Kabanata 3

88 12 1
                                    

"DOC, musta po operasyon?" pangungumusta ni Noelyn, ang Nurse na kasama ko sa aking opisina na siyang nagsisilbi ring assistant ko.

Mahigit anim na oras din ang inilagi namin sa ICU dahil sa isang batang pasyenteng may Heart Failure.

"So far so good. Hindi pa natin masasabi kung anong mangyayari. Let's just pray na hindi ireject ng katawan niya." mahina kong tugon dito. I felt exhausted.

"Doc, naka-leave ka ngayon diba?"

"Yes, tinapos ko lang ang operasyon. Ikaw na muna ang bahala dito. Isang buwan din ang bakasyon ko." pagbibilin ko dito habang nag-aayos ng gamit. May usapan pa kami ng mga bruha kong kaibigan. As usual sa Ageless ang Venue.

"Yes Doc, ako nang bahala dito." masigla naman nitong tugon.

"Thanks Noelyn, Ako ng bahala sa pasalubong mo." nakangiti kong bulong dito.

"Doc, lalaki ah. gusto ko yong parang si Zac Efron. Ayyy! blue eyes!" nangangarap nitong sagot habang umiikot-ikot pa.

"Tse! mas maganda ang green eyes" sagot ko dito. Fascinated ako sa mga lalaking green eyes. I find it cool and different.

Matapos akong magpaalam dito ay agad di akong umalis ng Opisina.

Mabilis akong pumasok sa kotse at pinaandar ito.
Napansin kong parang nagkalat ang mga tao ngayon at may hawak-hawak pang mga gadgets. May shooting ba dito?

Narinig ko din ang mga tilian ng mga kababaihan.
Tsk.Iingay kala mo naman kung sa kanila ang daan. Hmp.

Mabilis kong pinaharurut ang sasakyan nang biglaang may mga itim na kotseng nagsulputan sa kaliwa ko. Bago pa ako makakabig ay naramdaman ko na ang tila pag-alog ng kotse ko at pagbasag ng side mirror ko. Oh my God. Am I dead?.

Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa paligid. Namalayan ko na lamang na may kumakatok sa bintana ng aking kotse. Mabilis naman akong bumaba at napansin ang ilang kalalakihang nakasuot ng uniporme. May mga 10 ring itim na mamahaling kotse ang magkakasunod na nakahinto dahil na rin sa kotse kong nakaharang. oh no! kitang kita naman na kotse ko ang wala sa lane. Nakabangga ako!

"Madame, are you alright? We could take you to the nearest hospital if you feel in pain." Deretsang tanong sa akin ng lalaki.His accent is awesome. British.

"No. i'm fine." mabilis ko namang sagot dito. Doctor ako at alam kong wala namang masakit o malubhang nagyari sa akin.

"Dahan-dahan ka kasi sa pagmamaneho!"

"Kainis, muntik nang mabangga ang Prinsipe"

"Papansin lang iyan"

Nakaramdam ako ng galit sa mga bwisit na babaeng sumisigaw.

Bago pa ako sumugod sa mga ito ay may bumabang lalaki sa isang sasakyan.

Lalong lumakas ang tilihan. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Nanginginig na rin ang tuhod ko.

"What seems to be the problem in here? Why did we stop?"

I was shocked the moment I laid my eyes on his face. His eyes enticed me the most. oh God. it's freaking green!. He's tall and his hair is a little bit messy and curly yet it just make him more charming. This man is incredibly handsome!

"Your highness, one of our convoy was scratched."

"What!?" I saw how his eyes widened in shock.

Sweet Jerk PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon