap ng isa.

"Hindi ako pwedeng manatili dito!"

Agad akong naglakad palayo ngunit bago pa man ako makahakabang ng tatlo ay pinigilan na ako ng dalawang lalaki sa braso.

"Ano ba!bitiwan niyo ako!"

Sadyang malakas ang mga ito . No, kailangan kong tumakas. Mabilis kong kinagat ang braso ng isa. Sinipa ko naman "doon" yong isa. Namimilipit ang mga ito sa sakit. Bago pa man ako mahuli ng ilan nilang kasama ay tumakbo na ako.

Sumunod naman ang mga ito. Mabilis akong tumakbo sa may hagdan at tamang-tamang nakasalubong ko si Kellan may hawak itong cute na aso.

"Oh, bakit para kang hinahabol?" tanong nito.

"Saan ang kwarto ng lalaking iyon?"agad kong tanong dito. Napalingon naman ako at wala pa akong nakikitang anino ng mga bodyguards.

Agad naman nitong itinuro ang isang pinto. May nakatatak na PRINCE's FORTRESS sa pinto. Agad ko itong tinungo.

"opps, bad mood yan!" agad nitong sigaw. Hindi ko na ito pinakinggan at agad pumasok sa loob.

BUMUNGAD sa akin ang isang malaking kwarto. Bahay na ata ito ah. Black and white ang dominanteng kulay nito. May malaking sala set at mini bar ito. Agad kong tinungo ang sofa at umupo. Napakalambot, ang sarap tulugan. Inalis ko ang sapatos ko at itinapak sa Carpet agad namang lumubog ang paa ko. Wow. Narinig ko naman ang mga yabag sa loob ng isang kwarto. Agad akong tumungo doon. Oh my God, malaking kama ang nakita ko sa gitna.

Napatitig naman ako sa lalaking kalalabas mula sa isang pinto. There he is looking so dashing in his wet look. Parang hindi rumehistro sa utak ko ang agad nitong tanong. Gusto ko lang siyang titigan.

" Hey, are you deaf and mute now? should I call a psychiatrist or what?"

Ano daw? Napagkamalan pa ata akong baliw ng lalaking ito eh.

"Oo tumawag ka at ikaw ang gagamutin niya" mabilis kong sagot dito. Kala mo ah.

Mabilis itong lumapit sa isang malaking closet at kumuha ng T-shirt. Ang bango ng kwarto niya, napapikit pa ako ninanamnam ang amoy ng biglang may tumapon sa mukha ko. Napadilat ako at nakita ko ang t-shirt na suot nito kanina. Aba't bastos ito ah, itapon ba naman sa mukha ko.

Babatuhin ko na din sana ito ng mapatingin ako dito. Oh my godness, ang abs. Wala itong suot pang-itaas ngayon. Ang ganda ng katawan. Sexy.

"Sorry to disapppoint you pero hanggang t-shirt lang ang aalisin ko" pang-aasar pa nito.

"Hoy!Ang kapal mo!" sigaw ko dito.

Mabilis naman itong nagsuot ng T-shirt.

"What are you doing here? Bakit ka pinalabas ng mga bodyguards?" tanong nito.

"Tumakas ako. Walang binatbat sa akin ang mga iyon" pagmamayabang ko dito.

"Really, then expect them to tie you later"

Ano daw? bwisit talaga ito.

"I wanna go out! gusto kong makita ang pamilya ko!" sigaw ko dito. Tila wala naman itong narinig at agad humilata sa kama.

"Hoy! please palabasin mo na ako. Wala naman ng issue di bah?" tanong ko dito. Nakapikit naman na ito ng lumapit ako.

"Talagang hindi mo ako kakausapin ah?"

Tignan natin ngayon. Mabilis akong sumampa sa kama nito at nagtata-talon.

"BLOODY HELL! Get off you midget!" sigaw nito. Nagtatatalon pa din ako. Midget daw? eh kung bigyan ko ito ng tape measure at sukatin niya ang height ko? 5'7 kaya ako.

"GETOFFFF!" sigaw pa nito habang pilit bumabangon.

"No!maganda din itong exercise ko!" tumatalon talon pa din ako ng maramdaman ko ang mga bisig nito na pumulupot sa beywang ko. napatumba naman ako at nasa tabi niya na ngayon. Oh no!

***
yay!kinikilig ako. hahah lellsss. 'till the next UD.
hmmm, para medyo mabitin kayo ng konti lang naman.

20 votes for the next UD. :)) kaya niyo yan :)) PM niyo ako kung naka 20 votes na ang chapter na ito key?

===)) love you all!!
Sali na sa Sweet Jerk Prince FB group. Sa mga beteranang supporters ng #teamLATHARHAM salamat! #powervote na.

P.S***

20 votes for the next chap ::)

Sweet Jerk PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon